Chapter 4

4 0 0
                                    

Tala's POV

"dahil sinabi mo at mukhang sumang ayon si Tala na hindi naman talaga marunong sa fashion ay ito na ang pipiliin ko" sabi niya at kinuha ang gown sa kamay nang desugner, "isusukat ko muna ito. Alagaan mo ang kaibigan ko Carla maliwanag?"

"okay, ako ang bahala sakanya" nag- ok sign oa si Carla bago tuluyang makapasok si Kyla, "hmmm, mayroon ka bang gusto na design nang gown?" tanong nito at umikot rin sa akin, naiilang man dahil sa klase nang kanyang paninitig ay sinagot ko pa rin ang kanyang katanungan.

"oo, mas gusto ko sana ang simple lang at hindi masyadong makakaagaw nang pansin" mukhang hindi na siya nagulat sa sinabi ko at para bang inaaaahan niya nang sasabihin ko yun.

"hmmm, medyo mahirap ang sinabi mo dahil halos lahat nang gown ko dito ay talagang nakakaagaw nang pansin, at sa itsura mo kahit gaano ka simple pa ang maging suot mo ay talagang mapapatingin talaga sa'yo ang lahat" namula ang pisnginko dahil sa sinabi niya, naririnig ko sa mga estudyante at katrabaho ko na talagang nakakaagaw daw nang pansin ang mukha ko pero hindi harap harapan. "wala ka bang planong sumali nang beauty pageant? may pyesta sa kabilang baryonat may pageant, baka gusto mong sumali, sagot ko costume" namumulang naiiling ako sa sinabi niya

"d- di ako mahilig dyan eh" sabi ko at nag- iwas nang timgin napaka unkomportable niya talagang tumingin, pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nakikita niya.

"gano'n ba? sayang naman. oh well, simple at di masyadong nakakakuha nang pansin, sa tingin ko ang kulay na biege o dikaya brown ay mas babagay sa'yo. Dex! Ilabas lahat nang simple na gown dito, yung kulay brown at biege" agad na muking kumilos ang assistant niya na inuutisan rin ang iba pa sa paggalaw at sa isang uglap na lang ay marami nang gown ang nakapila.

Lumapit doon si Dex at tiningnan lahat yun, may kinuha sing isang gown at linagay sa harap ko na para bang sinusuri kung bagay ba sa akin ito o hindi. May dalawa siyang pinili, ang biege na pinili niya ang pinaka sinole sa lahat, walang kahit na anong nakalagay na Swarovski o ano pa, parang pantulog na silk lang talaga ito. Hanggang paa ang hab at may paha lang na desugn sa beywang, spaghetti strap lang rin ito pero pwede siyang lagyan nang strap. Yung isa naman ay kulay brown na hapit sa katawa. at may slit sa gilid hanggang hita, wala rin itong kadesign desugn at sobrang revealing nito.

"pumili ka sa dalwang ito. o kung ayaw mo ay pumili ka sa mga hawak nang assistant ko"

di na ako nagdalawang isip pa at agad na pinili ang kulay biege

"as expected, tama akong ito ang pipiliin mo, maganda rin kung sinple lang ang damit mo para mas umangat ang ganda mo. Sige na, pumasok ka na sa dressing room at isukat mo nang mai- adjust ko na. titingnan ko lang rin ang kaibigan mo at parang ang tagal atang lumabas bak may nasira nanaman iyon sa gown" tumango ako sa sinbi niya at pumasok sa isa pang dressing room.

madali lang suotin ang gown kaya agad akong natapos, medyo nacknscious ako sa braso kong nakikita ngunit may scarf naman kaya pinatong ko nalang rin ito sa balikat ko.

"naku! ang ganda niyo naman po maam. kasyang kasya rin sa iyo ang gown " namula ako sa mga compliment na sinasabi nang mga nagtratrabaho doon at nahiya.

"Tama nga. kahit simple lang ang gown ay nagmumukhang magara dahil sa nagsusuot" nakita ko si Kyla nakatayo sa tabi Carla na nakatayo rin sa tabi niya.

"ang ganda mo rin Kyla, napakasopistikada" natawa si Kyla at napailing sa sinabi ko

"o ano Carla? may dapat ka bang i adjust?" tanong nito

"sa tingin ko wala na. tama lang ang sukat sa inyong dalawa at wala nang dapat na baguhin pa"

"mabuti naman. sige na, magbibihis na kami at mag- gro- grocery pa" agad na nagbihis kami at nagpaalam na kay Carla, dinala nanamin oauwi yung gown, binigyan niya kami nang discount at sinabing pwede namin ibalik ang gown pagkatapos nang reunion or a week after that.

"may listahan ka ba nang kailangan natin sa bahay?" kumuha ako nang sanitary napkin na Sisters with wings yung panggabi ang pinili ko. Padating na kasi ang akin.

"eto, kahapon ko pa planong mag grocery eh. Punta muna tayo sa bilihan nang sabon at shampoo" sinunod namin ang mga bibilhin sa listahan at bumili na rin kami nang stocks sa kusina t mga chichirya, softdrinks, chocolate drinks at kung ano pa. Bumili na rin nang sandamakmak na yarn nang ina't ibang uri si Kyla, tela at kung ano pa ang kailangan sa business. Tumutulong ako sakanya minsan pag walang ginagawa pero mas hands on siya sa negosyo namin.

Linagay namin ang dala namin sa trycicle at nagdrive na pauwi.

"ako na magluluto. diba marami ka pang gagawin?" tinulak ako ninKyla paalis sa kusina nang nagsimula akong linisan ang pechay na binili namin kanina.

"sure ka?" ngdadalawang isip kong sabi, minsan kasi ay nagiging disaster pag si Kyla ang nagluluto, minsan lang naman pag wala siya sa mood kaya nga palagi akong alangan na ipaubaya sakanya ang kusina.

"oo nga. Wag kang mag alala at di masama ang mood ko ngayon kaya umalis ka na dyan kundi pupukpoking kita nang spatula" binitawan ko ang pechay sa lababo at nagdadalawang isip pa rin pero tinulak niya na ako paalis sa kusina. "sige na! alis na!" bumunting honinga nalang ako at ginawa ang sinabi niya.

Gumawa ako nang lesson plan, pati na rin ang grade nang mga estudyante ko ay sinolve ko na. Napailing ako at sumakit ang ulo ko nang makitang maraming estudyante ang hindi nanaman nagpapasa nang requirements. Napahilot ako sa sintido ko at hinayaan muna yung hindi nakapasa nang assignments, kakausapin ko nalang sila at kung maaari ay nag- isip nang paraan upang makabawi sila sa grade nila, di ko naman maaari g hilain sila pataas dahil magiging unfair iyon sa mga estudyanteng nagpasa nang requirements nila on time.

Kakausapin ko nalang siguro sila at bugyan nang mga gawain o dikaya ay tawagin nalabg sila upang magparticipate sa klase.

Haaaay.

"kakain na Tala!" hinilut ko ang aking mata nang marinig ang boses ni Kyla

Nakahain sa mesa ang ginisang pechay na may oyster sauce sa mesa at ulam, kumuha ako nang pinggan at linagay iyon sa mesa pati na rin kutsara at tinidor.

"ani na kaya sa tingin mo nangyari sa mga kaklase natin?" kyuryusong tanong nito, hindi nalang ako sumagot dahul wala rin naman akong balita tungkol sa mga kaklase namin nang highschool, kakaunti lang rin naman mga kaibigan ko doon dahil sabi ko nga di ako mahilig makipagsalamuha. At isa pa, kinakabahan parin ako sa isipin na baka nandoon rin siya. "balita ko si Xia ay isa nang doctor" si Xia ay naging kaibiganko rin noong highschool pero di kami gaanong close, nawalang rin kami nang komunikasyon nang nagsimula kaming magcollege kaya hindi ko alam paano nalaman ni Kyla ang tungkol dito.

(ToBeContinued)

TraitorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora