Chapter V

2.7K 157 56
                                    


-

Ikatlong Persona

"Ako lang ba o talagang mas hinihigpitan ng CK ang pagbabantay kay Dakota kapag siya ang may hawak sa bola?"

"Pansin ko din 'yun. Magaling talaga siguro siya. Saka nakita ninyo ba yung pagpigil niya sa dunk ni Grey? 6 footer si Grey habang siya nasa 5'2 o 5'4 lang ang height. Grabe pa kabog ng dibdib ko nung magtama katawan nila ni Grey habang nasa ere, matik na magkakaroon siya injury kung hindi siya nahawakan nina Rize sa likod para pigilan pagbagsak niya." Mahabang hayag naman ni Jade. Excited ang tono nito at hindi siya nagsisisi na umuo siya sa joint practice na 'to. Hindi kasi talaga siya makikisali kaso nacurious siya since si Kris na mismo ang nag-aya at sinabi nga nito na bukod kay Rize mayroon pang interesanteng player sa mga first year. Si Dakota pala ang tinutukoy niya.

"Tiyak na ata ang pagkatalo niya sa pustahan kung patuloy na ganito ang gagawin ng Crimson Knights." Naging cue pa ata ito para tatlo ang magbantay kay Dakota. Marami sa mga nanonood doon ang napapatanong kung hindi ba masyado atang pinagtutuunan ng CK si Dakota. Hindi ba dapat si Rize ang bantayan nila?

"Kung ako kina Rize hindi ko na papasahan si number ten." Parang nagpintig ang tainga nina Kris sa narinig, pero ang hindi nila alam sang-ayon din si Dakota sa sinabi ng isang senior player. Kung hindi kasi siya makakahanap ng paraan para makawala sa bantay ng CK then palaging magkakaroon ng turnover dahil kay Dakota.

Pinakiramdaman ni Dakota ang sarili, maganda ang pakiramdam niya at hindi niya pa nabibigay lahat ng kakayahan. Ayaw niya na maging weak link ng team nila kaya nagsimulang bumigat ang pagdribble niya sa bola. Naalerto tuloy sina Jae, pero mapapansin na nagpipigil siya ng ngiti. Ito ang kanina pa nila hinihintay.

"Nagbago na naman aura niya. And sa wakas isa na lang ang nagbabantay sa kanya." Isa nga ang nagbabantay kay Dakota, pero imbis na si Jae ang kaharap ay si Red ang nagbantay sa kanya.

"Balak niya ba haraping mag-isa ang captain ng Crimson Knights?" Hindi na kinailangan pa ng bokal na sagot sa tanong na ito ng isa pang player sa sunod na ginawa ni Dakota.

Para silang nagpapatintero ni Red, kakalampas niya pa lang dito ay maaabutan na naman siya ng huli. Malikot sila pareho, pero mapapansin na bumabalik lang sila sa kaninang puwesto.

Gustong tumulong ni Tres, pero, napagtanto niya na hindi niya kayang sumabay sa bilis ng dalawa. Kung papasok siya siguradong magiging sagabal lang siya kay Dakota.

Limang segundo natitira sa shot clock. Natrap sa gilid ng court si Dakota. Wala na siya puwede takbuhan. Naisip ng lahat na hindi na makakapuntos si Dakota, pero nagulat sila nang tumalon ito paatras, palabas mismo sa court. Harang ni Red ang view niya sa basket kaya ang ginawa niya binend niya ang katawan patagilid saka hinagis ang bola na gumuhit ng arko sa ere bago parang bulalakaw na bumagsak sa net.

Tinulungan ni Red si Dakota sa pagtayo saka sila sabay na tumakbo sa kabilang side ng court. Nagpatuloy ang laro na para bang walang kakaibang ginawa si Dakota.

Gusto magreact nina Tres, pero wala sila magagawa dahil hindi naman hininto ang laro saka sina Kris na kasi ang nagrereact para sa kanila.

Lahat sila ay may hindi makapaniwalang ekspresyon. Bakit nga naman sila hindi magugulat, e, sa liit ni Dakota mayroon pala siyang tinatagong lakas? Saka hindi madali ang ginawa niya, formless shot. Mabilis makaubos ng enerhiya ang ganitong style nang paglalaro. Sa CK si Jae at Fox lang ang gumagawa nito, pero si May Silveria talaga ang unang player na nakilala sa free-spirited basketball.

Pinsan niya ba naman ang nagpasikat ng ganitong style siyempre matututo talaga si Dakota, pero, siyempre bihira niya lang ito gawin. Hindi naman kasi talaga ganito ang paraan nang paglalaro niya. Textbook style kumbaga. Noon nung hindi pa siya naiinjured ay pagsalaksak at puntos niya sa ilalim ang paraan niya nang pag-atake pero, ngayon katatakutan ang accuracy ng mga tira niya. Halos pareho na sila ni Tyson na kahit saan pang anggulo sa court pumuntos ay papasok ang tira nila. Ganun pa man mas madalas na magmiss ang tira ni Dakota habang hindi niya pa nakikita magmintis ang tira ni Tyson.

Little GiantWhere stories live. Discover now