The Game Changer Chapter 14

8.6K 121 1
                                    

GC 14

<Chelsea's POV>

Haay.

Pagdating ko sa apartment ay sobrang saya ko dahil sa pagkikita namin ni Dad. I miss him talaga, as in sobra to the highest level pero pagod naman ako ngayon. Nagbihis muna ako at nag on ng tv.

Nagluto ako ng hapunan, sabi ni Zane kanina 'see you later' at sabi rin nito ay pupunta ito pero 7:30pm na ay hindi pa naman nagtitext.  

Hmmmm.  

Hihintayin ko ba?

Hihintayin ko na lang para sabay na kaming kakain mamaya, tutal medyo busog pa naman ako.

Nanood ako ng Tv and looked at the time, 8pm.

Hindi na siguro darating si Zane.

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng juice tapos biglang may kumatok sa pinto.

Dali dali kong binuksan ang pintuan and there you go. Isang lalaking naka light blue na polo na sobrang nag uumapaw ang kagwapuhan ang nakatayo dun na may dalang isang long stemmed rose at some grocery items. Nakakatawa tong taong to.

"Good evening.. pwedeng umakyat ng ligaw?" nakangiting sabi nito.

I looked at him at mukhang pagod na pagod siya.

"Wala kaming hagdan pero... pwede kang mag short cut..kaya pasok na manliligaw." binuksan ko ang pinto para naman makapasok siya, naamoy ko agad ang mabangong pabango nito.

Pagkasara ko ng pinto ay agad niya akong niyakap, ang kamay nasa bewang ko na naman at hinalikan ang batok ko, goosebumps.

"I miss you Chili.." bulong nito saken. GOsh! Sexy voice.

"I miss you too Playboy..." at humarap ako sa kanya para yakapin siya.

Great! Just Great. My life would really suck pag nawala siya saken.

I mean, my life would be really boring pag hindi ko naamoy ang pabango nito o hindi ko matitigan ang mga mata niyang nakakatunaw o makita ang ngiti niya at... ito.

He kissed me on my lips na parang isang century kaming hindi nagkita. My heart is always like this everytime he kisses me, parang milyong kabayo ang nag uunahan sa loob.. the butterflies in my stomach are always present..kahit nga hindi pa niya ako hinahalikan, even the thought of him makes my stomach churn.

Nung huminto na ang walang hanggang halikan namin ay tiningnan niya ako sa mata. Lord? pwede bang hindi na matapos to? Please...?

"You look tired Playboy.." sabi ko at hinawakan ko ang mukha niya.

Ilang hibla ng buhok ang tumatabing sa mata nito kaya hinahawi ko yun kasi ang ganda kaya ng mata niya para lang matabingan ng buhok. He looked sexy though.

"You look beautiful Chili.." nakangiting sabi nito at hinalikan ang noo ko. Pumunta na kami sa sofa habang ang kamay nito ay nakayakap pa rin sa bewang ko.

"Nambola ka pa.. kumain ka na?" i asked him. Umiling ito na parang bata.

"Awwww..i thought so.. kain ka...paghahanda kita.."

"You cooked for me?" masayang tanong nito.

"Yup Mister Ayala.. im your chef for tonight.." sabi ko at hinila na siya papuntang dining area.

Pinaupo ko siya at kumuha na ako ng mga utensils for him.

"I will help.." sabi nito at akmang tatayo pero pinigilan ko siya.

"Na uh.. sit down Ayala.. im your chef nga diba?? kelan ka pa nakakita ng chef na tinutulungan ng customer?" He grinned.

"Ahh!! I want to kiss you now.. you're sooo sweet! Im diabetic already." sabi nito na parang nanggigil. 

The Game Changer  ~COMPLETE~Where stories live. Discover now