Chapter Two: Choices

168 11 1
                                    

"I don't see anything wrong."

Tinitigang mabuti ni Gabrielle ang art piece sa harap nila. Gawa niya iyon dahil nag-request ang mommy niya na mag-paint daw siya para panregalo nito. Ang problema, kahit anong gawin niya, hindi talaga siya ma-satisfy-satisfy at sa mga mata niya ay may mali dito.

Gabrielle is the only child and son of Gabriel Montelvaro and Gabriell Marson. Hindi na talaga mahihirapan ang kahit sino na mag-isip kung saan nila nakuha ang pangalan niya. But, going back to his situation, his father is more on their clan's business and his mother is more inclined to arts. Hindi na kailangan pang sabihin pero kung pressure lang naman ang pag-uusapan, wala na yatang makakatalo sa pressure na nararamdaman niya ngayon.

Hinarap niya ang pinsan niyang si Caroline. "Are you sure, mahal?"

Tumango ang talaga at tinapik-tapik na ang likod niya. "A hundred and one percent sure, mahal. You did great and I am sure whoever Tita Gabby will give this to will be amazed as well. Kinakabahan ka lang talaga, mahal, pero promise, super ganda na!"

Napangiti na lang siya at isang buntong-hininga ang pinakawalan. Maliban nga sa pressure na nararamdaman niya siguro lang talagang nauunahan siya ng kaba niya. Dumagdag na rin kasi ang katotohanang college pa yata siya simula ng noong huling art piece niya.

Malapit talaga siya sa mga pinsan niya lalo na sa side ng daddy niya pero wala pa ring makakatalo sa pagiging partners in crime nila ng pinsan niyang si Caroline. Caroline is his mother's brother's only daughter and they have been best friends all their lives. Sa mga ganitong bagay talaga, ito ang kasama niya.

Bigla itong natawa kaya naman kinabahan siya. "Did you finally see something wrong with it?"

"Hoy, hindi!" Lalo itong natawa at hinampas ang braso niya. "Stop overthinking. Natawa lang ako kasi na-realize ko lang na we still call each other 'mahal'. It makes me wonder kung ang itatawag mo sa magiging girlfriend mo..."

"Ahhh..." That made him chuckle too.

Bata pa lang sila ay "mahal" na ang tawagan nila dahil lang sa nainggit sila sila sa tita nila. Ang mama niya at ang papa nito ay may isa pang nakababatang kapatid. Iyon ang Tita Sunny nila na may best friend na ang tawagan din ay "mahal". Ang buong akala nila ay iyon ang tawagan ng mag-best friend kaya naman iyon na rin ang tawagan nila. Even after becoming teens until now, they never really changed it and simply got used to it.

"Speaking of which, narinig ko kay Tita Gabby na invited ka raw sa kasal ni Marceline. How are you going to attend that kung bitter ka pa?"

Napangiti siya ng mapait doon. Gusto niyang mainis, pero hindi niya magawa dahil bakit naman siya maiinis kung totoo naman iyon?

Gaya nga ng sinabi niya, si Caroline ang pinakamalapit sa kanya at ibig sabihin lang noon na lahat ng ganap niya sa buhay niya ay alam nito. She knew about his failed first love even not everyone in their clan knows about it. Ito lang rin ang nakakaalam kung gaano siya naghihirap ngayon.

His art piece completely forgotten, he simply pulled his cousin out of the room for them to get some fresh air.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan magsisimula. Marceline Gallia is the first woman he has ever loved, but it was a failure waiting to happen from the very start. May mahal na iba ang dalaga at kahit saan pa niya isiksik ang sarili niya, wala siyang laban sa lalaking nagma-may-ari ng puso nito.

Inabot niya ang juice na kinuha niya sa dalaga. "I want to move on but I don't know how to, mahal."

"Meet other people." Mabilis na sagot ng dalaga at bago pa siya makapagsalita ay pinigilan siya agad nito. "Here me out first, okay? I appreciate your honesty, mahal, na hindi mo alam kung paano magsimulang mag-move on sa first love mo; pero sana naman totoong mag-effort ka na."

Sinabi ng dalaga ang lahat ng mga bagay na hindi pa siya handang marinig. Handa o hindi, wala naman talaga siyang magagawa kung hindi tanggapin na iyon ngayon. Masakit ang katotohanan at dapat na niyang harapin ang lahat.

