MISSION 26: FINAL DECISION

12 2 0
                                    

26: Final decision

Ainee's POV

Nagising ako sa amoy ng nilulutong pagkain ni manang Fe, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumitig pa saglit sa chandelier sa may kisame ng aking kwarto. Another day, another works to do.

Bumangon ako at nag stretch pa saglit bago tuluyang tumayo, sumulyap ako sa wall clock ko dahil baka tanghali na pala ako nagising. Maaga pa naman kaya kinuha ko na muna ang cellphone ko sa may side table ko at pag bukas ko nga ay bumungad agad sa'kin ang text ng mga kasama ko.

From: kevsxx

Balitaan mo nalang kami sa susunod na plano agent A ; )

Napangiwi ako nang mabasa ko ang message niya. Sunod ko namang tiningnan ay ang text ni Guine.

From: red

When ka ulit pupunta here sa mansion? Malapit na ang balik ni dad sa Europe, he's looking forward to see you before he leave.

Naalala ko bigla na saglit nga lang pala ang stay ni tito Ferdinand dito and hindi ko alam kung kailan exactly ang balik niya. Nireplyan ko muna ang message niya bago buksan ang iba pang messages.

To: red

Just update me kung kailan, balak ko rin sanang makausap si tito before he leave.

Sent...

Ibinaba ko na ang cellphone ko at binalik iyon sa side table ko, hindi ko na binasa lahat dahil alam kong halos sa trabaho nalang lahat iyon. Pumasok ako ng cr and I stare at my own reflection on the mirror. Later on, this face will change its appearance. A fake identity will hide this face to complete a mission.

I sight...

Pumasok ako sa shower room at hinayaang dumampi sa katawan ko ang malamig na tubig. I'm planning to meet Akhira today, kagabi palang ay pinag-isipan ko na agad ang inaalok niyang sanib pwersa. Mahirap sumalang sa ganitong desisyon pero ayaw ko ng patagalin pa ito, sayang ang bawat segundong tumatakbo kaya gusto ko siyang makausap mamaya.

I did my morning routine before changing my clothes and become my second identity. Nicole Fuergo. After Kelsea found out about my secret identity, I thought I would never use this again but it seem like I'm wrong because I need this again, I need Nicole.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si manang Fe na kakalabas lang ng kusina, binati niya pa ako kaya naman binati ko na din siya pabalik.

"Magandang umaga, ija."

"Magandang umaga din ho." Pilit ang ngiting ibinigay ko sa matanda, nag aalangan pa ako kung mag mamano pa ako but I remember, those are not my things.

"Nakahanda na ang pagkain, kumain ka na." She said.

Kanina ko pa naaamoy ang mga pagkain na ito, "This is a lot." Tiningnan ko isa-isa ang mga nakahaing pagkain sa mesa, may tatlong putahe ng ulam at may juice pa sa gilid, may laman na ding kanin sa plato ko.

Umupo nalang ako at agad dinampot ang kutsara at tinidor.

I have a lots of works to do and I need to finish some of them. Binilisan ko ang kain ko at hindi na nag abalang iligpit ang pinagkainan, iniwan ko na din ang pagkaing nakahain sa mesa dahil alam ko namang kakainin pa iyon ng mga tauhan ko sa bahay.

Narating ko ang japanese restaurant na pagkikitaan namin ni Akhira ngayon, pinagbuksan ako ng pinto ng isa sa mga staff at in-assist sa akin ang table. Kita ko ang nakatalikod na babae na naghihintay sa pag dating ko.

"I'm glad you came," humigop siya sa hawak na tasa bago tumingin sa akin at sinenyasan akong maupo na ginawa ko naman agad.

"About to your request." Hindi na ako nag paligoy ligoy pa at iyon agad ang ibinungad ko sa kanya.

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now