SIMULA

1K 45 13
                                    

"akin na nga!" biglang inagaw ni Adam ang hawak kong papel at binasa ang nakasulat.

"Adam!" mabilis kong inagaw ang hawak nyang papel nang tumaas na ang isang bahagi ng labi nya. Pinunit ko kaagad at nilagay sa bulsa bago ako umalis.

Akala ko tapos ang pang-aasar nya. Bigla nya akong hinarangan at tinaasan ng kilay. "stop flirting around Siti, kung ayaw mo ng gulo" bulong nya.

Tinulak ko sya at inis na binangga. "Bwesit!"

Sa dulo ng hallway nakasalubong ko si Xandy na may dalang shake.

Nagmadali ako sa bawat hakbang ko para makuha ang hawak nyang shake.

"oh!" namilog ang mga mata nya nang makuha ko na sa kamay nya ito.

Mabilis kong sinipsip at binalik sa kanya. "pakisiko mamaya si Adam, sigaraduhin mong masasaktan ha?"

Ngumuso si Xandria at mabilis itong tumango.

Umalis ako at umakyat sa ikalawang palapag ng gusali namin. Sa dulo ng gusali natatanaw ko ang gwapong mukha ni Xian. Natitig sa baba habang nakatukod ang mga braso nya sa railing.

Sinilip ko kung sino ang tinatanaw nya.

Umirap ako nang mapansin na nasa baba si Xandy at may hawak na phone at shake. Nakatayo ito sa harapang ng gago kong pinsan.

Napataas ang isang daku ng kilay ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa baba at si Xian dito sa dulo.

Humakbang ako para malapitan sya. "bumaba ka kaya?"

Napukaw ang atensyon nya at umiling.

Napanguso ako. "takot sa araw or LQ na naman kayong tatlo?"

"nah!" sabay iling. Binalik nya ang atensyon nya sa dalawa sa baba na ngayon may kausap nang babae.

"seryoso ba talaga si Adam sa kanya?"
Napakunot ang noo ko.

"siguro" tipid nyang sagot bago nagkibit balikat at tinalikuran ako.

Napataas ang isang bahagi ng labi ko. Wala na bang matinong tao ngayon?

Pinagmasdan ko ulit silang tatlo, na ngayon naging apat na dahil sa presensya ni Xian.

Tumabi ito sa gilid ni Xandy at tinaas ang kamay para matakpan ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Xandy.

Napagiti ako. Minsan talaga si Xian parang ewan, suplado sa lahat pero kay Xandy sobrang sweet. Yun nga lang hindi naman pwedeng mag-assume si Xandy dahil never namang umamin si Xian sa kanya. Duh! Bahala na nga kayo! Umirap ako sabay pasok sa loob ng room namin.

Umupo ako at nilabas ang phone ko, imbes na maglaro mas pinili kong umikot sa IG ko at silipin ang ang mga bagong post.

Napangiti ako nang makita post ni Kuya. Smile ni Paula. Ilong hanggang baba lang. Halatang cropted photo lang ito.

Pinusuan ko at nagscroll ulit.

"ang cute ni Xian noh, yung tawa nila kanina ni Adam sa hagdan" si Janice Chong.

Napataas ang isang daku ng kilay ko sa narinig ko. Cute? Si Xian, cute?

Pwedeng magsuka? 🥴
Baka may muta lang kayo sa mga mata nyo?

"ang swerte ni Kovda, may dalawang umaaligid sa kanya, sana all?" si Janice.

"oo nga eh" sagot ni Mel, "diba magkaibigan ang Dad nyo ni Xian?"

"oo" kinikilig nyang sagot. Napapailing ako habang sinisilip ang mga masasayang mukha nila sa screen ng phone ko.

"sabihin mo sa dad mo" payo ni Mel.

Someday We'll KnowWhere stories live. Discover now