Chapter 18

50 2 0
                                    

Chapter 18: Changed

"Sorry about yesterday, Andrea." Iyon ang pambungad ni Sherria sa akin sa classroom namin.

Hinawakan niya ang kamay ko bago sabihin iyon. Tinignan ko lang siya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Kahapon pa lang napagdesisyunan ko na silang wag pansinin. Buong akala ko pagkabalik ni Aldrian, magiging okay ang lahat. Babalik sa dati. Pero hindi. Hindi ko alam kung ang dahilan kaya ganito ang kinalabasan ay si Sherria o talagang ito iyong kakalabasan. I expected. I assumed.

"Oh please! Aldrian is very angry to me. If---"

"Sherria." Malamig kong utas.

Ito ata yung unang pagkakataon na tinawag ko siya sa pangalan niya. Ayoko na ng gulo. Mananahimik na lang ako.

"Let's just see if we can improve this. Please. I don't want to put some violet marks in your face." Ani ko.

I left her. Umupo ako sa upuan ko. Nandoon si Aldrian sa tabi nitong upuan pero hindi ko pinansin. Agad kong binuksan ang notebook ko. Nagsulat ako ng mga napag-aralan nila kahapon dahil wala ako.

"Andrea." Mahina ngunit malinaw na tawag ni Aldrian sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagsulat.

"Andrea naman e!" He shouted.

Padarag kong inilapag ang ballpen ko bago siya tinignan. Tumingin din ang ibang kaklase namin dahil sa sigaw niya. Ang kaninang sinabi ko na mananahimik ako ay parang nakalimutan ko na.

"Ano na naman ba?" Galit kong tanong.

"Why are you ignoring---"

"Bakit ikaw lang ba yung may karapatang hindi mamansin?" I spat.

Napaawang ang bibig niya. I'm not in the mood. Please lang. Gusto kong manahimik talaga pero hindi ata matutupad iyong gusto ko. Kumukulo ang dugo ko.

"Can you talk in english? I can't really get what's you're talking about. And why are you shouting to each other?" Singit ni Sherria.

"Come here." Hinila siya ni Claire at Renesme palabas ng room.

Nagsisigaw pa siya dahil doon. Nilock ni Angel ang pinto mula sa loob kaya hindi makapasok si Sherria. Nakadungaw lamang siya sa bintana at pilit pinapakiusapan ang iba naming kaklase na buksan ang pinto. Walang nakinig kay Sherria, siyempre tinatapunan na agad ni Renesme at Claire ang mga nagbabalak.

"Hindi ka naman ganyan ah." Sabi niya.

Tinignan niya ako ng diretso at ganun din ang ginawa ko. Who will not change in years? People will change. People must change. Paanong mabubuhay ka at magiging matibay sa pakikipagsapalaran kung hindi ka magbabago. This is a part of life.

"I've changed." Mataman kong saad.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Saka niya ibinalik sa mga mata ko ang tingin niya. Para kaming gumagawa ng movie. Kami ang mga artista at ang mga kaklase namin ang mga staff na nanonood sa mga nangyayari.

Nilapitan ako ni Aldrian at nagsalita sa na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Pero bakit ako hindi parin?" I heard his voice shaking.

Kita ko ang panginginig niya. Nanlamig ang sistema ko. Nagulat ako dahil dun. Why is shaking? Nagbulungan ang mga kaklase namin. Maging si Sherria ay hindi natahimik sa labas.

"I'm calling teachers!" Inis na sigaw ni Sherria at naglakad palayo.

I took a deep breath. Andrea, inhale, exhale. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako.

An Angel's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon