chapter 9 ** my konyo friend -- tutor **

84 3 3
                                    

Chapter 9

My Konyo Friend  -- Tutor

Matapos ang maaksyong pangyayayari kahapon, nagpapasalamat ako na weekend na pag-gising ko. Walang chance na makikita ko sina Luigi,Ysabelle at ... Eros~ Kasi ang totoo nyan, hindi ko alam kung pano ko sila haharapin. Hindi ko alam kung pano ko sila i-a-approach. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa kaya. Baka bigla nalang akong mag-collapse pag kaharap ko na ang isa sa kanila.

Tahimik ang mundo ko ngayon. Nakatambay lang ako sa kwarto, nakatutok sa laptop. Trying my best not to think of him. Pero kahit anong gawin ko, mukhang hindi ko talaga kaya. Bago pa man ako tuluyang umiyak, biglang bumukas ang pinto at tumakbo si Oyo papasok ng kwarto.

“ Ate Aya!” sigaw nya. tatlong hakbang lang at naka-upo na rin sya sa kama ko.

Tiniklop ko ang upper lid ng laptop ko, “ Hoy!Alam mo yung katok, uso yun. Bakit hindi mo i-try minsan.” Sabay irap.

“ Aish! urgent to nuh. Kelangan ko ng tulong mo.”

“ Kung tungkol sap era yan, sinasabi ko sayo Oyo, wala akong pera.”

“ Alam ko yun nu. Kaya nga bibigyan kita ng trabaho.” Ang laki ng ngiti nya. parang pang commercial ng toothpaste.

“ Wow ha~ Ayos segue mo, kid. So, ano bang trabaho yan? Hindi naman siguro iligal yan?” Well, in fairness naman sa batang to. Sakto timing ha. Eto ang kelangan ko ngayon ii. Mapagbabalingan ng aensyon. Para hindi ko na masyadong maisip si Eros.

“ Pag ako ang mag-aalok ngtrabaho, iligal agad?  Gusto sana kasi kitang kunin na tutor.”

“ Tutor mo?! Kapal ng peys mo ha! Wala kang pangbayad sakin, buy!” binatukan ko sya. Pero mahina lang naman. Baka sabihin nyo nang-aabuso ako ng bata.

“ Hindi ako. Classmate ko.”

“ Anong subject?”

“ Math.”

“ Math lang pala ii. Kaya mo na yun.”

“ Ee ikaw na. Mas magaling ka kesa sakin ii.”

“ Alam ko. Hindi mo na kailangang sabihin yun.” Sabi ko. Punong puno ng yabang.

“ naniwala ka naman agad. Uto-uto!”

“ Sssssh!” inambahan ko sya ng kamao.

“ Hep hep!” nakataas ang dalawang kamay nya, “ 1000 per hour ang rate.”

“ 1000?!” kung pwede lang mag-peso sign ang mga mata ko gaya ng sa movies, ganun na to ngayon. “ Wow ha~ Rich kid. Ipa-kidnap ko nalang kaya sya?”

“ Baliw! Ano na?! Ok na sayo?”

“ Kelangan pa bang itanong yan?! Yes na yes, shunga! Kelan ba simula?”

“ Mamayang 4pm. Sa bahay nila sa ForbesVille. Susunduin ka daw dito sa bahay.”

“ Forbesville? Rich talaga ha. O sya. Lumabas ka na. Mag-hahanda na ko.” Sinipa ko na sya paalis ng kama. Nahulog sya, tumayo at sinuntok ako sa braso sabay takbo palabas.

“ HOY! Masakit yun ha! Wag kang babalik dito. Bubugbugin talaga kita. Shungaers!!!” tsh! Lokong payatot yun. Lintik lang walang ganti.

When Miss Go-getter and Mister Tsundere Met -- Chapter 10 [SLOW UDs]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon