Chapter Two

689 25 6
                                    

Chapter Two

Nagsimula nang maglakad ang magkakaibigan papasok sa gate ng ospital

Hindi nila namalayang hindi pala nila kasama si Vaughn dahil naiwan nila ito sa Van na kasalukuyang natutulog ng mahimbing

Taimtim nilang pinagmamasdan ang buong paligid habang sila ay naglalakad, nangunguna sa paglalakad sina Ace at Sapphire kasunod sila Patrica at Vince ganon din si Eulo at Rachelle samantalang yung tatlo ay nahuhuli na puro kalokohan pa rin ang nasa isip

"Ano kayang trip ni Charlene at dito pa nagpa-ospital?" -Bodak

Nakapasok sila sa gate "Bakit wala man lang guard ang nagbabantay? Ano ba namang klaseng ospital to" - Patricia

May kalayuan pa sila sa mismong pinto papasok sa loob ng ospital ng may mapansin sila sa bandang likuran ng ospital

Maraming mamahaling sasakyan ang nandoon, meron ding mga truck na parang hindi na ata nagagamit, masasabing para itong tamabakan ng mga sasakyan

"Wow ang daming kotse!" Namamanghang sabi ni Pj, maglalakad pa sana ito papalapit sa mga sasakyan ng pigilan siya ng dalawa niyang kaibigan

"Tumigil ka nga Pre, wala tayong oras para dyan" wika ni Mark at hinila si Pj, at sumunod na sa mga kaibigan nilang naglalakad na

Nasa Tapat na sila sa pintuan ng ospital, namamatay sindi yung ilaw sa labas "Feeling ko tuloy para tayong nasa isang horror movie" saad ni Bodak na natatawa-tawa pa

Pumasok na sila ng tuluyan sa loob, at sa front desk ng ospital ay mayroong nurse na babae

Lumapit agad sila rito at nagtanong "Excuse me miss can we a---"

"Can I get your number?" Sabat ni Bodak binatukan naman siya ni Eulo dahil sa kaanuhan niya

"Wag mo nang pansinin yan miss, papansin lang yan. Mabalik tayo, saan ba dito yung Room number ni Charlene Balbon?" Pagtatanong ni Rachelle

Tinignan naman nung nurse yubng log book niya "Room 106 po"

"Thank you" Sagot ni Rachelle at nagsimula ng maglakad

Habang naglalakad sila papaalis sa front desk sumulyap si Sapphire sa babaeng nurse dahil may naramdaman siyang kakaiba, at pag tinggin nga niya sa babae ngumiti ito nang nakakaloko para bang may gagawin itong masama

"Ang gara ng ospital na to a, wala ba silang budget para palitan yung ilaw nila. Namamatay sindi na o" pagtutukoy ni Mark sa mga ilaw na patay sindi mukhang malapit ng mapundi

"Mag ingat tayo" wika ni Sapphire, napatinggin naman sakanya ang iba tila ba parang naguguluhan sa inaakto ng kaibigan nila

Habang hinahanap nila ang kwarto ni Charlene hindi nila mapigilang hindi magtanong sa isa't isa

"Bakit wala man lang katao tao sa ospital na to? Parang yung nurse palang sa front desk yung nakita ko" - Ace

Napa-isip din ang kanyang mga kaibigan tungkol sa bagay na yun

Paakyat na sana sila nang hagdan papuntang second floor nang may mapukaw ang mata ni Vince sa isang kwarto, naglakad siya papunta dun na ikinataka ng ilan pero sumunod na lang din sila

"WHAT THE FUCK?!" Bulaslas ni Vince napayakap si Rachelle kay Eulo dahil sa nakita nila

"B-bakit may mga bangkay ng tao ang nakasabit dyan? P-pati mga laman loob nagkalat sa sahig" Nauutal na sabi Patricia

"Kailangan na natin magmadali. Nararamdaman kong may hindi magandang bagay ang mangyayari saatin dito pag nagtagal pa tayo rito. Kailangan na nating mahanap si Charlene at ang kapatid niya" Wika ni Sapphire

Hospital Crime (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon