MaB 2

6.3K 169 18
                                    

"Josh, wag tayong PDA." Mahina kong sabi habang nakakulong sa kanyang yakap, yakap na animo'y wala ng bukas. Tama. Tatlong araw lang siyang nawala, tatlong araw lang at ganito na siya kung mag react.

"Bakit? Dahil ayaw mong masira ang reputasyon mo as a Christian? Kaya bawal ng yumakap ang boyfriend mo sayo?" Naiirita niyang tanong ngunit di pa rin niya ako pinapakawalan.

"Hindi. Pero nasa mall tayo at ayokong pinagtitinginan ng tao." Explain ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga ni Josh saka niya ako binitawan. Tiningnan niya ako ng may bahid na pagkadismaya, ngunit kalaunan ay nag-uumapaw pa rin ang kanyang respeto at pagmamahal.

"I understand. You can go back, Nao."
Aakma na sana siyang tatalikod ngunit pinigilan ko ang kanyang braso. "Sandali." Napalingon siyang muli. "Magpapaalam na lang ako sa mga bata. Hintayin mo 'ko."

Nanlaki ang mga mata ni Josh sa tuwa, pero panandalian lang sapagkat sumeryoso siyang muli. Kinuha niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso at binitawan.

"No, Nao. Go back. I'm sorry I said those words. Don't worry about me. I just missed you, that's all."

Hindi ko alam pero ako ata ang nagi-guilty dito. Alam kong hindi kailanman intensyon ni Josh na saktan ako, minsan lang kapag punong-puno siya ng pangungulila ay nagagawa niya akong sigawan imbes na lambingin. Nakasanayan ko na din.

Yong mga kaibigan kong nakakaalam sa relasyon namin ni Josh ay tinatawag akong martyr. Ang mga Christian friends ko naman ay pinipressure akong dalhin si Josh sa simbahan, ang iba ay mas nais nilang hiwalayan ko na lang. Pero kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na iwan si Josh.

Naniniwala pa rin akong in His time, Josh will welcome God in His heart.

"Hindi ko na lang tatagalan. Tatawagan kita pag tapos na. Sorry talaga."

"Don't say sorry to me, Nao. Dahil para mo na ring sinabi na mali yang ginagawa mo sa ministry."

"Josh! Kung ganon.. "

"Nope, hindi ko sinasabi na tama o mali yan, for me it's neither. Ang akin lang, kung yan ang paniniwala mo panindigan mo hanggang sa huli dahil hindi naman kita pipigilan." Pagkatapos non ay tumalikod na si Josh.

Nakaramdam ako ng lungkot ng makita ko ang kanyang likod na unti-unting lumalayo. Pinakaayaw ko ang makita ang likod ni Josh, sa ayaw ko man o hindi, nagdadala ito ng lungkot. It always makes me realize that there's a big wall between us. The more I grow in faith, the more I see him drifting away. Making those walls even thicker.

"Excuse me, Greenwhich delivery po. Sino po ba si Miss Naomi Ferrer?" bungad ng isang binata sa may pintuan. Sabay kaming napalingon sa binatang nakasuot ng Greenwhich uniform, may bitbit din siyang maraming supot.

"Wow, foods!"

Halos maghiyawan ang mga kabataan ng makita ang mga supot ng pagkain. Patapos na kami sa cell meeting dahil lunch time na din, balak ko din sanang tapusin ng maaga at wag ng umabot sa hapon. Nangako kasi ako kay Josh na tatapusin ko early.

Timing naman na may dumating na delivery. Pero nagtaka ako kasi hindi naman ako umorder ng Greenwhich.

Ganunpaman, napatayo ako. "Ako si Naomi. But I didn't order those foods."

Sinuklian lang ako ng ngiti ng binata, tapos dali-dali niyang nilapag ang mga supot sa malapit na lamesa. "Josh po ang pangalan ng umorder, ma'am. Sabi niya dito daw iaddress at ibigay sayo. Paki-receive na lang po, ma'am. Bayad na po tong lahat." Tapos may binigay siya sa'king papel. Gulong-gulo man ay pinirmahan ko na lang.

"Uyy ate Naomi, sino si Josh? Boyfriend mo?" Tanong ni Juni sabay kurap ng mga mata. Dinedma ko na lang.

"Hala ate Naomi, si Mr. Pogi po yan noh? Josh ang name?" It's Marta this time.

My Atheist Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now