August

2.4K 50 6
                                    

"Alam mo, simula nang makilala kita, ang laki ng pinagbago ko..." (from a letter, April 3, 2010)

August.

 

Normal lang sana ang buwan na ito. Eh ang kaso, bigla kang sumulpot sa harapan ko. Ayun, naging espesiyal na siya. Ikaw, tanda mo pa ba kung anong mga nangyari sa buwan na ito? Ako kasi, tandang tanda ko.

Science Camp.

“Jen, gawin mong red please!” red kasi ang color na nakuha ko. Binibigyan kami ng kulay galing dun sa maliit na kahon para malaman kung saan grupo kami sasama. Science Camp kasi namin, at tuwang tuwa ako dahil sa loob ng apat na taon ko sa high school, pinayagan na din ako sa wakas na sumama sa isang camping. Though sa loob lang ng school gaganapin, masaya na ako. At least pinayagan, hindi ba?

Ngumiti lang si Jen sa amin. Si Bhez na kasi ang kukuha. Sana naman red ang ibigay niya para may kasama ako. Wala pa kasi akong kakilala na red din ang nakuhang color. “Alam niyo kahit bawal, ang lakas niyo sa akin eh. O ayan.”

Halos napatalon naman ako sa nakita kong binigay na kulay ni Jen. Ang bait talaga niya, kaya nga nagustuhan siya ng first love ko eh. Si Andrew. Pero hindi tungkol sa kanya ang istoryang ito kaya hindi na ako magbabanggit pa ng kahit na ano na may kinalaman sa kanya.

“Akala ko hindi tayo magka-grupo eh.” Sabi ko kay Irene.

“Sadyang mabait lang talaga si Jen, bhez. Teka, tara’t maglibot at hanapin kung may kakilala tayong team red din!” sabay hila niya sa akin papalayo dun sa pila.

Naglibot-libot kami sa buong school. Buhay na buhay ang bawat sulok. First year to Fourth year kasi ang kasama sa camping.  Pero kahit mahigit anim na libo kaming estudyante sa paaralan na iyon, tatlo lang yata ang nakita kong kakilala ko na may hawak na kulay pulang papel. At maliban sa amin ni bhez Irene, isa lang ang kilala kong Fourth year na kasama sa team red. Mabuti na lang talaga at pula ang binigay ni Jen kay Bhez. Kung hindi, wala akong makakausap buong camp nung araw na iyon.

“Uy Aldrin!” tawag ni bhez sa dati namin na classmate nung first year. Lumapit kami sa kanila. Oo, may kasama siya. Hindi ko nga lang kilala. Hinila ako ni bhez para mas makalapit pa kami sa kanila. “Anong team ka?” tanong niya kay Aldrin.

“Green. Ikaw?” tanong naman ni Aldrin pabalik sa amin. Pero nakatingin lang ako sa kasama niya. Pamilyar kasi yung mukha, hindi ko lang alam ang pangalan.

“Red kami ni Rizza eh.” Sagot ni bhez. Napatingin naman ako sa hawak na papel nung katabi ni Aldrin.

“Uy bhez, red din siya oh!” sabi ko naman.

“O tamang-tama, red din itong si Bugoy.” Tumingin pa siya sa katabi niya. Bugoy ang pangalan niya? Naisip ko. “O pano? Ikot muna kami, naghahanap din kami ng kasama eh.” Tumango na lang sila at naglakad na papalayo sa amin. Napangiti na lang ako dun sa Bugoy. At least may makakausap kaming isa pang fourth year mamaya ‘pag nag-umpisa na ang program.

“Bhez, bakit parang tayo lang ang fourth year dito?” tanong ko sa kanya.

July [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon