Epilogue

572 17 7
                                    

Epilogue

"AHHHHHHH!" Sigaw ni Vaughn dahilan para mapa-preno si Vince sa gulat

"ANO BA?!" Sabay-sabay na sigaw nila kay Vaughn dahil bigla bigla na lang tong sumisigaw ng walang dahilan

"Wag na tayong tumuloy... Nanaginip ako nung nakarating na daw tayo sa ospital may taong papatay daw satin at maraming mamatay" Nilibot ni Vaughn ang paningin niya at isa-isang tinuro ang ilan sa mga kasama niya

"Ikaw"

"Ikaw"

"ikaw"

"Ikaw"

"At ikaw" Tinuro ni Vaughn sina Eulo, Rachelle, Bodak, Mark at Sapphire "Namatay kayo sa panginip ko nung nagpunta tayo ng hospital. Hindi kaya babala yung panaginip ko saatin na huwag nang tumuloy dahil kung sakaling tumuloy tayo baka ganon mga ang kahinatnan natin..."

Lahat ay naka-pokus sa kwento ni Vaughn nagkatingan ang ilan may part sakanila na huwag nang tumuloy dahil baka nga ma deja vu sila

Nag-usap sila kung tutuloy pa ba sila. Pero habang nag-uusap sila hindi nila namalayang may Truck na rumaragasa na nawalan ng preno ang papalapit ng papalapit sila

Napalinga naman si Patricia nang mapansin niya ang ilaw ng truck pero huli na ang lahat

"VINCE MAY TRUCK!"

*CRASSSSSSH*

-------------

"Tet, paki bukas naman yung TV" Utos na Charlene sa kapatid niya, kanina pa kasi niya hinihintay yung mga kaibigan niya pero hindi pa rin ito dumadating nakakabagot na siya sa kakahintay

Tahimik na nanunuod si Charlene nang biglang may Flash Report

"Isang van sinalpok ng truck na umano'y nawalan daw ng preno. Ayun sa mga rescuer siyam daw ang sakay nang van at wala kahit isa ang nakaligtas..." Biglang kinabahan si Charlene sa balita, minabuti niya na lang na patayin ito

Nagpaalam siya sa kapatid niya para mag-cr, sasamahan pa sana siya nito pero sinabi niyang kaya naman daw niya kaya hindi na nagpumilit

Pabalik na sana siya sa kwarto niya nang may mga nurse na nagtatakbuhan at may mga hospital bed na hila hila

May kung anong nagtulak kay Charlene na huwag munang bumalik sa kwarto niya

Maya-maya tiningnan ni Charlene ang mga nakahiga sa hospital bed at halos manghina ang tuhod niya nang mapagtanto niya kung sino ang mga ito--- ang mga kaibigan niya at duguan ang mga ito

Napa takip na lamang siya nang bibig sa sobrang gulat at doon na nagsimulang tumulo ang luha niya

---------------The End---------------

Hospital Crime (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon