Workshop

22 10 0
                                    

Isinulat ni: senyora_athena

Lunes. Maaga akong nakarating sa workshop dahil ang pangkat namin ang mangunguna sa flag ceremony ngayon. Wala sa sarili kong inilapag ang bag ko sa upuan na karaniwan kong gamit.

Mukhang sobra yata akong napaaga ng punta sa university. Ang totoo niyan ay wala talaga akong tulog. Ang ganda kasi ng submission ng mga activities ko, sabay-sabay pa talaga.

Napailing na lang ako nang maalalang ang saklap pala talaga kapag wala kang tulog.

Tinahak ko na lang ang mga bintana upang sana buksan iyon nang biglang umilaw ang buong workshop. Dios ko, wala sa sarili kong bulong.

Napaatras ako nang ang mga sewing machine naman ang biglang nagkaroon ng kuryente. Tila ba may gumalaw ng saksakan at isinaksak ang sewing machine.

Gusto ko lang naman mag-lead ng flag ceremony pero bakit kailangan niyong manakot?

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas ng workshop at nakita ko ang instructor kong papalapit na sa puwesto ko. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at agad na yumakap sa kaniya.

Pero ang biglang nagpatigil sa tibok ng puso ko nang inilapat niya ang kutsilyo sa aking leeg.

“Sa wakas ay may makakasama na ang kapatid ko sa workshop. Paalam, Reynalyn.”

Unwritten TalesWhere stories live. Discover now