Librarian

17 11 1
                                    

Isinulat ni: senyora_athena

Mapait akong ngumiti nang makita si Daryl, nasa Athenaeum ako at tumitingin ng mga libro. Hindi niya ako nakita, ‘buti naman.

Patuloy lang ako sa paghahanap ng maaaring makatulong sa’kin sa research paper na ginagawa ko. Nagpakawala ako ng isang malakas na buntonghininga.

“Lalim no’n ah? Any problem?” tanong sa’kin ng librarian na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

Iniling ko ang aking ulo bilang sagot.

May bago na pa lang librarian sa University. Sabagay, matagal-tagal na rin pala na hindi ako nakatambay dito. Three months ago, I guess.

“Anong book ang hinahanap mo?”

“Wala pa nga po akong specific topic, Miss eh,” sagot ko.

“How about life and death?” suggest niya at tumingin sa’kin.

May ibinigay siyang libro sa’kin, 500 pages with a black cover book.

“Makatutulong ‘to.”

Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang book cover. Good God, sana nga ito na ang topic na maaaprobahan ng research adviser namin.

Pagtaas ko ng tingin ay wala na ang librarian sa harapan ko. Bumalik na marahil sa puwesto nito.

Tinahak ko ang table ng librarian. Pero ibang librarian ang nakaupo sa mesa nito.  Dalawa ba silang librarian na naka-assign sa athenaeum? Guess so.

“I’ll take this book, Miss,” sabi ko.

“Library card.”

Inabot ko ang library card ko sa kaniya. “Miss, may kasama ka bang librarian pa rito?” tanong ko.

“Ako lang, bakit mo naitanong?”

“Ha? Sigurado ka ba? Eh, sino ‘yong nakausap ko kanina? Akala ko librarian din ‘yon.”

“’Wag ka ngang magbiro.”

Inilarawan ko sa kaniya ang librarian na nakita at nakausap ko kanina. Namutla ang librarian na kaharap ko at nag sign of the cross.

“Dios mio, si Maam Arli Joy ang nakita mo kanina. Ang librarian na nag suicide sa dating library ng University.”

Nahilo ako sa sinabi niya at biglang nag-itim ang paligid.

Unwritten TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon