Chapter VIII

2.1K 124 20
                                    

ɴᴏᴛᴇ: ᴡᴇʟʟ, ʜᴇʟʟᴏ ᴛʜᴇʀᴇ. (:

Tres

Tiningnan ko ang mga kasama ko, pero gaya ko wala sa kanila ang balak na basagin ang katahimikan. Magiging ayos lang kaya kami nito?

Si Nino ang nangunguna lagi sa pag-iingay pero halata naman sa constipated niyang hitsura na kinakabahan siya. Kahit ako rin naman. Regulars kaya ng Ravens ang makakalaban namin.

Wala siguro sa amin ang nakaisip na dito pala sila sa Noir (pangalan ng gym na pinakamalapit sa Black Dormitory)  naglalaro. Akala ko kasi gaya rin sila ng tatlo pang team na lumalabas sa camp para maglaro sa iba't-ibang lugar. For sure marami pang magagaling na players ang hindi pumasok dito sa camp. Hindi lang naman kasi ito ang nag-iisang camp sa Ramontes, pero Sang Real ang pinakamalaki at pinakakilala.

Oo, nga pala mayroong apat na basketball team ang camp, pwede kami sumali sa isa rito kapag natapos na ang three months training ng mga rookie, (wala pa akong sinasalihan kahit six months na ako sa camp) pero hindi ibig sabihin nun na matatapos na rin ang pagsasanay nila. Mas magiging official lang, at puwede na rin kami sumali sa camp tournament. Mga games ito sa pagitan ng Royal Team. Ito ang tawag sa apat na team kapag magkakasama sila.

“So, anong plano? Mukhang wala balak magbigay ng instruction ang Crimson Knights.” Ahh, hulog talaga ng langit itong si Dakota.

“I think kailangan muna natin pag-usapan anong position lalaruin natin. Nasanay na rin kasi ako na hindi laruin main position ko.” Shooting guard kasi ako at sa aming lima, lahat kami puwede maging position ito, oo, kahit si Nino. Center position niya,  pero dahil na rin sa tindi ng training namin, at sa pagiging strict din ni Dakota ay kaya niya rin pumuntos sa labas ng arc. Hindi pa ito gaano consistent pero atleast hindi kami magkukulang sa scorer. Okay lang naman sa akin mag-adjust kaya ganun ang sinabi ko. Napahum nga si Dakota habang makikitaan na rin ng relief yung mukha ni Nino.

“Kung okay lang sa inyo then ganito ang magiging line up natin, since tayo lang ang rookie dito at walang papalit sa atin.”

Hmm. Sang ayon ako sa line up namin. Kung hindi siguro nangyari yung laro namin nung nakaraan ay baka hindi ko maisip na puwede rin maging point guard si Milan, siya kasi pinakamatangkad sa amin at nagdadunk din siya kaya mataas din ang vertical jump niya. Power forward naman ang position ko, habang si Rize ang shooting guard hindi na ako nabigla dito. Si Nino lang ang hindi nagbago position kasi si Dakota ang small forward namin. Ito rin ang madalas niyang position kapag hindi siya ang point guard. Ngayon ngang naisip ko ito, never pa siya naglaro as a shooting guard. Ano kaya position niya nung highschool?

“Hindi ako naglaro nung highschool, kaya bale dito ko lang sa camp naranasan makipaglaro ng five versus five.” Nasabi ko pala ng malakas yun? Pero what? Sa galing niyang ito? Seryoso ba siya?

“Mukha ba akong nagbibiro?” Napaka-dry ng tono ni Dakota kaya hindi na lang ako nagsalita. Mukha nga naman kasing hindi marunong magbiro itong si Dakota. Although dahil sa sinabi niya mararamdaman ko pag-apaw ng competitive aura nina Milan at Rize. Napadoble pa nga ako ng tingin kay Milan kasi bakit siya rin nakikisali? Si Rize kasi kahit hindi nakikipag-usap ay madali mo lang maintindihan, lahat ay ginagawa niyang challenge kaya kailangan mag-ingat ka sa sasabihin mo, kasi mapapagod ka nang wala sa oras.

“Oo, nga pala kapag nabigyan kayo space huwag kayo maghesitate na magshoot. Sigurado kasing pahihirapan nila tayo.” Paalala pa sa amin ni Dakota bago kami tinawag.

Center ng kabila ang tatalon para sa jump ball, hindi ko siya kilala kaya hindi ko alam ano kakayahan niya. Pero base na rin sa build at height niya mukhang dehado kami, ahh. Si Milan kasi ang tatalon para sa amin habang nakapuwesto naman sa likod namin si Nino, naghahanda para tumakbo ng mabilis sa side namin pero mukhang hindi namin magagawa ang fast break ngayon. Ravens kasi unang nakatapik sa bola at nasalo naman ito ng point guard nila na naunahan pa ng center nila na tumakbo sa side nila. What the fuck? Ang bilis naman niya! Palibhasa ang lalaki ng hakbang. Hindi na namin na-contest ang unang puntos dahil naoverwhelm kami sa lakas at bilis nung center, na isa pa lang Arevalo. May nagbabasketball pala sa kanila? Puro kasi sila volleyball players.

Little GiantWhere stories live. Discover now