chapter 10 **why on Earth?! -- *facepalm*! **

100 4 4
                                    

Chapter 10

Why on Earth?! – *facepalm*!

Habang nagkukwentuhan kami ng bago kong girl friend, ang konyong si Hera, may isang matandang lumapit at sinamahan kami sa pag-me-meryenda.

“ oh, hi lolo~” bati ni Hera. At pano nya sinabi ang ‘Lolo’ syempre in a konyo way, ‘ Low-low’. May ‘w’ sa dulo ng syllables. Kumain nalang ako ng cookies para mapigilan kong tumawa. No doubt kung bakit sya inaasar ng bulate kong pinsan.

“ Hi apo. may bisita pala tayo.” Aba ha! Bakit ganito ang mga tao sa bahay na to?! Umiinom ba sila sa fountain of youth? Bakit etong lalaking to na mukhang 40 years old palang ee lolo na nya. ginoo-good time ata ako ng mga taong to aa.

“ Oh yeah, lolo~ she's Maria Izadora Victoria. You can call her Aya. My tutor in Math. And my new BFF.”

“ Aba. That’s good, apo.”

Tumayo naman ako at nag-mano, “ Magandang araw po, Sir.”

“ Magandang araw din Aya. Ang ganda mo namang bata. Alam mo, Hera, apo, magkapareho sila ng mata ng Lola Isay mo.”

Oh?! Ibigsabihin maganda rin ang mga mata nya. asset ko kaya tong singkit kong mata.

Umupo na ko sa tabi ni Hera, “ Really Lolo?” tanong nya. puno ng excitement ang boses nya.

“ Oo apo.” Tumingin sakin si Lolo Andres.” Kamusta naman ang pag-tu-tutor mo dito sa apo ko, Aya?”

“ Ee hindi pa naman po kami pormal na nag-uumpisa sa tutorial sessions. Gusto ko po muna kasing maging kumportable kami sa isa't isa kaya napili ko pong mag-kwentuhan muna kami.”

“ And you know what Lolo, Aya is suuuuper nice. I like her.” Yumakap sya sa braso ko. Kahit mejo nabigla ako, ngumiti nalang ako.

“ Aba~ That’s good. Sa wakas nakahanap ka rin ng tutor na makakasundo mo.”

“ Oo nga po ii. well, i guess, i should be thankful to Oyo~” napansin kong parang umikot ang mga mata ni Hera.

Natawa lang kami ni Lolo Andres. “ Alam mo Hera, wala na kayong ibang ginawa ni Oyo kundi mag- away. He’s a nice kid, hija. Why dont you give him a chance? Tska bakit ba kayo nag-aaway palagi?”

“ Because he’s so nakakaasar!he’s mayabang. He’s ~ blah blah blah.” Ang daming reklamo ni Hera sa pinsan ko. Damang dama ko ang asar nya. tinatawanan lang naman namin sya ni Lolo hindi nya tuloy alam kung maiinis sya or what.

Nagkwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa dumilim na. Pero biglang napuno ang pantog ko at ihing-ihi na ko. “ Ahmmm. Excuse me hera, San nga pala yung CR? Kelangan ko na kasing mag-jingle bell.” Sabi ko.

“ What’s jingle bell?” nagtataka nyang tanong.

“ Jingle bell, yun yung tawag namin sa ihi. Mag-jingle bell, umihi. Ganun.”

“ Aaaaah~~~” patango-tango pa sya.

“ So, san nga ba ang CR?”

“ Paglabas mo sa garden, derecho ka lang then akyat ka sa firs stairs  na makikita mo. Then pasok ka sa second room, left side. that's my room. You go make jingle bell nalang there.”

“ Ha? Nakakhiya naman. Wala bang CR na hindi sa loob ng room mo?”

Sumingit si Lolo Andres sa usapan namin, “Ano ka ba apo? ok lang yun. Bisita ka naman ni Hera ii. Dun ka na mag-jingle bell.”

“ Pero~”

“ Ano ka ba?! I said, you make jingle bell na sa room ko. It's my utos, ok?”

“ Fine.”

Sinunod ko ang instruction ni Hera. Pero pagdating ko sa 2nd floor ng bahay nila, habang hinahanap ang room nya, may nakita akong isang maksig na pigura. Naka-white shirt at board shorts. Magulo ang buhok at nag-uunat habang nalabas ng kwarto. Nang marealize ko na kung sino sya, pakiramdam ko bilgang umurong ang ihi ko.

Kasi of all people na pwede kong makita, si EROS pa.

Tiningnan ko ng mabuti yung lalaki. Weee~ imposibleng si Eros yun. Masyado ko lang syang iniisip kaya nagdedeliryo na ko at kung san san ko na sya nakikita. Pano ba naman kasi mangyayari na kasama nya sa bahay si Hera. Masyadong masayahin ang pamilyang to, sya lang ang naiiba ii.

Pero habang titig na titig ako sa kanya, mas narerealize ko na~ Shet! Si Eros nga~ Fudge cake! I need to get out of here!

“ hey Aya~ bakit nandi~” halos mapatalon ako sa gulat ii.

“Shet Hera! Wag kang manggugulat, baka kung ano lumabas sa bibig ko.” Pero mas matindi pa sa kung anong pwede kong masabi ang nangyari. Dahil sa ingay naming dalawa, napalingon samin si Eros.

“ Gud morning kuya!” bati ni Hera. Sarcastic ang tono nya at may pag-irap pang kasama.

“ Anong oras na ba bunso?”

“ Oh my gee Kuya. It’s like 7pm na kaya.”

“ Sorry naman po,bunso.”

Kuya?! Bunso?! Oh my geeeee~ Tama nga ang hinala ko! Magkapatid sila?! Like SERIOUSLY?!

Kinuha ko nag phone ko at nagpanggap na nagbabasa ng text, “ Ahmmm. Hera, uuwi na ko ha.”

“ Ee? Why naman? Its maaga pa. And besides, wala pa si manong, walang magahatid sayo pauwi.”

“ Ok lang. Alam ko na naman kung saan ang daan ko pauwi ii.No need ng ihatid.” Joke lang! Hindi ko talaga alam ang daan~ pero bahala na! basta makaalis lang ako dito, keri na yun.

“  Eee?! NO WAY~ You wait for manong ok?”

“ P-pero kasi Hera, kelangan ko ng umuwi. Tinext na ko nina Nanay ii. Pasenxa na talaga.”

“ Ihatid mo nalang sya, ros.” Bigla namang sumulpot si Lolo Andres. Bakti ba parang kabute ang mga tao dito?

Sabay kaming  napasagot ni Eros, “ HA?!”

“ Aba! Alangang ako o si Hera ang maghatid sakanya, Eros. Hindi rin nman nya pwedeng hintayin pa si Manong, pinapauwi na si Aya. Kaya uuwi na sya. Tska madilim na rin sa labas kaya ihatid mo na sya.”

“ Pero Lolo~” tututol pa sana si Eros pero inambahan sya ni Lolo.

“ Ay lolo~ ok lang po talaga kahit wag na. Kayang ko na po. Tanda ko naman po yung dinaanan namin ii.”

“ Ano ka bang bata ka~ Wag ka ng tumanggi. Sige na hijo, ihatid mo na si Aya.”

Well, kahit anong pagtanggi ko, which is hindi naman sincere dahil gustong gusto ko naman talagang ihatid ako ni Eros, nasunod pa rin si Lolo Andres at Hera. Tahimik lang kaming naglalakad. Pero, kilala nyo naman ako, hindi ko matitiis ang katahimikan kaya nagsalita na ko.

“ ahmmm. Ok lang talaga kahit wag mo na kong ihatid.” Char lang yun! Ang saya saya ko kaya … kasi hinatid mo ko.

“ Yun naman talaga ang gusto kong mangyari.” Sagot nya. ni hindi man lang sya tumingin sakin.

Ttsssh! napaka-prangka mo naman~Ang sakit nun ha.

“ ahmmm. Sorry nga pala sa nagawa ko last time.”

“ Nangyari na yun. hindi mababalik ng sorry mo ang nangyari. Basta kalimutan mo nalang yun.” Tumigil sya at humarap sakin. Seryoso ang mga mata nya, “ at wag na wag mong pakikilaman sa buhay ko.”

Natahimik nalang ako. Haaay~ Ano nga bang karapatan ko para pakilaman ang buhay mo? Gets ko na naman yun ii. Hindi mo na kailangang sabihin. Mas lalo lang akong nasasakan ii.

Hay Eros~~ Kasama nga kita pero parang hindi.

You're so close yet you're so far.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Miss Go-getter and Mister Tsundere Met -- Chapter 10 [SLOW UDs]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon