2

623 36 9
                                    

Nasa bahay ako at nakahiga sa sofa habang nanonood ng TV nang biglang tumunog ang doorbell.

Nagmadali palabas ang katulong namin.

Narinig kong pinasok nya ang bisita pero hindi ako umimik o sumilip. Nanatili akong nakahiga at tamad na nanood ng TV habang ang isang paa ko nakasabit sa sandalan ng sofa.

Saturday is my lazy day. Its my day so no one can touch or manoeuvre me.

"mam Siti" ani ng katulong namin. "nandito na po ang music teacher nyo" ani ng katulong.

Napakunot ang noo ko. "no, yaya today is saturday hindi ako pwedeng gumalaw" inis ko syang inirapan.

"mam Siti nandito po sya" halatang natatakot si Yaya.

"so?" tinaasan ko sya ng kilay. Alam ng parents ko that every saturday is my lazy day. Ako ang masusunod sa lahat ng galaw ko.

Tumalikod ako at pinagpatuloy ang panonod ng series.

Biglang may tumukod ng kamay sa tabi ng paa ko sa sandalan ng sofa.

"I'll wait until my first two hours are done before I go home" seryoso nyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong napaupo ng maayos. Si Franco.

Nagmadali ako sa paghila ng blanket ko at pinasa kay Yaya. Tumayo ako at tumalikod sabay takbo paakyat.

Pagdating sa kwarto, hindi ako magkaundagaga sa pagmamadali. "yaya pakisabi pababa na ako" bago ako pumasok ng banyo.

Naiwan si Yaya na nakangiti at umiiling.

Simpleng pares ng coordinate challis clothe ang suot ko. Kanina nakasanfo at maikling shorts ako, ngayon maayos na kumpara kanina.

Hilamos, toothbrush ant tinali ko ang buhok ko ng maayos.

Pagbaba ko. Nakaupo sya sa single sofa na katabi ng piano namin, hawak ang phone nya at halatang naiinip na.

"hi" nahihiya akong bumati at nilapitan ang piano kaagad.

Napatingin sya sa akin mulanulo hanggang paa. "may isang oras pa ako" napataas ang isang daku ng kilay nya.

Napatitig ako sa kanya. He's trying to intimidate me.

Napangiti ako, nakatitig sa kanya habang supladang patungo ng piano.

Pagkaupo ko, binuksan ko narin ito.

Nilapag nya ang isang easy kindergarten rhyme. "magsisimula tayo sa baba paakyat"

Pilya akong ngumiti at tinitigan sya. Nang makipagtitigan rin sya sa akin, ngumiti ako. "okay" sabay taas ng kilay ko.

Hinarap ko nang piano at sinimulan ang nasa harapan kong Mary had a little lamb. Ilang besis kong tinugtog at ako na ang nagbukas ng susunod na pahina.

Tamad lang ako pero hindi ibig sabihin mahina ako. Marunong ako sa music at tamad lang talaga akong umatend ng nga practice at klase ko kaya ako nadedelay.

Ngumuso ako nang makaanim na piyesa na ako. Tuloy-tuloy ako hanggang nakarating ako sa huling piyesa.

Uminat ako ng mga kamay ko at hinarap sya. "sa palagay mo, may pag-asa pa ba ako?"

Ngumiti sya at umupo sa tabi ko. Nilapag nya ang panibagong folder ng mga piyesa.

"go with this" ani nya at tumayo.

Nagsimula na naman akong tumunog. Mabilis kong natapos ang tatlong piyesa, at ako na ang nagbubukas ng mga papel.

Paglingon ko, naabutan ko syang kinukunan ako ng video.

Someday We'll KnowWhere stories live. Discover now