CHAPTER 11 - CONJURING

17 2 0
                                    

NASA LIKOD ako ng Special S building,as usual nagwawalis na naman ako. Mayamaya pa ay may mga nalalag na mga damomula sa malaking puno ng mangga na mukhang mas matanda pa yata sa school namin.

"Shut... shut... shut..."


Napatigil ako sa pagwawalis nang may marinig akong sumusutsot sa akin

"Shut... shut... shut..."
Anak ngpatola! May sumususot ulit sa akin at parang lalong lumakas ang pagsisitsit saakin ng kung ano mang elemento 'yun kaya naman tumingin ako sa paligid parasiguraduhin kung may iba ba akong taong kasama dito.

Mas lalo pang lumakas angpagsisitsit sa akin na ngayon ay tuloy-tuloy pa kaya naman binilisan ko na angpagwawalis. Pero muli akong napatigil nang mapansin kong yumuyugyog ng malakasang punong mangga at naglalaglagan pa ang mga bunga nito.

Gusto ko sanangtumingin sa taas ng puno pero natatakot akong baka may makita akong babaengnakasabit sa puno gamit ang lubid at duguan, 'yung parang katulad sa TheConjuring kaya minabuti ko na lang ipinikit ang aking mga mata.

Pero napasigaw ako nang maramdamang parang may telang nahulog mula sa puno at tumama sa ulo ko kaya naman natakpan ang mga mata ko pero imbes na magtatakbo ako e, hindi ko nagawa dahil parang napako na ang paa ko sa lupang kinatatayuan ko. Pero hindi pa yata natatapos ang pagpaparamdam ng multo sa akin dahil may marinig akong bumaba sa puno at yabag ng mga paa na papalapit sa akin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na mayroong kamay na humawak sa tela at unti-unting itong itinaas kaya naman mas pinikit ko na lang ang aking mga mata. Nakikita ko kasi sa imagination ko na duguan ang taong nasa harapan ko at walang ulo.

Naputol naman ang aking pang-Shake Rattle & Roll na imagination nang marinig kong tumatawa ang multo kaya lalo akong natakot. Ibig sabihin baliw ang multong ito nang nabubuhay pa at mas nakakatakot siya ngayon dahil isa siyang multong na wala sa tamang pag-iisip.

Napapaiyak na lang ako.

"Lord, patawad 'pagkat ako'y makasalanan, makasalanang nila-" hindi ko na natuloy ang pagkanta ko nang magsalita ang multo.

"I'm sure this video will trend in all social media account. Look at your face. At nakuha mo pa talagang kumanta huh?"

Dahil sa pinagsasabi niya ay napagpasiyahan kong magmulat ng mata. Tumambad sa harapan ko ang isang lalaking half-naked na may abs at may hawak na cellphone at t-shirt na sa tantya ko ay ang telang ginamit niya na inihulog sa ulo ko. Naikuyom ko na lang ang aking kamao.

Ang walanghiya, tawa pa ng tawa. Bini-video-han niya pala ako kanina habang takot na takot ako.

"Burahin mo 'yan!" sigaw ko habang inaagaw sa kanya ang cellphone niya.

"No way this is my revenge to you for throwing me an ice cream last month," ganting sigaw niya sa akin.

At anong sabi niya, "throwing me an ice cream last month?" Napaisip ako. May natapunan ba ako ng ice cream?

"Ah so ikaw 'yun? Ikaw si Boy Siga?" tanong ko sa kanya nang maalala ko ang kapalpakan ko last month.

"What's Boy Siga?" nandidiri niyang tanong sa bansag ko sa kanya,

"Troublemaker or bad boy, kahit na anong tawag nila sa'yo basta burahin mo na 'yung video ko," pagmamakaawa ko sa kanya.

"No, I won't delete it and it's final," sabi niya sabay walk out sa akin kaya naman hinabol ko siya.

"Okay, sorry kung natapunan kita ng ice cream. Hindi ko naman sinasadya 'yun eh," pahihingi ko ng tawad. Siya kasi 'yung lalaking natapunan ng katabi ko ng ice cream noong isinagawa ko 'yung Operation: Kotoko's Style.

"I-delete muna kasi," pagmamakaawa ko sa kanya with matching pag-intertwine ng kamay ko habang nakapikit. 'Yun kasi talaga ang gawain ko kapag humihingi ako ng tawad kay Popsie. Malay n'yo, umepekto rin sa kanya. Pero lumipas ang ilang minuto eh hindi pa rin siya nagsasalita kaya naman binuksan ko na ang aking mga mata.

"Hoy! Na-paano ka?" Nag-aalala kong tanong sa kanya, nakatulala lang kasi siya sa akin. Naku, baka naengkanto 'to doon sa puno.

"Huh?" tanging na isagot lang niya sa akin pagkatapos ay umiling-iling, then titingin ulit sa akin. Siguro nakalimang ulit siyang gumanon hanggang sa nag-walk out.

Hala, na-pa'no 'yun? Napakamot na lang ako ng ulo. Bigla ay may naalala ako.

Anak ng patola! 'Yung video ko pala. Susundan ko na sana si Boy Siga nang mapansin kong mas dumami pa ang wawalisin kong dahon nang dahil sa ginawa ni Boy Siga kanina kaya napagpasiyahan kong ipagpatuloy na lang ang pagwawalis. Mahirap na pag-iiwanan ko ito e baka mas madadagan ang punishment ni Zeus sa akin.

Sana lang talaga ay wag ituloy ni Boy Siga ang pag-uupload ng video ko sa ibat-ibang social media site.

Started with a Love PotionWhere stories live. Discover now