The Game Changer Chapter 1

23.4K 273 8
                                    

Game Changer

Chapter 1

<Zane's POV>

"Hey Bro! Bigla kang nawala ah?" pambungad sakin si Drew nung lumapit ako sa table namin.

I grinned at him tapos ay umupo na.

"Oh hoh!! I know that smile. That's my boy!" narinig kong asar ni Lance bago tumungga sa iniinom nito.

Apat kaming nandito sa Bar na pagmamay-ari ni Steve.

"Tsk.. ginamit na naman ang pagkalalaki niya." sabi ni Steve sabay iling pa.

"Siyempre bro. Ano bang silbi nito kung hindi natin gagamitin diba?" sabi ko naman at tinapik sa braso si Steve.

Friday ngayon at nagbabonding kaming apat dito.  Bonding na ibig sabihin ay drinks, girls, girls and girls.

This is our life.

Tiningnan ako ni Steve bago nagsalita. "Bro seriously, kailan ka pa kaya titino?" nakangising tanong nito.

"Malapit na Stevie. Pag tumino kana, malamang susunod ako" tumawa ako pagkasabi nun at nag apir kami dahil alam naman naming imposible yung mangyari.

Malakas na tugtog ang maririnig ngayon dito sa loob at sumasabay pa ang sigawan at hiyaw ng mga tao kaya ayos lang na malakas ang tawanan namin.

Napapansin naman kami ng mga tao, hindi dahil malalakas ang mga boses namin kundi dahil sikat kami at higit sa lahat mga pogi, yun yun eh.

"Ikaw lang Zane" sabat ni Lance. "Kahit na tumino na lahat ng loko sa mundo, ako? ganito lang ako. Habang buhay. Ang sarap ng ganitong buhay ah." sabi ni Lance na sa isang babae naman nakatuon ang paningin. Ilang sandali na lang, mawawala na rin to at lalapitan na ang pinupuntiryang chikababe.

Tiningnan ko sa kaliwang side ko si Drew na may katext sa cellphone niya.

"Hoy!! Ano na? Hanggang dito ba naman Drew? Call Center Agent ka?!" pang aalaska ko kay Drew na seryosong seryoso sa pagtitext na alam ko namang ang girlfriend nitong si Kim ang katext. 

"Ganyan si Drew. May lovelife na kasi kaya yung beb na niya ang inaatupag. Nagiging boring na." asar ni Lance. 

"Gago ka Lancelot! Boring2x ka diyan. Kapag ikaw nakatagpo ng katapat mo, pagtatawanan kita!" sabay sapak ni Drew kay Lance pero hindi naman natamaan.

I looked at Drew. He looks so happy with his life. Tuwing magkasama sila ni Kimberly nakikita ko kung gaano siya kasaya sa buhay niya. Sa aming apat, siya pa lang ang lumihis sa pagiging playboy.

Kaming apat ay yun na ang reputasyon. 

Hindi ko naman masisisi ang mga tao kung ganyan ang tingin samin dahil totoo naman din. Hindi ako magkakaila, ang galing nga nung ganun, parang kilabot ng mga kababaihan.

Hindi rin naman kami nagpapasikat, sadyang ganun lang talaga. Our girls come and go. Hindi namin kailangang maghanap dahil sila mismo ang lumalapit samin at sino ba naman kami para tanggihan ang mga lumalapit na palay samin diba? pero ngayon kaming tatlo na lang dahil si Drew ay baliw na baliw sa nobya nito.

"Ang aga pa bro pero parang nabuburyo kana agad, dahil lang hindi mo kasama si Kim." sabi ni Lance na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa isang babaeng naka mini skirt na kulay blue at tank top na halos lumuwa na ang dibdib. Pag nasa bar ka, masanay kana sa ganyang mga suot ng mga babae, bawal yata sa mga girls ang maging balot na balot pag nasa mga ganitong lugar. Pano ba naman kasi sila makakapang akit kung hindi nakaexpose ang mga yaman nila diba?

"Hindi mo pa kasi naiintidihan dahil puro ka lang kalokohan. Baliw!" depensa naman ni Drew, kala mo naman hindi tulad namin dati.

"Tama nga naman si Lance tol. I mean, you're here with us so stop thinking about Kim. Sigurado naman ako na gusto rin niyang magsaya ka habang kasama ka namin. She trusts you at isa pa... pag nakita naman kitang dumidiga sa mga girls dito, ako mismo ang sasapak sayo." I then took a sip of my drink.

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now