Prologue

14K 352 60
                                    

"Let's break up."

Pigil hininga kong sabi kay Josh. Ni hindi ko siya matingnan sa mga mata. Iniiwasan ko talagang magtagpo ang aming mga paningin. Ayokong makita niya ang lungkot, sakit, at pagdadalamhati ng aking kaluluwa habang binibigkas ang mga salitang yon. Mga salitang alam kong pareho kaming masasaktan. Mga salitang kailangan kong panindigan.

I'm breaking up with my fiancé. My boyfriend for ten years.

Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal.

Kundi dahil mas mahal ko si Lord.

Okay sana kung pareho kami ni Josh ng pananampalataya. Hindi na sana ako mahihirapan. Hindi ako magkakaganito. Hindi ako mamimili. Pero hindi eh. Sa haba ng panahon ng pagsasama namin ni Josh, natauhan na rin ako sa wakas.

Ilang taon ko na ring pinagsikapang mapalapit si Josh kay Lord. Ilang taon kong pinagdasal na sana magbago siya. Na sana tatanggapin rin niya ang Panginoon sa kanyang buhay. Ngunit ilang taon na rin akong nabigo. Ilang taon na akong umaasa sa wala.

Dahil hanggang ngayon...Josh doesn't believe in God.

"I won't accept that." Matigas na sabi ni Josh. "You don't even look at me while saying that. You don't mean it, Nao."

"I mean it. We can't keep this going, Josh. You know why." I tell him. Lord, ang hirap ng pinapagawa mo sa'kin. Akala ko si Josh ang masasaktan kapag makikipaghiwalay ako sa kanya. Pero mali ako. Ako pala ngayon ang mas nasasaktan. Ako ang mas nahihirapan. Pero kaya kong magtiis. Kung alam ko namang para 'to sa ikabubuti naming dalawa. So Lord, please, heal our hearts.

May mga namumuong butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Sinisikap kong wag makita ni Josh. Kaya panay ang iwas ko ng mukha. Ngunit huli na ang lahat. Josh grabs my chin up. I'm now facing him really close. Nagtama na rin sa wakas ang mga malulungkot naming mga mata.

Ayoko nito.

I love Josh. But if we don't have the same faith, I'm afraid I can't keep on loving him. That's why I have to let him go. He's not the right man the Lord has prepared for me. He's not my godly man.

Ngunit bakit Lord? Bakit masakit? Bakit ang hirap tanggapin hanggang ngayon? Wala na ba talaga? Hindi na ba talaga magbabago si Josh? Bakit ako nasasaktan?

"Why, Nao?" Malungkot niyang tanong. He's still holding my chin up. "Why are you letting me go? You, of all people?"

Hindi ko na mapigilan. Umiyak na talaga ako. Ang mga luha ko'y patuloy sa pag-agos. Walang preno-preno...hanggang sa mabasa nito ang kamay ni Josh na nakahawak sa mukha ko.

Sa pag-iyak ko, ikinomperma nito kay Josh na mahal ko pa rin siya. Alam kong ramdam niya yon. Dahil hindi ako nagkulang sa pag-aaruga sa kanya mula pa man noon. Hindi ko siya binitawan...ngayon lang.

"Let's break up." Yon lang ang naisagot ko sa tanong niya. Yon lang ang kaya kong ibigkas ng paulit-ulit. Dahil ayoko ng magsalita pa ng marami. Masasaktan ko lang siya lalo.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbitiw ni Josh sa mukha ko. There's something in his dark eyes which alarmed me. Minsan ko nang nakita ang ekspresyon na yon kay Josh. The coldness.

Tuluyan na niya akong binitawan.

"Is it because of your God?" He asks. There's no joy in his voice.

Tumango ako sa kanya.

"I see."

"I love you, Josh. But I love God more."

"You don't have to explain, Nao. If breaking up with me will make you happy, then let's do it. But please, don't convince me about the existence of your God. You know me, Nao. You know me."

"I'm sorry." Umiiyak kong sagot.

"Can I ask you one last question?" Sabi niya at tumango ako para tingnan siya. "Is God really necessary for a relationship to last? Do you really believe that, Nao? Because if you do, I really pity you. Good bye, Nao."

After that, iniwan na ako ni Josh. Pumasok siya sa sasakyan at mabilis na pinaandar ang kanyang sports car. I'm left alone. Crying.

Good bye, Nao.

_____________________

Kung nagbabasa ka ng Secretly Dating, tiyak na makakarelate ka rin dito, huehue. Actually, malapit ko ng matapos ang Secretly Dating! Kaya eto na naman ako ngayon, maghahasik ng panibagong Christian drama hahahaha!  Like? Drama much? Relate? Cast your votes! huehue. God bless you all.

Ang estoryang to ay fictionated lamang. Ang mga karakters ay gawa-gawa lamang at hindi kasalanan ni author kung makakarelate ka. Ngunit, ang mga sitwasyon ay maaring maihahalintulad sa mga Christian women who are struggling with their unbeliever boyfriends. If ikaw yon, God bless you. huehue.

My Atheist Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now