Chapter Thirty Four

493K 9.8K 853
                                    

 PUMITIK sa isip ni Kim ang isang alaala, isang eksena dalawang taon na ang nakakaraan.. Her eyes widened as realization hit her.

Ito 'yong babaeng naabutan niya sa condo unit ni Diego noon!

"I-Ikaw.." nanginig ang boses niya, malamig na tumitig sa kaharap. "Natatandaan kita.. Ikaw 'yong babaeng 'yon."

Tumawa ito at maarteng pinaarko ang kilay. "Well, good for you."

"A-Anong ginagawa mo dito sa bahay ng kapatid ko?" Tumaas ang isang sulok ng labi nito. Nangatal ang mga daliri niya at parang gusto niyang ilapat ang palad sa namumulang pisngi ng kaharap.

"Verna, sino 'yan?" boses ni Mari 'yon mula sa loob.

"May bisita ka, papasukin ko ba, best?"

"Sino? Papasukin mo."

Nakaarko ang kilay na binuksan nito ang pinto para sa kanya. "Pasok ka."

 Best? Bestfriend ni Mari ang babaeng ito? What the f*cking hell. Paano?

Nakatiim-bagang, humakbang si Kim papasok sa loob ng bahay ni Mari. Natigilan ang kapatid ng makita siya.

"Kim," pormal ang tono nito. "A-Anong ginagawa mo dito?" Napatingin ito sa kaibigan nito. "Verna, iwanan mo muna kami."

Tumango ang babae at pumasok sa isang kwarto.

"Can you explain to me.. Anong ginagawa niya dito?" Itinuro niya ang kwartong pinasukan ng tinawag nitong Verna.

 Hindi nakaligtas sa kanya ang pamumutla sa mukha ni Mari. Saglit lang iyon. Lumunok ito at nakataas ang noo na hinarap.

"Who are you to ask that, Kim? Bahay ko 'to. Pwede kong papasukin kahit sinong gusto ko. And Verna's my friend."

A friend.

Ang babaeng naabutan niya sa condo unit ni Diego two years ago ay kaibigan ni Mari. What a coincidence. Magku-krus pala ulit ang landas nilang dalawa dahil sa kapatid niya.

 Suddenly, bigla niyang narinig sa isip ang boses ni Diego. "She likes me but i don't like her. Sinira niya tayo noon, Kim. Believe me."

Tumalim ang tingin niya sa kaibigan nito, pagkatapos ay bumalik kay Mari.

"Don't give me that look, Kim. Ano ba ang ipinunta mo dito? Kung tungkol ito sa nangyari kahapon, wala ako sa mood na kausapin ka."

Tinawid niya ang ilang distansya sa pagitan nila ni Mari. Ang mga mata ay malamig na nakapako sa magandang mukha nito. "Umamin ka. Anong kinalaman sa nangyari namin ni Diego noon, Mari?"

"What the f*ck are you talking about?"

"Two years ago. Naabutan ko ang kaibigan mo sa unit ni Diego. May kinalaman ka ba doon?"

Nanlaki ang mata nito, kumalat ang kulay sa mukha. "I-I don't know what you're s-saying! Pinagbibintangan mo ba akong sumira sa relasyon n'yo?"

"Bakit, hindi ba? May gusto ka kay Diego.. Matagal na. Pero ngayon ko lang nalaman 'yon. Kahina-hinala na magkaibigan kayo ng lumandi dati sa boyfriend ko. Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa noon ng ginawa ng kaibigan mo? Tutal mukhang laway na laway ka naman kay Diego?"

Kitang-kita niya ang pamumula nito. Akmang sasampalin siya nito pero maagap niyang pinigilan iyon. 

"Don't you dare, Mari. Hindi ko palalampasin na matapos mo kaming sirain ni Diego, ikaw pa ang may ganang manampal!"

"W-Wala kang ebidensya!" namumula na ang mata nito.

"Huwag mo akong gawing tanga! Oo, maaaring hindi ikaw ang naabutan ko noon sa unit ni Diego.. Pero itong kaibigan mo ang ebidensya na sinira mo kami!"

In Bed With My Ex (R-18)Kde žijí příběhy. Začni objevovat