Chapter Four

607 24 10
                                    

Chapter Four

Walang kaalam-alam ang ilan pang kasama nila Pj, na wala na ang kaibigan nilang si Mark.

"Sa tingin mo nandito talaga si Charlene?" tanong ni Ace habang nililibot ang kanyang paningin sa paligid

Napatigil naman si Sapphire at napa-isip "Tch" wika nito

"Oh, bakit?"

"Mukhang naloko tayo"

"Ha?" nagtatakang tanong ni Ace

"Mukhang wala talaga si Charlene sa lugar na ito. Bakit ba ngayon ko lang naisip ang bagay na to" Tinignan siya ni Ace na may halong pagtataka "Mukhang pinaglalaruan tayo. Kung nandito man si Charlene sana kanina pa natin siya nahanap. At ang lubos na pinagtataka ko bakit dito si Cahrlene dadalin, wala pa tayong nakakasalubong na doctor tangging yung nurse lang na nasa front desk. Isa pa sa bagay na bumabagabag sa isipin ko, bakit sinabi ni Tet na nandito sila?"

Hindi na nakapagsalita pa si Ace. Mukhang napa-isip din siya sa mga sinabi ni Sapphire

*CRASSSSH!*

*BLAG!*

Nagkatinginan ang dalawa "Ano yun?" nagkabit balikat lang si Sapphire sa tanong ni Ace

Ilang sandali lang din nawala na rin ang lagapak at tunog nang nabasag na kung ano

Biglang nagvibrate ang cellphone ni Ace kaya agad niya itong kinuha sakanyang bulsa

Lumapit sakanya si Sapphire at sabay nilang binasa ang message

'1 down, 9 lives to go'

Napahawak nang mahigpit sa cellphone si Ace "We really need to find them, before its too late. "

Tumango si Sapphire at nagsimula na silang hanapin ang iba pa

-------

"The two of them is really smart" nakanigising wika nito habang pinapanood ang magkakaibigan sa CCTV "Mas mabilis pa pala nilang malalaman na pinaglalaruan lang sila"

"So, change of plans?" sabi naman nang kasama nito

"No. Just sticked to the plans. This guys really knows how to play a game"

"Bakit mo ba kasi to ginagawa? They are your friends before"

"That was long time ago, dear" The girl said atsaka siya lumapit sa kasama niya at umupo sa lap nito

"They are all fake, mga wala silang kwenta. Wala na kong pakielam sakanila as long as I have you" Wika nito

"Now, sabihin mo sa mga tauhan mo na bilisan ang pagkilos. Kailangan nilang mamatay lahat, just leave the two of them to me" tinuro niya si Rachelle at Eulo

Tumayo na ang kasamahan niya, humalik muna ito bago tuluyang umalis

"Malapit na ulit tayong magkaharap, Eulo"

-----------

"Vince! Pat!" Sigaw ni Rachelle habang pinapanood na tumatakbo ang dalawa dahil may lalaking may napaka laking katawan ang humahabol sila at may hawak hawak itong pang taga

"Tulungan natin sila, please" naiiyak na wika niya kay Eulo

Susundan na sana nila ang dalawa nang may humarang sakanila

Isang babaeng naka maskara. Napaatras ang dalawa hanggang sa tumakbo na rin sila

Dali-daling pumasok sila Vince sa isang kwarto at mabilis itong ni-lock

Parehong nagpipigil nang hininga ang dalawa. Ayaw nilang makagawa nang kahit anong ingay dahil siguradong mahahanap sila nang humahabol sakanila

Yakap yakap ni Pat si Vince mula sa likuran nito, hawak naman ni Vince ang kamay na Pat na nakayakap sakanya

Hinigpitan naman ni Pat ang pagyakap niya nang marinig niya ang malalakas na yabag na papunta sa kwartong pinasukan nila

Dala nang takot, hindi na napigilan pang bumagsak ang luha nito

"Shhh... I will never leave you. I Promise" Wika ni Vince at hinalikan ang noo ni Pat, tumango tango naman ito, sa ganong paraan nawala nang konti ang takot ni Pat

Unti-unting nawala ang malalakas na yabag, mukhang naka layo na ito. Naka hinga naman nang maluwag ang dalawa

Hinawakan ni Vince ang Kamay ni Pat, lalabas na sana sila nang silid nang bumakas ito nang sobrang lakas

Dahil sa gulat hindi na napigilan ni Pat ang mapasigaw

Nagtago si Pat sa likuran ni Vince, pero magkahawak pa rin sila nang kamay

Naglakad papalapit sakanila ang lalaki habang tumatawa, may tangkad itong 6 feet pataas at mayroong napaka laking katawan

Sa bawat pag hakbang nang lalaki ay napapaatras silang dalawa, hanggang sa wala na silang maatrasan pa

"Ooops, dead end" mapang-asar na wika nito

"Pagbilang ko nang tatlo, takbo" bulong ni Vince

"1"

"2" Hinigpitan niya ang pagkapit sa kamay ni Pat

"3!"

Malapit na sila makalabas ngunit nahila ang buhok ni Pat "Not that fast"

"Aray!" Sigaw ni Pat habang nakahawak sa buhok nito

Tumingin si Vince sa paligid at naghahanap nang bagay na pwedeng ihampas sa lalaki. Ngunit wala siyang makitang kahit ano. Kaya no choice siya kung hindi ang sugurin na lang ito

Pinagsusuntok niya ito ngunit parang wala lang ito sa lalaki, tinulak niya si Vince nang sobrang lakas kaya lumipad ito sa may pader, napa-upo naman nang dugo si Vince dahil sa lakas nang pagtama niya sa pader

"Vince!" sigaw ni Pat habang umiiyak

Tumayo si Vince at muling lumapit sa lalaki na hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin ang buhok ni Patricia, muli niya itong pinagsusuntok pero tulad nang una walang nangyari

Sumubsob siya sa sahig at may nakita siyang gunting na may kalakihan, agad niya itong kinuha at sinaksak sa paanan nang lalaki at hinatak pababa ang nakabaong gunting, halos makita na ang laman nito dahil sa ginawa ni Vince

"AHHHH!" Sigaw nang lalaki, nabitawan na nito si Pat ngunit tinapakan naman nito ang mga daliri ni Vince napasigaw si Vince sa sakit. Rinig na rinig na Patricia ang pagtunog nang buto nito

"V-vince..."

"T-tumakbo ka n-- Aaahhh!" lalo pang tinapakan nang lalaki ang daliri ni Vince

"A-ayoko, hindi kita iiwan dito"

"Wag ka nang makulit, t-tumakbo ka na"

Hindi nagtagal natatarantang tumakbo papalabas si Patricia

"Babalikan kita Vince, babalikan kita..."

---------

Hospital Crime (Book 2)Where stories live. Discover now