27 | You Better Know

7.8K 238 24
                                    

Chapter Twenty-Seven | You Better Know
Chess' Pov:

(New story /SOON/ (teaser pic) : (JUST BOYS )spin-off sa Rude. Pero guys, asahan niyo 'to, maganda 'to Im sure. :) .)

Kailangan ko ngang aminin. Tama nga siguro si Doc, kailangan ko din namang intindihin ang mga taong nasa paligid ko. Lalong lalo na ang damdamin nila, pati nadin ang damdamin niya. Kailangan ko na ngang sabihin lahat-lahat. Mas mabuti pa kung maaga ko pang ibabalita ito. Kesa sa maghihintay ako na sila na ang makatuklas.

I dialled Dad's number then called him. He answered right instantly the moment I pressed call. "Chess?"

"Yes Chess?" Ang sarap lang marinig ang boses ng tatay na patuloy padin sa pagaalaga sayo kahit na malaki ka na.

Kahit na wala na si Mama, alam kong andiyan si Dad para sa amin. He became my Mother/Father when I was young. Up until now, seriously, Dad should marry Yaya Bing though. Haha.

Oo, palagi ko kase silang nakikitang sweet paminsan. Para ngang may nabubuong ano eh. Kaseng edad lang naman ni Yaya si Dad kaya I'm sure, pwedeng pwede sila. Hoy 'wag kayo. Hindi kami blood related ni Yaya. Kaya pwedeng pwede sila ni Dad.

"Chess? Is everything alright?" He asked me.

"O-of course Dad." I paused for a sec. Kailangan kong sabihin na, eto na. "Dad? I've been to the doctor's kanina."

"Hmmm?" Parang may something sa pag-hmmm ni Dad. "And then?"

"M-may taning... Na a-ang buhay k-ko." Nauutal kong sabi.Napahagul-gol ako bigla sa sinabi ko sa kaniya. Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Instead, I heard him give out a sigh. Na nagpabigla sa akin.

"I guess, alam mo na rin anak." Malungkot ang boses ni Dad ng sinabi nito sa akin. "Matheo told you?" I nodded. Alam na pala nina Ate at Dad? Noon pa?

"Yes."

"Hmm. I'm sorry Chess, na tinago namin about niyan sayo. Pasensya na anak, its just that you've been so sensitive for the past few months kaya siguro I didn't have the chance to tell yu kasi I don't want to make things worse." Mahabang litany ni Dad.

"O-okay lang po." I answered still sobbing. Alam ko namang para 'yun sa kinabubuti ko.

"As you can see, Me and your Ates are preparing your papers para sa US." He pause, napatango na lamang ako, while wiping my tears. "We're already prepared sa sakit mo na yan." He paused. "Sorry Chess but we need to live sa US na. There's a bigger chance of you getting cured. Doon magpapasurgery ka, at gagaling." Kaya pala palaging wala sila, inaasikaso pala nila ang pagtira namin doon sa US.

"D-dad, how about Rude?"

"Son, Im sorry, but you both should separate. It's for the good anyway. Nagawa mo din naman ang tungkulin mong baguhin siya diba?" I stayed silent. "Please, sumunod ka din naman sa akin. Ayaw kong mawala ang pinakamamahal kong anak. That's the reason why were going to stay sa States for good kasi you'll get treated there."

"I know Dad."

"Don't tell him about that Chess okay? Osya, may pupuntahan pa kami."

"B-bakit naman Dad?" Binabaan na pala ako ni Daddy

Napahiga ako sa sofa.

Kasabay ng paghiga ko ay ang pagtulo naman ng mga luha ko.

Mahal ko si Rude. Hindi ko kayang iwan siya dito. Hindi ko kayang saktan siya.

...

Ilang linggo narin ang lumipas. Ilang araw na lang, matatapos na ang Kontrata namin ni Rude. Hindi ko nga alam pero gusto kong 'wag nalang tapusin ang kontrata. Mas gusto kong kasama siya. Kakagising ko lang mula sa mahimbing kong tulog. Nang nakarecieve ako ng text mula kay Rude.

from : Mr. Asungot <3
babe, sorry. Hindi ako makakauwi ngayon ng maaga. Busy na naman kase ako eh. You know, enrolment.

Agad ko din siyang nireplyan.

to : Mr. Asungot <3
Okay lang. :)

I gave him a smiley emoticon. Kahit na alam kong malungkot ako dahil wala na naman siya. Ilang araw nading palaging ginagabi umuwi si Rude. Nagsisimula narin akong magtampo.

Ano kaya ang kinaabalahan ng mokong nayun?

...


Rude's Pov:

"Sir. Kelan niyo po gustong magpropose?" Tanong sa akin ng isa kong manager sa Hotel namin. I assigned her to manage the said event for my proposal kay Chess sa school kasi.

Sabi ko kasi noon right after my birthday magpro-propose ako sa kaniya and to make things official again, after the contract ends. I changed my mind na ngayon nalang kase the earlier the better diba?

"Hmm. This end of April. Maybe April twenty-eight." Sagot ko naman sa kaniya. Sabay himas ko sa aking chin.

He jutted down some notes. "Okay na po lahat-lahat. Ang aga naman ata."

"Incase of emergency dude." Pabiro ko pang sagot sa kaniya.

"Okay sir, aalis po muna ako. May aasikasuhin pa ako eh."

"Okay, thank you. Basta ah? Don't forget those scented candles then red and pink balloons tsaka nadin ang favorites niya."

The manager just nodded at me saka tumungo na sa office niya.

I can't wait to propose already. Alam kong para siyang corny pero anong magagawa mo kung mahal mo talaga ang tao diba? I decided to propose earlier para kapag college na, walang may kukuha sa kaniya. Kundi ako lang. Diba? For four years, ang engagement ring na ibibigay ko sa kaniya sa proposal ay susuotin niya para palatandaan na akong lang siya. Ang possessive niyang nobyo.

Akin lang si soon to be Chess Perez-Sandoval.

RUDE (boyxboy)(bromance) - completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon