SIXTEEN

842 23 1
                                    


JENNIE

"Jennie?" tawag sakin ni Mommy sa labas ng kwarto ni Lisa.

Nakabalik na kasi ako ngayon dito sa kanila, kaninang hapon lang. At mag i-eight na ng gabi pero wala padin si Lisa. Hindi ko naman alam kung saan nag punta ang babaeng 'yun.

Siguro nambabae na naman yun? Umalis siya kasama ang babae niya? Ewan ko ba kung bakit nagkagusto pa ako sa bakulaw na yun eh.

"Bakit po Mommy?" tanong ko sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

"Hindi ba tumatawag sayo si Lisa?" may bahid ng pag-aalala na tanong niya.

Umiling naman ako.

"Hindi po Mommy." totoong sagot ko naman. Hindi naman kasi talaga siya tumawag sakin eh. Simula nung umuwi ako samin, ni text wala siya. Pero sabagay, hindi naman talaga nag tetext o tumatawag sakin ang higanteng 'yun.

"Hayst, nasan na kaya ang batang 'yun? Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Malakas pa naman yung ulan tsaka mahangin pa man din. Tinawagan ko siya pero hindi ko naman ma contact." mahabang sabi niya.

Lumabas naman ako ng kwarto at dinala siya sa sala.

Pagkaupo na pagkaupo namin agad akong nagtanong kay Mommy.

"Saan po ba kasi nagpunta si Lisa Mommy?" tanong ko sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim bago ako sinagot.

"Hay. Pinuntahan ka nila sa inyo." sagot naman ni Mommy na ipinagtataka ko.

"Po?"

Hindi pa kasi masyado nag process sa utak ko yung sinabi ni Mommy eh. At gusto ko lang din, is ulitin niya yung sagot.

"Pinuntahan ka niya sa inyo Jennie. She wants you to come back here."

Napangiti naman ako ng lihim sa confess ni Mommy sakin.

Kinikilig din ako hehe.

Gusto pala ni Lisa na bumalik ako dito.

Bakit kaya?

"Sino po ba kasama niya?" tanong ko pa. Sabi kasi ni Mommy, nila. Ibig lang sabihin nun, may iba pang kasama si Lisa pumunta samin.

"Si Jisoo at Rosé. Sila ang kasama ni Lisa." sagot naman ni Mommy.

"Sandali lang, si Jisoo. Tama si Jisoo. Can you please call her Jennie?" utos pa niya sakin at agad ko namang sinunod.

Tumayo muna ako at nagpaalam kay Mommy na kukunin ko lang yung cellphone ko sa kwarto.

Pagkakuha ng cellphone ko sa kwarto kung san ko inilagay, bumalik din naman ako agad sa sala.

Pagbalik ko agad ko namang dinial yung number ni Jisooya. Nakailang ring pa ito bago niya sinagot.

Ring........

Ring........

Ring........

"Hello Jen." sabi sa kabilang linya pagkasagot nito sa tawag ko.

Sumenyas naman ako kay Mommy na sinagot na yung tawag ko. Sumenyas din naman siya pabalik sakin ng i-loudspeaker mo kaya ni loudspeaker ko naman agad.

"Jisooya?"

"Jen bakit, napatawag ka?" tanong nito.

"Jisooya san ka ngayon? Nasa bahay ka ba? Kasama mo na si Lisa? Sabi ni Mommy magkasama daw kayo?" tanong ko sa kanya.

Narinig ko namang tumawa ito.

"Heh! Jen, relax. Nasa bahay ako ngayon." natatawa pang sagot-sabi niya.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon