Chapter 4

5.6K 207 22
                                    

Chapter 4: The Male Lead Is In My Room!

Pagkagising mula sa pamamahay ng mga Sebastian ay agaran na akong umuwi. Nagpahatid ako kay Butler Hisam. Mabuti na lang at mabait si Amy. Pinayagan niya akong ipahatid sa kanyang Butler.

Naging maaga pag-alis namin dahil natatakot ako na baka magtagpo na naman landas namin ng male lead. Iniisip ko pa lang iyon ay parang kinikilabutan na ako.

"Lady Jasmine!"

Pagpasok pa lang namin ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni Elle. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala sakin. Sa sobrang pag-aalala niya sakin kinurot niya ako ng palihim.

"Saan ka ba nanggaling bata ka!? Gusto mo ba akong mamatay sa kaba! Hindi ko alam sasabihin ko sa Countess. Naging sinungaling pa ako sa harap niya. Sinabi ko na nagpaalam ka sakin na sa bahay ka muna ng Duke matutulog upang makasama ng matagal si Lady Amy kahit hindi naman talaga kayo malapit sa isa't isa," sunod sunod na sabi ni Elle.

Nakaharap ako ngayon sa malaking salamin habang sinusuklay ni Elle buhok ko. Nakapangtulog na ako ng damit.

Hindi naman ako makasagot kay Elle dahil totoo naman sinabi niya. Hindi ako nakapagpaalam. Akala ko kasi pagkatapos ng party ay uuwi agad ako.

Hindi ko naman inakala na madaling malasing ang katawan ni Jasmine. Eh nasanay akong makipag inuman sa mga kapit bahay namin na lalaki. Idagdag mo pa na mahilig rin uminom ng alak mama ko.

I pout like a child and hug Elle while still combing my hair. I really miss my mother. I remember her to Elle.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip bakit ako napunta sa loob ng nobela?

Nasa nobela nga ba ako? O nasa Isa akong panaginip na gawa-gawa lamang ng aking utak upang matakbuhan ang mapait na realidad.

Rinig ko ang bawat hininga niya. Ramdam ko rin ang bawat tibok ng puso ni Elle. I close my eyes and it felt her heart beat.

Hindi ko maiwasan na malungkot. Fictional character lang ba si Elle? Iniisip ko pa lang na isa lang siya sa mga fictional character ay parang binibiyak ang puso ko. Napalapit na rin ako sa kanya.

"Mukhang malungkot, Jasmine," malamanay niyang sabi at bumabagal ang pagsuklay niya sa buhok ko.

Idinilat ko mata ko habang nakatitig sa sahig habang yakap pa rin si Elle. I bite my lower lip.

"Are you real, Elle?" mahinang bulong ko.

I can't imagine Elle being just a fictional character. Napalapit na ako sa kanya. I treat her as a human and not just a mere fictional character.

"Of coarse my Lady. I am real. Just like right now you could my heart beat, right?"

Mabagal akong tumango habang yakap siya. Ramdam na ramdam ko bawat tibok ng puso niya. Hindi ako maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. I felt like I am between reality and fictional world.

Humiwalay sa pagkakayakap sakin si Elle,"May inaalala ka ba Binibini? Tungkol ba ito kay Ginoong Boggart?"

Napaupo ako ng tuwid ng banggitin niya pangalan Boggart. Sino naman ang Boggart na yun?

"Boggart?" naguguluhan na tanong ko.

"Kung ganun hindi siya?"

"Bakit? Sino ba si Boggart?" Naguguluhan tanong ko.

"Nalimutan mo? Sabagay bata ka pa naman noon. Akala ko hanggang ngayon ay may pagtingin ka pa rin sa batang yun..."

"Baka nalimutan ko na pa yun. Ikaw na rin po nagsabi. Bata pa ako nun," ani ko na lang lalo na't hindi kasama ang Boggart na yun sa mga ala-ala ni Jasmine na nakita ko.

The Hated Male Lead is Chasing Her [Complete]Where stories live. Discover now