20 | Vince Sanford

9.1K 260 35
                                    

Chapter Twenty | Vince Sanford
Chess' Pov:

I just looked at Rude, who was busy glaring at Vince. Kaya bago pa maghasik ng lagim si Rude kay Vince, agad kong hinila si Rude palabas na ng Jollibee. Hindi sa ayaw kong may gulo, gusto ko nga eh. Hahaha. OK FINE. Eh sa ayaw ko lang makita ang mukha ni Vince. I don't want to talk to him nor see him. Sawa na ako sa mukha niya. Okay?

It's been years already. Since I was an elementary student, Vince first approached me. And boom! We've become friends! Actually, friends with benefits ba. Eh nung time na yun, adik ako sa bobot. Dala-dala ako ng isang pakete pa nga everyday eh. Yan ang baon ko, tapos nun, si Vince naman ganun din. Eh nung naubos na, ayun. Nagdeal kami na everyday magdala, at mag exchange. Hanggang sa lumipas ang panahon naging magkaibigan na nga kami.

Ang babaw lang ng pagkakaibigan namin ano? Pagbigyan na, kase naman bata pa po kami. Pagkain kase ang inaatupag hindi Cartoons. Iba klase akong bata noon, yung iba kung kaklase puro cartoons ang pinaguusapan. Hindi ako makarelate, eh sa hindi ako pinapanood ng tv ni Dad noong bata pa ako, kaya hindi ako makarelate. Instead, palaging full ang laman ng mini refrigerator sa kwarto ko. Kaya ayun ang inaatupag ko.

Flashback

"Vince, may bobot ka bang dala diyan?" Nakaupo lang kami ni Vince sa bench sa labas ng classroom namin. Snacks time na rin naman kase eh.

"Oo, Dalawang pack nga eh. Sabi ni Mommy dapat maubos ko."

I nodded. "Ako nga din eh, pero exchange tayo." Parang di ako mapakaling binigay sa kaniya ang dalawa ko ding pakete ng bobot. Agad din niya itong kinuha at binuksan.

Di lumao'y tumuntong kami ni Vince ng grade five. First day of Class nang hindi ako pinapasok ni Dad sa school for one week. Bagong tuli kase ako, at ang sakit talaga. Kaya nakababad lang ako sa loob ng room ko, and guess what? Hindi naman bobot ang inaatupag ko. Kundi panonood na ng TV.

Uso noon ang cartoons na Courage the Cowardly Dog, 'yan na naman ang kinaabalahan ko. Halos lahat ng episodes napanood ko na.

"Anak may bisita ka." Tawag sa akin ni Yaya Bing. "Papasukin ko na ha?"

I nodded as a response sa kaniya. Pumasok si Vince na nakapalda din sa loob ng room ko. "Oh, di ka pala pumasok ng school?"

"Hindi, tuli na din kase ako tulad mo eh." Natatawa niyang sinagot sa akin, he was walking idly, siguro kasi masakit pa ang tuli sa kaniya.

"Alam mo. May bobot pa sa ref oh, sabi ni ate gagaling daw ang sakit niyan kapag kakain ka ng bobot." Tumingkad ang mukha ni Vince nang sabihan ko siyang pwedeng kumain ng bobot. Kaya dali-dali siyang nagbukas ng ref.

Busy lang kami sa panunuod ng Courage the cowardly Dog hanggang sa abutan kami ng gabi.

Ilang months narin ang dumaan, hanggang sa kalagitnaan na kami ng grade five namin. Nasa loob ako ng classroom nun, naglilinis. Ina-sign kase bawat isa sa amin na maglinis, eh timing naman na dalawa kami ang ina-sign sa friday cleaners. Ganito kase, ten students lang kami noong grade five kami. Anong maiexpect mo sa isang private school?

Habang naglilinis ako, si Vince naman. Walang humpay lang sa pangungulit sa akin. Hindi naman nature ni Vince ang maging ganito eh. Infact, ako pa nga ako mas makulit kesa sa kaniya. "Chess, lalaki na ba talaga ako?" out of the blue he asked me.

RUDE (boyxboy)(bromance) - completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon