10

548 23 2
                                    

FAYE

Pinapanuod kolang si Ms. Imelda sa ginagawa niya hanggang sa bumukas ang pinto, kaya tumingin kami kung sino yun.

"Lola,". Bigkas ng kapapasok lang na tao, ng tumama ang mata niya sakin, may gulat sa mga mata nito, ngumiti ako ng kaunti,pero nag iwas lang ito ng tingin bago lumapit kay Mam imelda.

May ibinulong ito kay Mam imelda, yumuko nalang ako habang sila'y nag uusap

"sabihin mo susunod lang ako". Wika ni Mam

Rinig ko naman ang yapak na paalis  ng lalaking pumasok kanina

"iha" . Pag tawag niya sakin,at sinenyasan na lumapit ako sakanya,kaya humakbang ako papalapit sakanya "ipapahatid na kita kay manong Ganny,may mga dumating na mga reporter na nasa baba". Wika niya tumango nalang ako

Kailangan kona rin umuwi,dahil baka akoy kagalitan na ni Mama.

Bumaba ma kami ng hagdan,bago humiwalay sakin si Mam imelda inakap muna niya ako ng mahigpit

At kahit nag tataka at nag aalangan inakap kona rin ito,
"Ingat kayo". Sabi niya at ngumiti

Sumunod nalang ako sa matandang lalaki at babae papunta sa likudan ng bahay

Ng makalabas na kami,pinasakay na ako sa loob ng kotse at pina andar ito,kasama ko parin ang dalawang matanda,mukhang mag asawa sila.

Tinanaw ko ang labas  kahit na naka sarado ang bintana ng kotse
Tinted naman ito,palabas na kami ng Subdivision.

Maraming puno na nakatanim sa bakuran ng bawat bahay dito kahit na ang gaganda at lalaki,pataasan ang mga bahay dito at palawakan

Naimagine ko tuloy kung ganyan din kalaki ang bahay na tinitirahan ko,yung walang tulo ang bubong,hindi pinapasok ng tubig tuwing malakas ang ulan,yung malawak hindi masikip at lalo na hindi magulo ang paligid.

Yung pag gising mo may malalanghap kang sariwang hangin,hindi amoy nang kanal na hindi nalinis at langgsa ng isdang tinitinda sa labas ng kalsada,usok ng sasakyan,at marami pang iba

Kaso imagine lang yun at mananatili lang yun dun
Napa iling ako sa naisip bago ibalik ang tingin sa dalawang taong kasama ko dito sa sasakyan na kanina pa walang kibo,nag mamaneho lang.

Tinignan ko sa salamin ang mga mukha nila at nag tama ang mata namin ng matanda,ngumiti ito sakin,bago tumingin sa kasama nito.

Ilang minuto pa nakarating na kami sa papasok sa iskinitang tinitirakan ng bahay namin

Nag paalam nakong dito nalang kaya tumango nalang sila bago ihinto ang sasakyan
Kaya bumaba nako.

"Salamat po". Pag papasalamat ko sakanila

"Walang anuman". Wika ni Mang ganny bago umandar uli ang kotse

Inilibot ko naman ang paningin tsaka ngumiti sa mga taong naka tingin at nag bubulungan ngayun

Lumakad nako pauwi sa bahay

Naabutan ko naman si Mama namay kina kausap sa loob ng bahay.

"Andiyan na pala siya". Wika ni mama

Tumingin naman sakin ang dalawang taong kausap niya

"Siya naba si Savanah?". Wika ng babaeng maluha luha pa tsaka lumapit sakin.

Kumunot ang noo ko ng hawakan niya ang balikat ko bago ilapit sakanya at akapin.

"Anak". Wika niya habang akap akap ako

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kaya tumingin ako kay mama na nag tatanong ,pero umiwas siya ng tingin

Medyo tinulak ko ang babaeng tumawag sakin ng anak,dahil wala akong nararamdaman sa totoo lang ,hindi nababakas ang pag kasabik sakin sa mga taong ito? Tsaka paano

ABSENTIS PARS (MISSING PIECE) Where stories live. Discover now