The Game Changer Chapter 24

8.6K 101 3
                                    

GC 24

Marry Me by Train on the side -----> 

===================================================

<Chelsea's POV>

Kinabukasan pagkatapos ng wagas na Bachelor Party na pinuntahan ni Zane ay tinawagan niya ako at sinisi pa ako dahil raw kasalanan ko kaya sobrang masakit ang ulo niya.

Pinagtawanan ko lang siya at pinuntahan sa pad niya para ipagluto ko ng sopas at pinainom ng gamot. Grabe ang hungover ng mokong pero natuwa ako dahil nagkukwento ito tungkol sa nangyari at masayang masaya rin siya dahil mukhang masaya raw si Drew.

He swore he will never ever drink like that again. Hahahaha. Nakakatawa siya, nanibago yata ang katawan niya dahil medyo matagal tagal na raw itong hindi umiinom ng ganun ka grabe. Hehehehe.

After 3 days ay kasal na nina Drew at Kim. Civil wedding muna kasi hindi na sila makapaghintay, isusunod na lang raw ang Church Wedding.

"Chili.. what's your dream wedding?" biglang tanong ni Zane habang nasa kotse. Parang napaka unusual na manggaling ang ganung tanong sa isang lalaki at sa playboy pa na tulad niya. Hindi pa kasi kami umaabot sa ganung usapan. 

"Hm... ang super super super dream wedding ko ay sa isang garden tapos maraming flowers sa paligid, may pond sa gilid tapos may mga petals dun. Gusto kong karwahe ang maghatid saken papunta sa bababaan ko.I want the bridesmaids to wear yellow, pink, blue, green and red bubble dress parang yung wedding sa confessions of a shopaholic, tapos ang mga guest dapat colorful rin ang suot, dapat ako lang nakawhite. But you know, i also like a simple but really nice church wedding. My friends and family should be present and of course.. gusto kong makasal sa lalaking mahal ko."  

Gusto kong makasal sayo.  I said to myself.  

Tumango ito. 

"Wow. That was huge. I will remember that." nakangiting sabi nito habang nagdadrive papunta sa isang beach resort kung saan idadaos ang beach wedding nina Drew.  

The couple originally planned to have a beach wedding in the Bahamas pero alam rin nilang busy ang mga kaibigan nila at malamang hindi makakapunta ang ibang bisita kaya dito na lang rin muna. Hindi naman masyadong maraming bisita, sa pagkakaalam ko ay mga kapamilya lang ang inimbitahan at mga sobrang close na kaibigan nina Drew at Kim.

Pagdating namin ay nakita namin sina Steve, Andrea, LAnce at isang babaeng hindi ko kilala but really beautiful. Paglapit namin sa kanila ay puro nakangiti ang mga mukha nila.

"Nandito na ang susunod na ikakasal." pang aalaska ni Lance na binatukan naman ni Zane pagkarating namin sa kanila.  

"Chelseaaa..." mahinang tili ni Andrea at niyakap ako.  

"Wow. You look beautiful.." bulong ko sa kanya dahil totoong maganda ito. Ang ganda ng porma ng katawan nito at napakaganda sa suot nitong halter dress na aqua blue, flowy rin ang dress at magaan ang tela kaya fresh na fresh siyang tingnan at napakaaliwalas ng mukha ni Andrea ngayon, nakalugay lang buhok na mas napakaganda pa dito.  

"You look gorgeous yourself." sabi nito at inangkla ang braso sa kamay ko. Nakita kong papalapit samin si Drew na parang naiihi o ano na parang ewan.  

"Bro.. don't piss in your pants." asar ni Lance kay Drew na kinakabahan na yata.  

Hinampas ni Steve si Lance pero tumawa lang naman ang loko.  

"Ladies, this Moira, my girlfriend.. Pimp, these gorgeous ladies are Chelsea and Andrea.." pakilala ni Lance sa babaeng katabi nito at nag beso2x na kami ni Moira. She's got a very warm smile na totoong totoo at ang ganda2x niya.  

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now