Chapter 5

783 28 0
                                    

Dedicated to: SuperrrrMannnn, thank you for reading LHNSGQ :))

---

     "Now that my one and a half year preparation is done, it's time to celebrate. We're going to Philippines." kalmadong sinabi ni Megan ang mga salitang iyon kay Zero. Nanlaki naman ang mga mata nito, "WHAT?!" 

     Tumingin lang si Megan sa kaniya at umirap. "You already heard me, idiot."

---

     Dumiretso sa isang lumang factory sila Megan at Zero. Napanganga si Zero at nagdududang tumingin sa babae. "Don't tell me. . . HOY! Virgin pa ako! Parang awa mo na, sa babaeng mahal ko lang gagawin yun!" napakunot noo na lamang si Megan at biglang inambahan ng suntok ang lalake. "Bastard! I'm not a fucking whore or a slut!" galit na singhal nito. Napabuntong-hininga naman si Zero. 'Good.' bulong niya.

     Sobrang luma na ng factory. Nilibot ni Zero ang lugar sa factory; Puro sapot ng gagamba, mga alikabok na nagkalat at puro makalawang na mga kung ano-anong uri ng metal ang nandoon."So, anong gagawin natin dito? Papalinis mo sa akin ito at gagawin mong pang business ang lugar na ito? O baka naman dito kayo nagme-meet ng mga alagad mo at nag-iimport ng mga illegal guns? Oh no, isasali mo ba ako sa kanila? Ayoko! Baka makulong ako!" at alam niyo na ang sunod na nangyari. Pinagsisipa ni Megan si Zero dahil sa sobrang inis. "Gago ka ba?! Tanga?! Baliw?! O naggagaga-gaguhan na nag tatanga-tangahan na nag babaliw-baliwan?! Of course, hindi ganyan ang mga ipapagawa ko sa iyo!" puro iwas naman sa mga sipa ni Megan si Zero. Napahanga pa siya ng wala sa oras dahil sa galing nito sa paninipa. Ni-roundkick siya neto at muntikan nang matamaan ang leeg nito. Kung natamaan siya ay baka patay na siya ngayon dahil sensitibong parte ang leeg sa katawan.

     Sa wakas ay natapos din ang babae pero parang hindi man lang napagod sa mga pinag-gagawa nito. Ni walang bakas ng pawis ang babae, habang siya ay diring diri na sa sarili dahil naghalo na ang putik at pawis sa kaniyang katawan. "Bastard, follow me." seryosong sabi ni Megan sa kaniya.

     Sumunod naman siya dito at laking gulat niya ng makitang may isa na lamang malaking pinto ang lumitaw at bumukas matapos ipatong ni Megan ang kamay nito sa isang bahagi ng pader. "Technology." bulong niya habang tuloy parin ang pagsunod niya sa babae.

     Napanganga naman siya ulit matapos makita ang loob ng pintuang pinasukan nila. 'Wow' isip niya.

     Kung anong dumi at panget ng factory kanina, yun naman ang sobrang ganda at linis ng lugar na kinaroroonan nila ngayon. "This place is one of my hideouts. You were right when you said that this is the place where me and my other co-gangster meet. But we do not import illegal drugs, guns and other illegal things here. If you do such thing, you are immediately kick out out of this place because you are always watched once you step right here in this place." sabi ni Megan at pinatong nito ulit ang kamay nito sa isang pader. May isa na namang pintuan ang lumitaw at bumungad sa kanila ang isang robot. Mukhang nakilala nito si Megan at agad na tumigil sa ginagawa nito na pag po-program ng kung ano-ano sa isang computer. "Welcome back, Empress Phoenix."

    

     Nilagpasan lang nila Megan ang robot. Tinanggal nito ang black leather jacket na suot-suot nito at nilagay sa isang stante ng mga damit na parang nilagay na ata talaga doon especially for her. 'Hot," isip naman ni Zero at napaiwas ng tingin sa babae na ngayon ay nakaitim na sando na lamang. Fit na fit ito sa kaniya at kitang kita ni Zero ang hubog ng katawan nito.

     Matapos nuon ay may isang kuwarto na naman silang pinuntahan. At halos manlaki ang mata ni Zero sa mga hologram na lumilitaw sa harapan niya na pino-program naman ng mga halos bente katao na mga tao na parang kasing-age lang niya. May mga suot silang headphone na may nakakabit na mini-microphone. Mistulang mga call center agent ang mga ito kung hindi niya lang napansin ang mga halos pare-parehas na mga tattoo sa mga ito. HM. Parang nanlamig ang buong pagkatao niya. Sino nga bang mga taong mahilig makipag-basag ulo ang hindi makakakilala sa mga ito? Hugo Mafia. Eto ata ang pinakamaimpluwensiyang Mafia sa buong mundo ngayong panahon na ito. Lahat takot sa kanila. May mga kuneksyon ito sa gobyerno kaya hindi sila mahuli-huli ng mga ito. Sila ang nag-iimport ng mga illegal guns. May mga scientist din ang mga ito na nag-iimbento ng kung ano-anong mga drugs. Nakakatakot, iyon lang ang masasabi niya.

RecklessWhere stories live. Discover now