MaB 3

4.6K 159 7
                                    

Maasim ang mukha ni Josh ng tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kalalabas ko lang mula sa kwarto. Nasurpresa nga ako at nakatayo na pala siya sa labas, naghihintay. Nasa kabilang dulo kasi ang kwarto ko, same floor lang kung saan ang kwarto ni Josh.

Nong bata pa ako magkatabi lang kami ng bedroom. At madalas akong pumapasok sa kwarto niya para tumabing matulog. Minsan kasi binabangungot ako noong bata pa at nawawala lang kapag katabi ko si Josh.

When I turned thirteen, pinalipat na niya ako sa kabilang kwarto, yong nasa dulo. At pinagbawalan na din niya akong tumabi sa kanya. Hindi ko pa maintindihan noon kung bakit. A year after that, niligawan niya ako at sinagot ko naman agad.

I was ten when our parents died. And I was fourteen years old ng maging kami talaga ni Josh. He was nineteen then. Medyo may kalayuan ang agwat namin at laging si Josh ang umiintindi kasi siya ang mas matanda.

Wala namang against sa'min kasi nga we were left on our own. Josh's relatives were not here in the country, nag migrate kasi silang lahat sa US. At wala naman akong ibang pamilya. Josh was my only guardian back then. 

Nakasuot ako ng blue skinny jeans ngayon, white fitting shirt na sinapawan ko ng manipis na black jacket, at isang pares ng blue Sketcher shoes--lahat ay bigay ni Josh. Siya naman ang laging namimili sa mga gamit ko, lalo na sa damit. Nakasanayan ko na din.

"Wala ka bang casual?" Tanong sa'kin ni Josh ng lumabas ako sa kwarto.

"Huh? Kailangan ba talaga?" Medyo curious kong tanong. It's the first time na tinanong sa'kin yan ni Josh. Alam naman niya kung anong laman ng closet ko kaya nakakapagtaka talaga.

"San pala tayo pupunta?"

Lumapit siya sa'kin at hinawi ang buhok ko sa likod ng kaliwa kong tenga, mataas kasi ang buhok ko at natural na matuwid ito. Napakalapit ng distansya naming dalawa at kahit sanay na ako sa mga hawak niya, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Napasinghap ako sa init ng mga daliri niya na hawak-hawak ang kaliwa kong pisngi. Minsan, sa mga ganitong pagkakataon pinipikit ko ang mga mata ko, naghihintay na baka halikan ako ni Josh. Pero lilipas ang ilang segundo at wala pa rin. Sa pagbukas ko ng mga mata ay madadatnan ko siyang nakatitig sa'kin, na para bang kaylalim ng iniisip.

Like now.

Hindi ko alam if it's a good thing or not, pero sa sampung taon naming pagsasama ni Josh, ni isang halik mula sa kanya ay di ko nakamtan.

Akala ko it's a bad thing na hindi niya ako ginagalaw, ngunit simula ng magseryoso ako kay Lord, dun ko mas naintindihan ang halaga ng purity before marriage. At laking pasasalamat ko kay Josh na nirerespeto niya ang pagkababae ko.

"Magpalit ka ng magandang damit." Sabi niya at napakunot-noo ako sa kanya.

"Pangit ba ang suot ko? Nakalimutan mo atang ikaw ang pumipili ng mga damit ko ah. And for your information, Mr. Josh Boaz, hindi mo ako binibilhan ng casual dresses kasi ayaw mong gumanda ako lalo at madiskartehan ng kung sinu-sinong lalaki." Nameywang pa ako sa kanya sabay kurap sa mga mata.

"Kahit isang casual dress wala?" Hindi siya halos makapaniwala. Umiling ako sa ulo at natatawa sa naging reaksyon niya. He must have been shocked. Kahit siya naman talaga ang may kagagawan ng lahat.

Yeah. I'm already 24 years old and I have never worn a dress.

"Alright. Then let's buy you a dress." Sambit ni Josh habang hinila ako ng marahan sa kanang kamay. Napangiti na lang ako sa kaweirduhan ng boyfriend ko. Either way, I'm already used to it.

Pumunta kami sa mall at pumasok sa isang mamahaling boutique. Tutto Moda! Gosh. Bumulong pa nga ako kay Josh na masyado naman atang OA kung dito kami bumili ng dress. Pero hindi siya umimik at deretsang kinausap ang magandang saleslady.

"Can you find her a suitable dress?" Utos niya sa babae na para bang siya ang boss. Napausmid pa nga ako ng makitang nagpapacute ang saleslady kay Josh. Pogi problem nga naman.

Tiningnan ako ng saleslady at lumapit sa'kin. "Of course, sir. I can make her."

Pero inirapan ako ng babae na para bang may galit sa'kin, eh wala naman akong ginagawa kundi ang tumayo.

"And please, not too sexy. Just enough for her body size but no fitting." Dagdag ni Josh sabay suot ng kanyang black shades. Nakita ko siyang umupo sa bench at hinila na ako ng saleslady papasok ng dressing room.

Gosh. Lord ano bang pumasok sa kukuti ng boyfriend ko at naisipan niyang bilhan ako ng dress? Ano bang okasyon today? Hindi naman namin anniversary ah.

Isang maitim na cocktail dress ang napili ni Josh sa'kin. Not too sexy nga. Kalevel lang kasi ng mga tuhod ko ang haba nito. Sleeveless ang cocktail pero sinapawan ng white fashion jacket, parang Korean lang. But the frustrating part is my sandals, they're red and has heels. Hindi ako sanay magsuot ng heels. Buti na lang at inaalalayan ako ni Josh sa paglalakad.

Pumunta rin kami sa isang salon to do my hair and makeup. Actually inayos lang ng kunti ang mataas kong buhok, nilugay pero bagsak na bagsak. Napakalight lang din ng makeup ko. Medyo kinapalan lang sa ilalim ng mga mata ko para matabunan yong eyebags. Now I have my first smokey eyes. Wew. Nilagyan din ako ng pink lipstick na bumagay naman sa maputi kong balat.

Ng matapos ang lahat and I see myself in the mirror, I feel like I'm a different person. Manipis lang talaga ang makeup pero kayganda ng output. Pati ako namangha sa sarili ko. Lord, ako nga ba to?

"She's beautiful, isn't she?" Komento ng baklang nag ayos sa make up ko.

Napaliyad ako ng hawakan ni Josh ang beywang ko at nagtama ang aming mga mata sa salamin. Suddenly, I find it hard to breathe.

Especially when he whispers, "It's funny how I've watched you growing up, Nao. You look stunning."

"Thank you." Mahina kong sabi.

Binitawan na niya ang beywang ko sabay tingin sa kanyang Rolex watch. But then, the next thing he says made us all inside the salon speechless. "Well done. Now please remove the makeup off her face. Just put ordinary powder on her."

"What?" Shock kong sabi sabay lingon sa kanya.

"Sir? Kalalagay ko lang ng makeup, are you sure?" Nawewerla ding tanong ng bading.

Josh gives him a scorn. "Do I look funny to you?"

Natahimik ang bading at yong ilang customers na nagchichismisan. Kung hindi lang kaibigan ni Josh ang may-ari ng salon nato, malamang we were kicked out.

"Oo nga sir, ireremove na. Eto na oh." Tarantang sagot ng bading. Pero bago pa man niya ako mapaupong muli, tinanong ko si Josh.

"Sandali nga lang, are we joking here Josh? Hindi ako manika na bibihisan at huhubaran kung kailan mo gusto." Inis kong sabi sa kanya. Kanina ko pa nahahalata ang mood swings niya. Mas grabe ata today.

He looks back at me and says, "You're not a doll. You're my girlfriend. But you're so beautiful with makeup on that I don't want to share it with anyone else. Am I greedy? Oh yes, I am. And you know it, Nao. Maghihintay ako sa labas."

I was left in the salon, speechless.

Did he just say whaaat?!

Naramdaman ko na lang ang pagtapik ng bakla sa balikat ko. "Naku ate, crush ko yang si Sir. Pero not carry te. Scary pala si kooya. Strict ang boypie."

Napakurap nalang ako sa mga mata habang tinatanggal ng bading yung facial makeup ko. Is something bothering Josh lately? Mas madalas na ata siyang pikon eh, hindi lang yon, para bang lagi siyang conscious na baka mawala ako sa kanya.

Alam kong alam ni Josh yun. Na kahit anong mangyari, isang bagay lang ang hinding-hindi ko magagawa sa kanya. Ang iwan siya.

Dalawa lang naman ang hiling ko kay Lord. Lagi ko itong ipinagdadasal.

Ang araw na tatanggapin ni Josh si Lord. At ang forever na kasama si Josh.

My Atheist Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now