*Present*

1.2K 55 38
                                    

"Hindi ako magaling magpatawa, hindi ako ako mahilig makipagkuwentuhan, pero dahil mahal kita, pinipilit kong mapangiti  kita, makausap ka, at malibang dahil espesiyal ka sa puso at isip ko at kahit kailan hindi kita makakalimutan..." (from a letter, April 3, 2010)

Isa ito sa pinakapaborito kong linya na sinabi niya sa isang sulat. Para kasing super sincere siya nung sinusulat niya ito at nung binabasa ko na.

Hanggang ngayon, napapangiti na lang ako tuwing nababasa ko ng buo yung kaisa-isang love letter na binigay niya sa akin. Tinatago ko yun hanggang ngayon, kasama ng mahahalagang bagay na binigay din sa akin ng mga kaibigan ko. Pero siyempre, sa iba nakalagay yung kanya. Special eh.

Hindi ko alam kung bakit sa paglipas ng panahon eh bigla na lang talagang maglalaho ang nararamdaman mo sa isang tao. Kaya nga minsan natanong ko sa sarili ko kung totoong pagmamahal nga ba ito. Nawawala ba ang pag-ibig? Oo, nagbabago ang nararamdaman. Pero ang tunay na pagmamahal, kelan mo ba masasabi na yun na talaga ang mararadaman mo?

Hindi ako nagsisisi kasi hindi naging masaya ang story ko kasama siya. Masaya nga ako kasi nakatagpo ako sa mundong ibabaw, ng lalaking nagmahal sa akin noon. Thankful ako sa Kanya at binigyan niya ako ng pagkakataong makilala siya. Kaya sana, kung gagawa siya ulit ng bago leading lady, hiling ko lang sana maging maganda ang ending nila. Pilitin niya sanang mapasaya siya gaya ng napapanood ko sa movie. Siya ang leading man, hindi ba? Siya sana ang gumawa ng paraan. At kung yung script writer eh gumawa ng hadlang, sana  mabago niya.

** Ginawa ko itong story, paglilinaw ko lamang, para lang may maalala ako. Hindi ko intensiyong magpapansin, manira, at kung ano mang negative na maiisip ng magbabasa. Gusto kong may mabasa na isang kuwento tungkol sa akin, sa amin, kahit na hindi naman naging masaya ang ending.

P.S.

Bakit July? Una, wala akong maisip na title; Pangalawa, birth month ko ito; at pangatlo, ito lang ang tanging buwan na wala kaming moment together. 

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon