NINE

1K 23 0
                                    


LISA

Grrh! Nakakainis. Kala ko pa naman ako yung kakampihan ni Mommy kesa sa hampas-lupa na duwende na 'yon. Siya nanga 'tong may kasalanan ako na naman ang napagalitan. Sobrang nakakainis talaga.

Nandito ako ngayon sa banyo ng opisina ko, nagbibihis pa lang ako, while murmuring. Badtrip kasi e. Kakatapos ko lang din pala maligo.

Pagtapos ko magbihis lumabas nadin ako ng banyo. Pagkalabas ko bigla naman akong may naalala na five minutes lang pala yung binigay na oras ng Mommy ko sakin. Patay ako nito, mahigit five mimutes na pala. Okay self, humanda ka na sa kung ano mang ihambalos ng Mommy sayo.

Kinompose ko pa yung sarili ko. Okay self, ready? In, 1......2.......3. Aja! Fighting! Pero wag nalang kaya ako bumalik dun? Patay naman ako sa Mommy ko pag hindi naman ako bumalik dun. Tapos pag bumalik naman ako dun, patay din ako sa bugbug ng magaling kong Nanay. Naalala ko, nag tuturo pala si Mommy ng taekwondo noon. Hay naku. Bakit kasi may Nanay akong ganun? Lord, bakit po?

Hayst. I've decide na pumunta nalang dun. Inayos ka pa yung damit kong nalukot at huminga ng malalim bago pinihit ang door knob ng pinto at binuksan na ito.

Pagbukas ko naman.

"Ouch, aray ko po." daing ng duwende na himas-himas pa ang ilong nito. Anyare dito? Kumot naman ang noo ko ng may dala itong paper bag.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya na nakaturo pa sa paper bag na bitbit niya.

Imbis na sagutin ako, sinungitan lang ako ng duwende.

"At talaga nga naman, yun pa talaga yung unang tinanong mo. Tss, kita mo nangang nasaktan yung tao e. Tsk. Walang puso." walang pakundangan na sabi nito.

Ano ba pinaglalaban nito? Nakatanga nalang ako sa kanya ng inirapan niya ako at matalim pa ang tingin nito ngayon sakin.

"Sorry naman." sabi ko nalang. Inismiran naman niya ako. Naku. "What brought you here ba kasi?" tanong ko pa sa kanya.

Hindi naman siya sumagot. Nice siya kausap. Promise. Hinawi lang nito ang kamay ko na nakahawak padin sa door knob ng pinto at sumilip-silip pa sa loob ng opisina ko bago bumaling ulit sakin. Tinitingnan niya ba?

"May kasama ka bang babae sa loob?" nakapamewang pa sakin na tanong niya.

"Wala." sagot ko naman agad.

Sinipat-sipat pa niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Nakanunot lang ang noo kong nakatingin din sa kanya ng may maalala ako. Sh*t. Kailangan ko pa palang puntahan si Mommy sa Cafeteria. Naku po. Kainis bigla ko ba naman nakalimutan.

Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"At saan ka naman pupunta?" nakapamewang pa itong nakaharang sa dinadaanan ko. Inis naman akong napahinto dito.

"Ano ba. Wag ka ngang hahara-hara dyan sa dadaanan ko." salubong ang kilay na sabi ko sa kanya. Para naman walang narinig ang trip girl na hampas-lupa.

"Saan ka ba kasi pupunta?" god! patience Lisa patience.

"Babalik na ako dun. Puntahan ko lang si Mommy." sagot ko nalang. Kahit kailan naman kasi e, wala akong panalo sa kutong-lupa na 'to. My god!

"Tss, hindi na kailangan." sabi naman niya. Napataas narin ng bahagya ang isang kilay ko.

"No, hindi pwede. I need to go there or else patay ako kay Mommy. At isa pa dapat andun ka din ah?" sabi ko naman.

"Hayst, hindi na kasi kailangan." sabi pa nito. Bakit ba kasi, bakit ba kasi ha? Kainis naman.

"NO" matigas ko namang sabi.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon