MISSION 12: THE START

85 43 23
                                    

12. The Start

Guine's POV

Omygosh! I can't believe this, kumikilos na si Ainee. Should I tell daddy about it? Ah baka magalit lang si Ainee, tsaka I heard sa Assistant ni dad na pauwi na daw siya.

Ohh! Yeah ibabalita ko nalang ang bagay na iyon kay agent A, I'm sure na matagal na niyang hinihintay si dad, this past few days kasi parang ang dami niyang iniisip.

Aishh!

Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa drawer ko at nakitang si Ainee ang nasa caller.

Sinagot ko agad ang tawag dahil mukhang importante. Hindi naman kasi mahilig tumawag yon para lang mangamusta, kaya I'm pretty sure na importante itong sasabihin niya.

"Hello?"

"Guine, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," sabi niya mula sa kabilang linya.

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya, grabe naman tong si Ainee!, "Ano ba iyon?" Tanong ko.

"find the background of each member of Miyazaki." Sagot niya. Sabi na nga ba eh, bibigyan niya ako ng utos.

Ngayon palang tuloy iniisip ko na kung paano ako makaka kuha ng background ng bawat member ng fvcking organization na'yon.

"Okay, I'll do that," kalmadong sagot ko. Wag lang siyang mag mamadali at baka mag bago ang isip ko.

"Thanks," she said. Akmang ibaba na niya ang tawag nang akong nag salita.

"Wait! I heard na pauwi na daw si daddy," balita ko sa kanya.

Matagal bago ako nakatanggap ng tugon, "when?" Kalmadong tanong niya.

"I don't know yet, narinig ko lang iyon sa assistant niya." Aniya ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya sa kabilang linya bago Ito tuluyang ibinaba.

Itinabi ko na ang aking cellphone at kinuha ang laptop ko, sino kaya ang pwedeng tumulong sa'kin para humanap ng mga background? Siguradong marami silang member at hindi na ako mag tataka kung ang iba ay pribado.

Siguro naman merong mga naka tagong files si daddy sa office niya. Pero pwede ding wala, ah! Bahala na mag hahanap nalang ako ng bago at detalyado.

Napatigil ako sa pag ta-type ko nang sa pangalawang pag-kakataon ay tumunog muli ang cellphone ko, kinuha ko ulit iyon at agad akong napa ayos ng upo nang pangalan ni daddy ang nabasa ko sa caller.

Omygosh! Si daddy tumatawag! Sinagot ko iyon kaagad at itinutok sa tenga ko. "Hello, dad?" I said with full of excitement.

"How are you sweetie?" Tanong ni dad mula sa kabilang linya. Kainis sinabi ng ayaw kong sini-sweetie sweetie eh!.

"I'm fine dad, napatawag po kayo?" Tanong ko.

"I'll be home early this week, there's no definite date yet so expect my sudden arrival, okay?" Pagbibigay alam niya sa'kin.

"Okay dad, noted." I said. Nag paalam na rin siya agad dahil may gagawin pa daw siyang importante.

Sinalampak ko ang sarili ko sa kama at iniisip kung ano ang dapat kong gawin nang nang biglang may pumasok sa isip ko.

Tama!

Tumayo ako at mabilis na pumunta sa banyo para maligo. Nung chineck ko yung oras is 10:46 am, malapit na mag lunch.

Her Secret IdentityWhere stories live. Discover now