June

942 33 7
                                    

“June 3, 2010.

 

Umuulan nanaman ... basa na naman ang lupa. Mahirap na naman mgalakad sa kalsada kapag nakatsinelas ka lang. Bawat lakad mo, tumatalsik ang mga putik sa iyong mga paa na nagigng sanhi ng kairitahan sa iyong paglakad.

 

Gabi na at malakas pa din ang ulan. Ang ilaw sa poste na tanging nagbibigay liwanag sa kalsada ay nagpapatay-bukas na. Ang mga tao ay nagsasara na ng kani-kanilang mga bintana para hindi makapasok ang tubig sa kanilang tahanan. Ang mga aso ay kumakahol dahil sa kidlat na may kasunod na malakas na kulog na nagsasanhi ng ingay sa kalangitan. Ang kanal na barado ay nagsisimula nang maglabas ng hindi kanais-nais na amoy... Amoy imbornal.

 

Unti-unti nang napupuno nang tubig ang kalsada... Hindi magtatagal, magkakaroon na ng maliit na sapa sa tapat ng bahay. Ang kidlat ay nagmimistulang flashlight sa langit. Nakakatakot! lumiliwanag at kulay "violet".

 

At ako?!... Naghihintay at nagbabakasakali na magte-text siya sa'kin at magbibigay ng sagot sa mensahe na pinadala ko kaninang tanghali. Nakaupo ako sa labas ng bahay sa may lamesa at pinagmamasdan ang ulan habang nagsusulat ng WALANG KWENTANG pangyayari na nagaganap ngayong gabi. Maya-maya, babasahin ko na ang ginawa kong talata at pagkatapos ay papasok na ako sa loob ng bahay...

 

THE END.”

Ayan yung nasulat ko sa isang formal theme na nakita ko sa ilalim ng lamesa habang hinihintay ang text ni Gian. Tinext ko siya nung tanghali at sinabi kong hindi ko na kaya. Sabi ko sa kanya na wala nang kahahantungan ang relasiyon namin. Alam kong mababaw ang dahilan, pero kung magpapatuloy na ganoon eh baka ako lang ang masaktan.

Kaya kahit na ayoko, ginawa ko pa din.

Tinext ko siya, oo alam kong mali ang paraan na ginamit ko pero ano pa nga bang magagawa ko? Mas lalo kong hindi kakayanin na sabihin sa kanya sa personal. Alam kong parang sinampal ko na siya sa ginawa ko, pero ano bang pwede ko pang gawin? Ni hindi nga siya nagpaparamdam. Buong gabi kong pinag-isipan bago ako makipaghiwalay sa kanya. Humingin ako ng sign, sabi ko kung magtetext siya nung gabi na iyon, hindi ko itutuloy. Kung hindi naman siya magtext, itutuloy ko ang pakikipag break.

At sa kasamaang palad, hindi siya nagtext. Sabi ni boi sira ang cellphone niya. Kung sira ang cellphone niya, kung magtetext man ako na break na kami, malamang hindi niya matatanggap.

Pero hindi. Alam kong natanggap niya.

Hindi nga lang siya nagtext.

Hindi nga lang siya nagparamdam.

Nag-status lang siya sa facebook at sinabing…

“. . .no more 23”

 

At may kasunod pang…

. . .para saken kaw pa den imba ko.“

 

Then nagcomment si Bhessy at Doner. Ang sad daw para sa aming dalawa.

Kung nalulungkot sila, mas nalulungkot ako.

Kasi parang balewala lang kay Gian yung ginawa kong pakikipagbreak sa kanya.

Sabi ko nga, EFFORT lang ang kailangan ko. Pero bakit hindi niya ako tinext? Bakit hindi niya tinanong kung bakit ko ginawa yun? Bakit hindi siya gumawa ng paraan para hindi ako makipagbreak sa kanya?

Kung kayo ang nasa sitwasiyon ko, hindi ba maiisip  niyo din na wala lang sa kanya yung break up namin dahil wala man lang siyang ni-react, ‘di ba?

Pero wala na eh. Nangyari na.

Kahit na hindi na kami ngayon, nagbabatian pa din kami tuwing sasapit ang 23. At nasasaktan ako tuwing sasapit ang araw na iyon. Paano ba naman, nagbabatian kami pero wala na. Ako lang naman ang umaasang meron pa eh, kaso wala na.

Alam kong wala na.

The end na ang story naming dalawa.

 Sabi nga ni Kapatid, "Gusto ko talaga siya para sa iyo..." tapos sabi ko naman...

"Gusto ko din naman siya para sa akin eh. Ang problema lang, hindi niya gusto ang sarili niya for me, or may iba siyang gusto para sa sarili niya. Hindi naman pwede yung ako lang ang may gusto, hindi ba?"

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon