Teaser

1.7M 21.4K 2.1K
                                    

 MATAGAL nang nararamdaman ni Kimmy na may kalokohang itinatago ang nobyo niyang si Edgardo. Lalo pang lumakas ang hinala niya ng minsan niya itong nahuli na may ka-SOP sa banyo niya. Nakakasigurado siya na may kinalolokohan itong ibang babae habang may relasyon pa sila.

 Ngunit kailangan muna niyang kumpirmahin ang hinala bago komprontahin ito at saka makipaghiwalay. Isang gabi, sinundan niya ang nobyo mula sa pag-alis sa condo nito hanggang sa pagpunta sa isang bar na kung tawagin ay "Paraiso ni Adan".

 Sinubukan niyang pumasok doon ngunit hindi siya papasukin ng mga bantay dahil isa siyang babae! Dala ng kuryosidad kung anong klase lugar ang pinasukan ng nobyo niya. Nag-disguise siya bilang isang malanding bading na naghahanap ng ligaya mula sa isang adan. Matagumpay siyang nakapasok at doon ay napag-alaman niya kung anong klaseng lugar ang napasukan niya.

 Anak ng pitumpu't pitong puto! Isa palang paminta ang nobyo niya at nakita niya itong nakikipag-make out sa isang maskuladong lalaki. Dala ng labis na galit, naisipan niyang sugudin ito..

 Subalit hindi pa man siya nakakalapit dito nang harangin siya ng isang matangkad at matipunong lalaki na may makatunaw butong titig. Tila tuod na napako siya sa kinatatayuan habang dinadama niya ang paggiling nito mula sa kanyang likuran..

 Inilapit ng gwapong lalaki ang labi sa leeg niya, hinalikan iyon at bumulong..

"You didn't tell me, pumupunta ka pala sa mga ganitong lugar. Akalain mo 'yon? Ang ex-girlfriend ko, suki ng Paraiso ni Adan?"

 Nanlaki ang mga mata ni Kimmy kasabay ng marahas na pagbaling sa lalaki.

After three years, muli niyang nasilayan ang mukha ng lalaking iniwan niya noon..

👮

 This is Diego McIntosh' story, RD's another blue-eyed police officer

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

 This is Diego McIntosh' story, RD's another blue-eyed police officer. Kung hindi n'yo siya nakikilala, basahin n'yo ang Owning Her Innocence. :)

 Maligayang pagbabasa at maraming salamat! :)

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now