Chapter Thirty Five

619K 11.5K 1.1K
                                    

 PUMULUPOT ang matipunong braso ng binata sa katawan niya at lumapat ang labi sa buhok niya.

She gasped. "D-Diego.. Anong ginagawa mo dito?"

"Lynne told me. Kahit hindi mo sinabi sa kanya kung saan ka pupunta, alam pa rin niya." sabi nito.Swear, masasabunutan na talaga niya si Lynne. What a bestfriend!

"Hindi mo na kailangan pa akong sundan dito. I can handle this alone." matigas na saad niya. Iniiwas niya ang mata at pasimpleng pinahid ang mga luha.

"You don't need to pretend you're okay, love. I'm always with you."

Hindi siya nagsalita. Ramdam pa rin niya ang pamumula ng pisngi niya sa sampal ng kanyang ina. Talagang wala siyang halaga dito. Ngayon lang niya mas napatunayan na wala siyang laban kay Mari.

"Let me get you out of here." Hinila siya nito papunta sa kotse nitong nakaparada di kalayuan sa bahay ni Mari. Binuksan nito ang passenger seat at pinasakay siya. Wala siyang lakas para magsalita o makipag-usap kay Diego kaya ibinaling niya ang tingin sa labas. Waring naramdaman nito na ayaw niyang magsalita kaya hindi ito nagsalita. Tahimik lang silang pareho habang nagda-drive ito. Nang makarating sila sa condo unit nito ay saka pa lang nagsalita si Diego.

"I know you're still mad at me, love. But we both know we need to talk. Ayusin natin 'to, please."

Umiling siya. "Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Diego? Alam ko na lahat. You're right, plinano ni Mari ang pagsira sa atin noon. It's because she wanted you. Matagal na niyang gusto."

"But i don't want her. I want you."

 Naramdaman niya ang pagbara ng kung ano sa lalamunan niya. "Kaya gumawa siya ng paraan para masira tayo noon.. Ginamit niya ang kaibigan niya para akitin ka. Siguro, alam niya na hindi siya ang pwedeng gumawa noon kaya iba ang inutusan niyang gumawa nun para sa kanya... At nagtagumpay sila.. Naakit ka ng babaeng 'yon, hindi ba? Kaya nga tayo nagkahiwalay." Tuwing binabalik-balikan niya ang tagpong 'yon, parang nagkakapira-piraso ang puso niya. Umaahon ang sakit, ang selos.. 

 Alam niyang sex lang ang namagitan sa mga ito. Pero hindi niya makuha iyong tanggapin. Gusto niyang sa kanya lang si Diego. Hindi lang ang puso nito ang gusto niyang angkinin, kundi ang lahat-lahat na meron ang binata. That's selfish, but she can't help it.

Mapait siyang ngumiti at nanlalambot na sumandal sa sofa. Pagod niyang ipinikit ang mata. Naramdaman niya ang pagtabi ng binata at pagkuha nito sa isang kamay niya.

"You're wrong about that."

Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang asul na mga mata ni Diego.

"I did not slept with her friend. Believe me or not. Walang sex na namagitan sa amin ni Verna noon."

Nagbukas-sara ang bibig niya. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Diego at napailing. "You're lying.."

"I'm not."

"God. Diego, please.. Hindi mo na 'to kailangan gawin para pagaanin ang loob ko."

Mapait na ngumiti si Diego. "I'm not saying this to make you feel better. Gusto ko lang malaman mo ang totoo. Na noong gabing ipinipilit ni Verna sa akin ang sarili niya, i rejected her. We were both drunked that night. I'm still mad at you.. Inisip ko na aliwin ang sarili ko. And then, i met Verna at the club. We had a great conversation, a great time. I invited her to my unit. Aaminin ko sa 'yo, pumasok sa isip kong sumiping sa kanya. But i can't kissed her like i kissed you. Hindi kayang tumugon ng katawan ko kahit siya na 'yong nagpupumilit. Ikaw pa rin 'yong nasa isip ko kahit siya 'yong hinahalikan ko.. And the next thing i knew, itinutulak ko na siya. Because i know it's not right."

In Bed With My Ex (R-18)Where stories live. Discover now