Chapter Four: Fate

170 7 1
                                    

Huling beses pang tinignan ni Gabrielle ang kanyang painting bago hinayaan ang driver ng kanyang mommy na kunin na iyon. He did his best for it, there is no doubt about that, but he still cannot stop himself from overthinking. Anong ika-o-overthink niya? Simple lang naman, ito ay ang—

"Gabrielle, son, are you okay? Sure ka bang gusto mo sumama?"

Ngumiti siya at humalik sa noo ng ina. Alam niyang seryoso itong hindi naman siya required sumama pero mas alam rin niyang may parte ritong manghihinayang at magtatampo, at mas ayaw rin niyang mangyari iyon.

"Yes, mom, sure na sure. I was just thinking about something else, but rest assured that I want to do it with you po. I wouldn't miss this for the world."

"Hay, nako, anak! Basta nagsabi ako sayo. Be careful driving."

Tumango siya at nang makasakay na ang ina sa sasakyan nito ay dumiretso na rin siya sa sariling kotse. Pwede namang sabay na lang sila ng ina pero didiretso pa kasi siya sa apartment niya mamaya. Kailangan na niyang mag-empake ng gamit dahil may business meeting sila ng pinsan niyang si Kieth sa Singapore.

Hindi na bago sa kanila ang paalis-alis ng bansa pero hindi niya alam kung bakit parang, sa unang pagkakataon sa buhay niya, nag-aalangan siyang umalis.

Biglang sumagi na naman sa isip niya ang babaeng may agaw-pansing buhok. Napangiti siya doon at napailing. Kailan pa siya nagkaroon ng pakialam sa mga babae at sa mga desisyon nila sa mga buhok nila? Ngayon pa lang. Lalo siyang napailing doon dahil hindi niya iyon maikakaila.

Ah, he should actually be respectful first and actually call that woman with her crazy green hair by her name—Chrome.

Maging ang pangalan ng talaga ay kakaiba at ito pa lang ang unang beses niyang makakilala ng babaeng may ganoong pangalan. Hindi na talaga siya magtataka kung bakit hindi niya itong makalimutan. That woman grabbed his attention so hard with no intention of letting him off the hook.

Daig niya pa ang ginayuma.

Chrome was, in fact, a very interesting woman even without her crazy additions. Saglit lang niyang nakusap ang talaga pero alam na niyang kahit sinong kumausap dito ay hindi mababagot. Something in her was so charming in the most natural way that he cannot actually pinpoint what it was.

Normal bang magka-ganito siya sa isang babaeng literal na saglit niya pa lang nakilala at nakausap? He does not see why not. Lalo na at sa depensa niya, hindi naman na bago ang konsepto ng "crush at first sight".

Bigla siyang natawa at napamura.

Crush at first sight? Ano ba siya? Bumalik sa pagiging bata?

They reach their destination in less than an hour, but Gabrielle has to answer a call from Kieth. Dapat ay kasabay niya ang ina niyang papasok pero sinabihan niya itong susunod din siya agad.

"Was that tita? Are you with her right? Should I just call later?"

Umiling siya kahit na nga ba hindi siya nakikita ng kausap. "Yeah, but it's fine. May nangyari ba?"

"Well..."

Wala naman palang masyadong problema maliban sa ilang minor issues tungkol sa mismong meeting na pupuntahan nila. May nag-back-out daw sa hindi malamang dahilan pero hindi naman iyon kailangang ikabahala. Matapos nitong sabihin sa kanya ang mga dapat niyang malaman, ipinaalala rin nito ang tungkol sa flight nila mamaya.

"Konti na lang talaga kabisado ko na 'yang details natin mamaya."

"Just making sure that we both know."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guarded by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon