Chapter One: Unfairness

265 12 0
                                    

WARNING: This story will not only contain mature content, but will also include triggering and sensitive topics such as mental health and constant mentions of suicide and death. Please read with caution and proceed with this warning in mind.

Still, happy reading and cheers to the fourth and last installment of the DEVIL series!

"Miss Saavedra, you're lucky that you seem to be as healthy as any normal being, but, please, we are begging you to take your proper medicines at their respective times. Hindi biro ang kondisyon mo..."

Kahit kailan ay hindi naman itinuturing ni Chrome na isang biro ang sitwasyon niya. Well, sige, aamin na siya, minsan siguro kapag nababagot siya ay ginagawa niya na katatawanan ang sarili pero hindi naman ibig sabihin noon ay hindi na siya seryosong mabuhay... madalas.

Sino ba ang makakasisi sa kanya kung maraming pagkakataon sa buhay niya ang naisip na lang niyang wakasan ang lahat? Bata pa lang siya ay tinataningan na ng mga doktor ang buhay niya. Hindi rin naman niya masisi ang mga ito dahil eksperto ang mga ito lalo na pagdating sa puso niya at sa buong kalagayan niya.

Ang dahilan na nga lang siguro kung bakit siya nandito ay ang pagiging masamang damo niya. Walang nakaisip na aabot siya sa ng twenty-three years, at maging siya ay nasosopresa na lang rin sa sarili niya.

Nakangiti siyang napamot sa batok niya. "Sorry na, dok, promise hindi na po ako magiging pasaway."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. "You've said that how many times already, Chrome? Twelve. You've said that to me twelve times already, and look where we are. Sinesermunan na naman kita dahil muntikan ka na namang atakihin..."

Ang ipinag-papasalamat na lang niya ay wala siyang kasama ngayon. Sapat na sa kanya ang pasermon ng doktor niya, at alam niyang hindi na niya kakayanin kung pati ang mga pinsan niya ay aawayin din siya.

She is the only direct cousin her Kuya Cade and Kuya Cain have on their mother's side. Wala naman kasing choice ang mga ito dahil only child siya ng mama niya na tita ng mga ito. Alam niyang kung nagkaroon pa sana ng pagkakataon, hindi lang naman siya ang magiging anak. She just knows that her mom would have wanted to have more kids.

Kulang labing-limang taon ng wala ang mommy niya dahil sa isang aksidente. Papunta ito ng isang business meeting at iyon rin ang nag-iisang out of town meeting nito na hindi siya isinama. Blessing in disguise, lagi niyang naririnig na lalong ikinagalit lang niya. Paano at kailan naging blessing ang mawalan ng ina?

Kahit kailan naman ay hindi niya nakilala ang ama. Ang dami niyang rason na naririnig noon pero salita lang ng mommy niya ang pinaniniwalaan niya—mas pinili nitong ang kung anong tama at makabubuti sa kanila.

Hindi niya iyon kinuwestyon kahit na nga ba gulong-gulo siya kung kailan ba naging mabuti at tama ang iwan ang mag-ina mo. Pero hindi naman doon sumama ang loob ko. Sumama ang loob ko na kahit saglit man lang noong sa mga huling araw ng lamay ni mommy ay hindi siya dumating.

"Chrome? Chrome, are you listening?"

Hindi pero tumango siya. "Drink my meds strictly on schedule. Eat well, live well!"

Nang isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan nito ay alam niyang suko na ito sa kanya para sa araw na ito na ikina-ngiti naman niya. Ibig sabihin lang noon ay pwede na siyang umalis!

"Excused na po ako, dok?"

"Yes, but one more thing." Bigla itong may kinuhang kung ano sa cabinet nito. Isang piraso ng papel? "Please attend this conference. Saglit lang yan pero alam kong makakatulong sayo. Promise me that you will attend there."

Guarded by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon