Chapter 11

410 15 1
                                    

Dedicated to: jcshadow, hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil sa pagbasa at pag votes mo sa story ko ;)


---

     Nilingon niya ang poste ngunit wala si Megan doon.

     Napabuntong-hininga siya. There's something wrong with his eyes. Bakit nakikita niya si Megan?


---


     "Fate my ass." bulong ni Megan habang tahimik na nagmamasid sa mga tao na hindi niya inaasahang makikita. Worst, they all gathered in front of her palace. Of all the places, why here?

     Kasalukuyan siyang nagtatago sa isang poste ng kuryente. Isang napakagandang lugar para makakuha ng impormasyon sa kaganapang nangyayare sa harapan niya. She decided to do one of her dangerous stunts para lang agad na makababa mula sa rooftop papunta sa poste na iyon para mapakinggan at makita kung ano ang sunod na mangyayari. After all, she's excited. Excited to see what the Headmaster's daughter of Hugo Mafia will do to Red Tiger.


---


     "Stop it if you still want to live!" Nagulat si Red Tiger nang makita ang babae na tumatakbo papalapit sa kanila. "Lady Scarlet?!" binitawan niya ang kutsilyo na hawak-hawak niya at hinayaan itong mahulog sa daan. Dali-dali siyang lumuhod bilang paggalang dito habang natulala na lang si Terrence mula sa muntikan ng mangyari kanina.

     "You musn't kill this guy if you don't want me to kill you." matigas na sabi sa kaniya ni Lillianne. Tumaas naman ang kilay ni Red Tiger. "Why? This guy is a hindrance to Hugo Mafia! If we do not kill him immediately, he'll definitely side with the Gangster Society and he'll become our enemy!"

     " I don't care if he becomes an enemy or not. Just let him go!"

     Napayuko na lamang si Red Tiger at tumayo mula sa pagkakaluhod. Tinignan naman niya ng masama si Terrence at agad-agad na tumakbo ang lalake papalayo sa kanila.

     "What's your reason?" mahinang tanong ni Red Tiger habang nakatingin ng masama kay Lillianne.

     "None of your business." diretsong tugon ng babae at umalis sa harapan niya.


---


     "Megan!"

     "HELLOOOOO!!!"

     "YOOHOOO!"

     "WHERE THE HELL ARE YOU?!"

     Umiling si Zero sa mga kalokohan na pinaggagagawa niya. Piling niya ay nagmumukha na siyang tanga kakatawag sa babae ngunit wala namang Megan ang pumupunta sa kaniya. 'Nagsisinungaling ba ang Ella na yun?'

     Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa inis. Aalis na sana siya nang may makita siyang isang pintuan. Napalunok siya. "Hindi naman siguro malalaman ng babaeng yun kung papasok ako dito?" bulong niya at binuksan ang pintuan na nakita niya.

     KABLAAAAG!

     Napatalon siya sa gulat nang biglang may bumagsak na bagay sa harapan niya. "A-anong?" Hindi niya alam kung masusuka ba siya o ano. Hindi naman sa pinaghihinalaan niya si Megan... Pero bakit may bangkay dito?


---


     Pinagmasdan ni Red Tiger ang papaalis na bata sa harapan niya. Damn it! This is getting nowhere! Napakuyom siya ng kamao niya at pinikit niya ang kaniyang mata. One of these days! Makukuha niya na ang gusto niya! Megan is here. And she will take revenge no matter what!

     Ipinukol niya ang tingin kay Terrence na malayo na sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin at inis na tumalikod mula sa lalake.

     "I'll make sure the headmaster know what you've done, Scarlet von Hugo. Hindi makakalagpas ang nangyari ngayong araw na ito." Kinuha niya ang kaniyang cellphone at madaling ikinontak ang isa sa mga tao na pinagkakatiwalaan niya.

     "Hello? Elleene?"


---


     Takbo lang ng takbo si Terrence. Ayaw niya pang mamatay. Mayroon pa siyang gustong gawin habang buhay pa siya. Kung magagawa niya ang bagay na yun, ayos na sa kaniya ang mamatay. Pero huwag muna ngayon. Kailangan niyang mabuhay!

     Salamat na lang at dumating ang batang iyon.

     Sandali siyang napatigil nang may maalala siya. Kilala niya ang batang iyon! Siya yung nag-utos sa mga taong iyon na patayin sila Kim, Miggs, Lee at Queenie!

     Bakit siya nito tinulungan?

     Napailing na lang siya at muling tumakbo ngunit pagkalagpas niya sa isang poste ay muli siyang napatigil. Namamalik-mata lang ba talaga siya o nandyan talaga si Megan?

     Nilingon niya ang poste ngunit wala si Megan doon.

     Napabuntong-hininga siya. There's something wrong with his eyes. Bakit nakikita niya si Megan?


RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon