CHAPTER 21 - AUDITION

19 2 0
                                    

PUMASOK AKO sa classroom nang ang halos lahat ng mga mata ng aking mga classmate ay nakatutok sa akin. Magtatanong sana ako sa seatmate ko na si Joaquin a.k.a. Totoy Bato na isa sa kilalang dakilang mambu-bully na maging ako ay 'di na kalusot sa pambu-bully nito. Akmang lalapitan ko na ito nang bigla itong lumayo sa akin na parang may nakakahawa akong sakit na labis kong ipinagtaka.

"Oh my gee, Che Che! What happened to your nose?" sabay sabay na tanong sa akin ng Super Duper Power Pop Girls na sina Maria, Leonora at Teresa

"Che Che, napanood mo ba 'yung video mo? Umabot na ito ng one million views in just one day sa website page ng Consunji High school."

Agad na napakunot ang noo ko sa tanong ni Maria, "Video ko?" nagtataka kong tanong.

"Ang sinasabi namin na video eh 'yung mala-Legal Wife at Two Wives na sapakan n'yo ni Venus," sabi naman ni Teresa,

"Ay 'yun ba? Teka, anak ng patola. May kumukuha ng video sa amin?" gulat na gulat kong tanong. 'Yun pala ang dahilan kung bakit ganoon na lamang tumingin ang mga classmates ko sa'kin. Kaunti na lang naman kasi ang taonu'n kaya akala ko, hindi na mapapansin ang gulong nalikha namin.

"Pero nagtataka kami bakit parang natabingi yata angilong mo eh, kita naman sa video na ikaw ang champion.Akalain mo 'yun may lahi ka palang taong lobo," sabat ni Maria.

"Mabilis talagang matabingi ang ilong ko kahit 'dinaman kalakasan ang pagkakadali," paliwanag ko sa kanilangtatlo.

"Oh my gee, operada ka ba dati?"

Natawa na lang ako sa tanong ni Leonora. "Hi-hindi,malambot lang talaga ang buto ng mukha ko," sagot ko atkaagad na nag-iwas ng tingin

"Okay let's forget about your nose issue. Angkailangan nating pag-usapan ay ang tungkol sa pagsali mosa Theater Club. May kakantahin ka na ba? Mamaya na angaudition nu'n," pagbibigay impormasyon ni Teresa.

"Ito, answer your form na. Dali," sabay sabay napagsasalita ng Super Duper Power Pop Girls habang iniaabotsa akin ang form.

Sinasagutan ko na ang form nang biglang nagsalitasi Maria.

"Nineteen years old ka na pala. I thought you werejust eighteen."

"Oo," sagot ko.

"Na-late ka pala ng isang taon, why?" tanong ni Maria.

"Nagkasakit kasi ako kaya huminto ako sa pag-aaral,"sagot ko ulit.

"Anong sakit? Sakit sa utak?" natatawang tanongnaman ni Leonora.

"Parang ganu'n na nga," seryosong sagot ko.

"You're so funny talaga. By the way, magka-edad lang pala kayo ni Zach. Huminto din siya ng pag-aaral simula nang natigil si Psy-" agad na naputol ang sasabihin ni Teresa nang takpan ni Maria ang bibig niya.

"You're so Ingay talaga Teresa. Alam mo namang bawal bangitin sa campus na ito ang tungkol kay P.I." sita ni Leonora na labis kong ikinataka.

Sino ba si P.I sa buhay ni Zach?

"Oh sorry, girlfriend ka na nga pala ni Zach," hingi ng paumahin sa akin ni Leonora.

"Oh my gee, we forgot! You didn't tell us. Paanong naging kayo ni Zach, kwento ka naman dali," pangungulit ni Maria sa akin at nagpwestong triangle na silang tatlo na parang ako si Mujojo na kakalabanin nila.

"Dont tell me ginamitan mo ng black magic si Zach," mapanuring tanong ni Teresa. Bigla ko tuloy naalala ang tungkol sa sinabi ni Zach, na wala dapat makakaalam ng tungkol sa agreement namin.

Napakagat na lang ako ng labi. Anak ng patola! Anong istorya naman ang iimbentuhin ko nito? Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

"Ano ba 'yan ang tagal naman ng kwento mo," naiinip na sita sa akin ni Leonora. Maging ang iba naming mga classmates eh halatang nag-aabang rin ng sagot ko.

"Ah eh, ih oh uh ga-ganito ka-" naputol ang sasabihin ko nang bilang dumating si Ms. Dina Tumatawa.

"Class, go back to your seat now," masungit niyang pahayag kaya naman animo'y naging si Flash ang tatlo na bumalik sa kani-kanilang upuan. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon pero agad ding bumalik ang kaba ko nang muli magsalita si Ma'am.

Started with a Love PotionWhere stories live. Discover now