0001

62 6 23
                                    

Sheena Pov:

Naglalakad sa tahimik at madilim na gabi kung saan pwede tayong umiyak na walang nakakakita, kung saan pwede mong ilabas ng aking sama ng loob bagamat ako lamang mag isa dito. Napadpad ako sa isang madilim na sulok ng isang lugar nang may marinig akong isang himig na nakanakaw ng aking atensyon, Aking sinundan ang tunog ng.... Isang gitara? Isang lalaking tumutugtog ng gitara na sinasabayan ng pagkanta.

Hindi ba pangako mo nung una, tiwala'y iingatan? Baka naman, sa susunod na habang-buhay, ha-ay...

Sa parte ng kantang iyon, napahinto ang lalaki sa kanyang pagkanta at pagtugtog ng gitara kasabay non ang pagpatak ng mga luha sakanyang mga mata, kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata paalis na sana ako mula sa aking kinakatayuan nang biglang may humawak saaking mga kamay.

" Athena? Ikaw ba yan? " sabi ng lalaking tumutugtog ng gitara kanina.

" S-Sir? sorry hindi po ako si Athen-. " Napaputol nalang ako sa sasabihin ko ng bigla nalang niya akong yakapin, Gusto kong kumawala sakanyang pagkakayakap saakin nang bigla nalang siyang nagbitaw ng mga salita.

" Athena please stay by my side I know that people are temporary, but please just this once be permanent. I can't accept the fact that you will leave me and will never comeback. " Sinabi niya ang mga yon habang nakayakap parin saakin at umiiyak, boses palang niya halata na umiiyak ito dahil sa panginginig sakanyang boses.

" I-I'm sorry to hear that but I'm not Athena, M-My n-name is Sheena Alarcon " Nauutal na pagkasabi ko sino ba namang hindi mauutal kung nag eemote ka lang naman sa gilid tas biglang may yumakap na sayo at pinagkamalan ka pang ibang tao diba.

Nung sinabi ko yun konti-konti nya akong binitiwan at pinagmasdan ang aking mga mukha kayo ganon lang din ang ginawa ko, Tinignan ko ang kanyang mukha hanggang sa nabalot na kami ng katahimikan.

Ano toh ganto nalang ba toh? Titigan nalang? Yun na yon? Baka abutin kami ng pasko dito kakatitig namin sa isa't isa jusme author bat naman ganto!

A/N: Manahimik ka dyan Sheena nagsusulat lang ako dito pasalamat ka nga may yumakap pa sayo.

Sabi ko nga po shatap nalang ako hihi katakot baka patayin ako ni author hehe peace.

Ilang minuto pa ang lumipas ng binasag niya na ang katahimikan, Oh Finally nagsalita din!

" Paumanhin binibini masyado lang ako nadala ng aking emosyon. " Paghingi nito ng paumanhin ngunit bakas parin sa kanyang mga mukha ang lungkot nito.

" Hmm okay lang yun, Oo nga pala ano ang iyong pangalan? Maari ko bang malaman? " Tanong ko sakanya.

" Ang pangalan ko ay Jhan Harry " Pagpapakilala niya habang siya ay nakangiti.

" Ang galing mong mag gitara at kumanta " Pag iba ko ng usapan.

" Narinig mo pala? Thank you! " Pagpapasalamat niya

" Wala na yun, Nice meeting you Jhan! Uwi na ko ah? Maiwan na kita dito. " Pagpapaalam ko sakanya.

Ngumiti lang ito at konti konti akong umalis, Nang bigla siyang magsalita.

" Ingat nice meeting you too! " Pagsigaw nito na nakangiti.

" Ganyan dapat nakangit HAHA! bagay mo pag nakangiti ka ngumiti ka lagi ha! " nang sinabi ko ang mga katangang yun ako naman ay umalis na.

GitaraWhere stories live. Discover now