"I also appreciate the fact that you are letting yourself heal before moving on to another woman, but the thing is, mahal, iyon ang kailangan mo. Go out and meet other people. Paano mo nga siya makakalimutan kung iiwasan mo naman lahat tapos lulunurin mo yang sarili mo kakaisip sa kanya."

May punto ang dalaga doon at hindi niya iyon ikakaila. Merong nagsasabing iniiwasan lang daw talaga niya ang kahit na sino dahil hindi pa siyang iwan ang pagmamahal niya kay Marceline; siguro nga tama sila pero isa pa sa mga rason niya ay ayaw pandamay ng iba. It was not ready for any type of relationship, even if it was just one of those flings his other cousins love to have.

"Open yourself, mahal, okay? Give your chance to open yourself to the world again. Meeting people doesn't necessarily mean you're going to date them again."

"Do you think I'm good to go, mahal?"

"I don't just think so, I know so. Be happy, mahal, please choose yourself this time."

Gabrielle met Marceline, his first love, for a project their companies collaborated in. Marceline's family business has something to do with architectural business, and, as for him, he was all over the Montelvaro's businesses. It just happened that he was in the engineering firm when she asked for their collaboration.

Wala naman sa plano niyang magustuhan ang dalaga, it just happened. Kaya kahit alam niyang malaking sugal ang haharapin niya rito ay tinanggap pa rin niya. Kaya nga wala rin siyang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili lang niya kung bakit ganito ang sitwasyon niya ngayon.

Hirap siyang maka-move-on dahil mahal pa rin niya ang dalaga. Pero gaya ng sinabi niya kay Caroline, kailangan na niyang mag-move-on ng maayos dahil malapit na ang kasal ng dalaga sa lalaking nama-may-ari ng puso nito.

Masaya na ang dalaga at kahit hindi pa siya handa, mas gugustuhin na niyang maging masaya rin para rito. Not just happy because he is required to be, but genuinely happy that the first woman he ever loved is now in her happiest point in life.

Hindi niya hahayaang hindi niya makuha ang goal niya. May tatlong buwan pa siya bago ang kasal at sa panahon na iyon, gagawin niya ang lahat para maka-move-on tama. Itina-tatak na niya iyon sa isip at pagkatao niya. This is the choice that he is making for himself now that he is choosing himself.

"Sir Gab! It's nice to finally see you again! Lalong tayong guma-gwapo, sir, naks naman!" Bati sa kanya ng assistance ni Marceline.

Unang parte ng plano niya ay kayanin na niyang harapin ulit ang dalaga; kaya nga sa wakas ay tinanggap na ulit niya ang invitation nito.

Today's event is another in Marceline's series of support and donation events for all the patients with congenital heart conditions. Hindi na niya maalala kung kailan ang huling attend niya sa ganitong event ng dalaga pero masaya na rin siyang nakapunta na ulit siya. Better late than absent too because he was stuck in the traffic for almost two hours.

"Binobola mo na naman ako. Nasaan ang boss mo?"

"Hindi, sir! Promise lalo po kayong gumwapo! Nandoon po si ma'am sa bandang garden. May kausap po siya."

Pinuntahan niya ang tinuro nito at totoo ngang may kausap pa rin ang dalaga... it is a woman with a ridiculously attention-grabbing green hair. Nag-alangan siya kung lalapit na ba siya dito o hihintayin itong matapos pero napatingin sa kanya ang dalagang kausap nito.

Lumapit na siya sa dalawang dalaga at kinuha ang atensyon ni Marceline.

"I missed half of the party, but please tell me the donation is still open."

"Gabby!" Agad siyang nilapitan at niyakap ng dalaga. "Akala ko hindi ka na pupunta na naman!" Pabiro pa siya nitong hinampas ng putulin nito ang yakap nila. "Were you stuck in traffic again?"

He chuckles and nods. "Yeah, I was." Hindi na niya pinigilan ang sarili at hinarap ang dalagang kausap nito kanina. Her ridiculous hair is just too distracting. "Apologies for the interruption. I'm Gabrielle Montelvaro, Miss...?"

Ngumiti ang dalaga at parang may kung ano sa kanya ang lalong nahila nito. "Chrome... Just call me 'Chrome'. Nice to meet you, Mr. Montelvaro."

"Oh, please, just call me Gabrielle too, Chrome." Nakipag-kamay siya sa dalaga. "The pleasure is all mine."

Bakit ba pakiramdam niya ay hindi ito ang una at huling beses na magkikita silang dalawa?

Guarded by the DevilWhere stories live. Discover now