TEN

1K 33 0
                                    


LISA

"Not what you think." explain ko ngayon kay trip girl habang naglalakad kami papuntang parking. Pauwi na kasi kami ngayon nitong duwende na 'to. Si Mommy naman, simula pa kanina hindi na siya bumalik ng opisina, diretso na siguro yun uwi sa bahay.

Kanina pa ako sinusungitan nitong trip na 'to. Sabagay dati pa naman ganyan na siya. (Ay, parang kikilang-kilala na ah?) Oo otor kilala ko na siya, kaya tumahimik ka. (Okay!)

"Oi trip girl sandali lang." habol ko pa sa kanya. Pano ba naman, e, bilis maglakad ng Ate nyo. Tsk.

"Bilisan mo kasi, bagal-bagal mo." masungit namang sabi niya.

Seriously, bakit ba ang sungit niya?

Pagdating namin sa parking binuksan ko na agad ang sasakyan at pumasok naman siya sa back seat ng walang imik. Hay naku.

Lumingon naman ako sa kanya at tiningnan siya ng nagtatanong look kung bakit sa likod siya umupo pero inirapan lang niya ako at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Iling-iling nalang akong binawi ang tingin ko sa kanya at inon na ang engine ng sasakyan ko.

Habang nasa biyahe naman kami tahimik lang kaming dalawa at walang ni isang nagsasalita. Kanina nong papunta palang kami dun sa office ang ingay-ingay niya, then now kabaliktaran.

Panaka-naka ko naman siyang tinitingnan dito sa salamin sa harap ng sasakyan ko at may times namang nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya, pero tanging irap at pagtaas lang ng kilay ang ginawa niya sakin pag nahuli niya ako.

Maldita talaga. Hay!

Pagdating namin sa bahay nauna na s'yang lumabas at padabog pang sinara yung pinto ng sasakyan ko. Naman ihh.

Napangiwi nalang akong lumabas narin dito. Saka feeling ko din nabingi ako sandali, sa lakas ba namang pagsara nito ng pinto, parang dumagundong pa sa loob ng sasakyan.

Pagkasara ko ng pinto, mabilis naman akong tumakbo at sinundan siya papasok sa loob ng bahay.

"Trip girl sandali nga lang." sabi ko sa kanya ng maabotan ko siya sa may pinto ng bahay namin at hinawi siya paharap sakin.

"Ano?" galit namang tanong niya.

"Hindi naman kasi yun 'yung iniisip mo eh." sabi ko. Napataas naman ang isang kilay niya.

"Wala naman akong iniisip." parang cold namang sabi niya.

"Ihh yung ano kasi, yung ano, yung sa ano." para namang ewan na sabi ko at napakamot pa ako sa kilay ko.

"Anong ano? Puro ka ano. Pektusan kita dyan e." mataray namang sabi niya.

Hayst, huminga nalang ako ng malalim yung tipong, malalim pa sa dagat. Charot. Baka hindi na ako makahinga nun tas diretso na ako patay. Wag naman sana.

"Yung ano dun sa ano." pang ilang ano ko na ba 'to? Ang hindi sumagot hindi marunong magbilang. Charot.

"Lisa isa. Tigilan mo yang kakaano mo." mataray paring sabi niya.

"Dun kasi sa ano e."

Kinuha naman nito ang isang tsienelas niya at akmang ihambalus sana sakin ng bigla ko siyang niyakap.

"Sorry na." pa cute na sabi ko.

"Tse, umalis ka nga dyan, chansing ka nang Manobag ka ha." sabi naman niya at kinurot ako sa tagiliran kaya napadaing nalang akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Aray ko naman. Bakit ba hilig mong manakit ha? Ikaw lang 'yung bukod tanging babaeng may lakas loob na saktan ako ng physical. Maliban lang sa Mommy ko. Minsan napapaisip tuloy ako na baka ikaw talaga yung anak niya at hindi ako, pareho kayo e." mahabang singhal at pagmamaktol ko naman sa kanya.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon