chapter 8 ** broken hearts -- trouble-maker prince **

59 5 4
                                    

Chapter 8

Broken hearts  -- Trouble-maker Prince

Hinanap ko kung san nagpunta si Eros. Pumunta ako sa gym, sa canteen, sa lugar namin pag-lunch. Pero hindi ko sya makita. Paalis na ko sa picnic venue namin ng nakasalubong ko si Luigi.

“ Oh Luigi, bakit parang pawisan ka yata? Nakikipagkarera ka ba?” tanong ko.

“ Ikaw rin naman ii. Tumutulo yang pawis sa mukha mo.”

“ Hinahanap ko kasi si Eros ii. Ikaw ba?”

“ Hinahanap ko rin sya.”

Na-touch naman ako kay Luigi. Maswerte ako at naging kaibigan ko tong balugang to, “ Salamat ha Lugi. Tsaka sorry na rin. Dinamay pa kita dito sa kalokohan ko.”

Lumapit si Luigi at kinurot ang pisngi ko, “ Ano ka ba?! Best buddy kita ii, kaya dapat magkasangga tayo sa mga trip. Ok?”

I just nod. He smiled back. At nagpaalam na sya para hanapin ulet si Eros. Magkahiwalay naming hinanap ang isang bagay na mahirap hanapin. Pero kahit anong mangyari, hindi ako susuko. Kaya ko to. Nakaabot na ko sa likod ng gym pero wala pa rin. Wala pa ring gwapong bakas nya. Nagpunta rin ako sa canteen, oval o kaya sa library pero wala talaga sya ii. Hanggang sa makita kong magkasama sina Eros at Ysabelle sa mini botanical garden, sa tagong parte ng school. Nakaupo si Ysabelle sa bench at nakatayo naman si Eros, nakasandal sa metal fences.

Sisingit na sana ako sa usapan nila pero~

“ Gusto kita Ysabelle.” Sabi ni Eros.  HA?! Tama ba ang dinig ko?! Nag-confess si Eros kay Ysabelle?~ Bakit? TT___________TT

Ssssh~ Tama na ang pagiging assuming Aya. Mali ang iniisp mo.

Mejo napatawa si Ysabelle, “ Gusto rin naman kita ‘Ros.”

“ Hindi bilang kaibigan o kapatid, ‘Say. Gusto kita. Romantically.”

Gusto nya si Ysabelle higit pa sa pagiging kaibigan? SHET! Ang sakit~ pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makahinga at parang hawak ni Hulk ang puso ko, unti-unting ginagawang giniling. Pati tuhod ko nanlambot sa mga narinig ko

Patawang sumagot si Ysabelle, “ Anong joke naman yan ha Eros? Pinagttripan nyo na naman ako ni Luigi nuh?”

Umupo si Eros sa tabi ni Ysabelle at hinawakan ang kamay nito. Nagtataka namang tumingin si Ysabelle sa hawak nya. “ Seryoso ako.” Kahit sinong makakakita sa kanya, masasabing seryoso nga si Eros sa tingin pa lang ng mga mata nya.

Inalis ni Ysabelle ang kamay nya, awkwardly nagsalita sya, “ Pero alam mo namang may boyfriend na ko.”

“ Alam ko. Kaya nga hinihingi ko sana sayo'ng makipaghiwalay ka na sa kanya.”

Napakunot ang noo ni Ysabelle, “ ANO BANG SINASABI MO?!!?” tumaas ang boses nya.

“ Makipaghiwalay ka na sa BESTFRIEND ko.  Mas mahal kita, Ysabelle. Mas kaya kong ibigay sayo ang pangangailangan mo. Kaya please~”

Bago pa matapos ni Eros ang gusto nyang sabihin, isang malakas na tunog ang narinig ko. Sinampal ni Ysabelle si Eros. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi makawala ang isang malakas na sigaw.

Namumula si Ysabelle, galit na galit,“ How dare you! Pano mo nagawang sabihin yan gayong alam mong si Luigi ang boyfriend ko. Anong klaseng kaibigan ka!?! At ang kapal pa ng mukha mo na tawagin syang bestfriend. Anong klaseng tao ka?! Hindi ikaw ang Eros na nakilala ko!”

Hinawakan ni Eros ang makabilang braso ni Ysabelle, ” Para sayo kakalimutan ko ang pagkakaibigan namin ni Luigi. Mahalin mo lang ako, Ysabelle, lahat gagawin ko.”

Hinawi ni Ysabelle ang mga kamay ni Eros, “ BALIW KA NA!” Tumalikod sya kay Eros at umaktong paalis na ng pigilan sya nito at pilit na hinalikan.

SHET!

BULLSHARK!

PAKING TAPE!

MADERPAKER!

Hinalikan ni Eros si Ysabelle? si Ysabelle na girlfriend ni~~

Luigi?!

Napunta ang tingin ko kay Luigi na nakatayo sa kabilang gate ng garden. Lumapit agad sya kay Ysabelle at hinatak to palayo kay Eros.

“ Anong ginagawa mo Eros?!” Ngayon ko lang nakita ang expression na to ni Luigi. Palagi syang nakangiti at kalmado tulad ng dagat pero ngayon, galit na galit sya. Parang binagyo ang isla. Naka-tikom ang kamao nya at nanginginig to.

“ Mabuti naman at nandito ka na. Siguro na narinig mo yung mga sinabi ko kanina.” Sagot ni Eros. Puno ng pang-i-insulto ang tono nya.

“ Oo, narinig ko. at isa lang masasabi ko pre~” Humakbang palapit si Luigi kay Eros sabay suntok. Tumama sa mukha ni Eros ang kamao ni Luigi at natumba.

PAKING TAPE!

EROS!

Patakbo na ko palapit sa kanya pero~

“ Wag na wag mo ng lalapitan si Ysabelle. Kalimutan mo na ring kaibigan mo kaming dalawa.” Nag-walk out si Luigi, hila-hila si Ysabelle. 

Gusto kong lapitan si Eros para i-comfort sya. Alam kong nadurog ang puso nya sa nangyari. Pero hindi lang naman sya ang nasaktan dito ii. Ako rin~ Ang sakit na parang gusto ko na lang isipin na panaginip lang to at maya-maya magigising na ko. Pero hindi ii. This pain is unbearable, to the point na hindi mo masasabing panaginip lang to.

So pano ko pagagaanin ang loob ng isang tao, kung ako mismo kelangan ko ng taong magbibigay ng comfort sakin?

Pero habang tinitingnan ko sya, unti-unting nawawala ang mabigat na pakiramdam sa puso ko at na-convert ito sa simpatyang hindi ko alam kung san nagmula. Nasasaktan ako para kay Ysabelle. Nasasaktan ako para kay Luigi. Nasasaktan ako para sa sarili ko. Pero higit sa lahat, mas nasasaktan ako para kay Eros.

Kaya inipon ko ang lahat ng lakas ko at tumayo. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya. Nang malapit na kami sa isa’t-isa, umupo ako sa tabi nya at niyakap sya.

“ Umalis ka na!” sigaw nya.

“ Ssssshhh.” Yun lang ang nasabi ko. Kasi sa totoo lang, wala kong maisip na pwedeng sabihin sa kanya ngayon. Isang-sssshhh lang.

Ganun lang kaming dalawa sa loob ng ilang minuto hanggang sa makarinig ako ng marahang paghikbi galing kay Eros. PAKINSHET! Nababasag ang puso kooooo~ TT_________TT

“ W-wag ka ng umiyak.

Sa mundong pabago-bago, pag-ibig ko ay totoo.”

Binulong ko sa kanya ang mga linya ng isang kanta na nagpapagaan ng loob ko tuwing pakiramdam ko pinagsasakluban ako ng langit at lupa. Gaya ngayon~

“ Ako, ang iyong bangka. K-king magalit man ang alon n-ng panaho, sabay tayong aahon.

Kung wala ka ng maintindihan. Kung wala ka ng makapitan. Kapit ka saakin. Kumapit ka sa akin. Hindi kita bibitawan.”

Oo. Si Ysabelle nga ang gusto ni Eros. At ako, walang kahit anong relasyon sa kanya. Kahit kaibigan lang. Pero ngayon, kailngan nya ng makakasama. Kailangan nya ng isang taong makakarmaay, Kaya kahit mahirap, kahit masakit, sasamahan ko sya.

Hindi ko kita iiwan, Eros.

When Miss Go-getter and Mister Tsundere Met -- Chapter 10 [SLOW UDs]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon