Chapter 26

26 0 0
                                    

Chapter 26

Dahan-dahan akong umikot habang nakatingin sa salamin ng kwarto ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang tiyan ko. My God! Tumaba ata ako! Kailangan ko ng magdiet!

Kahit hindi naman halata na medyo tumaba ako sa gown ko ngayon, I'm still worried. Siguro, babawasan ko ang pagakin ng sweets.

Nilagyan ko ng konting makeup ang mukha ko na maibabagay sa mint green na gown ko. Kinontak ko ang mga kaibigan ko. Sabi nila nasa bahay na sila ni Aldrian. At ako nandito pa lang sa bahay.

Dinampot ko ang maliit kong purse at ang maskara ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Kanina pa naghihintay si Jayvee sa baba. Kasama ko siyang dadalo sa birthday party ni Aldrian.

He looks so handsome in his tuxedo. Idagdag mo pa ang ngiti niya, perfect na! Inalalayan niya ako sa gown ko dahil medyo mahirap itong dalhin sa hagdan.

Nang nakarating kami sa bahay nila Aldrian, agad akong namangha. This is my first time here. Their house is so big. Malaki na ang bahay namin pero halatang mas malaki ito. English-style ito kagaya ng mga bahay at gusali sa England. Hindi ko nga ma-imagine na may ganito sa Pilipinas.

Malawak ang space para sa mga sasakyan. Marami ng sasakyan ang nandito at pawang mga mamahalin lahat ng ito. Siguro, andito rin iyong ibang kakilala nila sa England. And his parents business clients and partners maybe. Masyadong influencial ang mga magulang niya e.

Iginaya kami ng isang babae sa malawak na gaganapan ng party. Socks! Their house is bpvery big and their graden also.

"Mamasyal muna tayo. It's my first time here." Sabi ko.

Naglibot-libot kami ni Jayvee. May maliit ngunit elegante rin silang swimming pool. Ang garden nila, bukod sa malawak ay napakaganda na kitang-kita na inaalagaan ito ng mabuti. May iba't-ibang klase ng halaman ang nandito. May ilang din mga nagkalat na maid na may magkakapareho at cute na mga damit. The party will start at 11:55. December 14 ang birthday niya pero sinuggest ko kay Sherria na i-celebrate ito ng gabi ng 13 at hintaying pumatak ang alas-dose ng umga ng 14. Pumayag naman siya dahil doon.

Nang napagod akong maglakad-lakad, yinaya ko na si Jayvee na hanapin namin ang mga kaibigan ko para makaupo na. Hindi na muna namin hinanap sila kanina dahil paniguradong busy din sila sa mga kasama nila. Mom and dad are also here. Hindi rin pwedeng mawala ang mga kapatid ko.

Pinindot ko ang phone ko at nakitang 11:30 na. Tinext ko ang mga kaibigan ko at tinanong kung asan sila at kg anong kulay ang damit nila. This is masquerade! Mahirap maghanap! Duh!

Nagreply naman si Danica. Mukhang siya lang ang hindi busy kasi walang kasama siguro. Iyong lagi niyang kasamang foreigner ay hindi naman invited kaya mag-isa siya.

Nang nahanap namin sila, nakahinga na ako ng maluwag. The place is really big. Sumakit talaga ang mga paa ko, lalo na at nakahills ako.

"You want some drink?" Tanong ni Jayvee.

Tumango ako bilang sagot.

"I'll get some."

Tumayo siya at umalis. Binalingan ko ng tingin si Danica.

"Wala kang partner?" Tanong ko.

Humalakhak si  Renesme at Claire. Renesme is with a guy na hindi ko kilala. Claire is with Harry Elizalde. Steffi is with Nash. Angel maybe is with kuya Gian. Siguro ay kasama nila si Aldrian ngayon. And Danica is alone. She just rolled her eyes.

"Don't worry. May partner na ako sa birthday mo." Sabi niya.

Nagkwentuhan at nag-asaran kami hanggang magsalita ang isang lalaking pormal sa harapan. His accent is really good. Siguro ito yung dad ni Aldrian. Marami siyang sinabi tungkol sa business nila.

An Angel's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon