Chapter 1

19 0 4
                                    

Tala POV:

"hoy! Tala, nakatulala ka nanaman dyan" napapitlag ako sa biglaang pag sita sa akin nang aking kaibigan kasabay nang pagtama nang malambot na unan sa aking braso. Liningon ko si Kyla at nakapameywang na nakataas kilay itong nakatingin sa akin "iniisip mo nanaman ang ex mo no?" pangbubuska pa nito.

Bumuntong hinunga ako sa tanong niya at tumingin sa labas nang bintana nitong bahay na nirerentahan naming dalawa. Maririnig ang munting tawanan nang mga batang naglalaro sa ibaba at kitang kita naman ang mga vendor at ang mga taong naglalakad mula sa bintana. Kita ang mga ngiti sa kanilang labi na para bang may masayang nangyari sa araw na ito. May dahilan naman talaga sila dahil piyesta nang barangay ngayon.

"Hindi ko siya iniisip, pati ang mga tanong na hindi nasagot ay pilit ko na ring kinakalimutan" mahinang sabi ko, taliwas sa aking sinabi marami paring katanungan na bumabagabag sa aking isipan.

Bakit at paano niya nagawang lokohin ako at traidorin ang puso kong nagmamahal sakanya. Pero syempre, hindi ko sakanya iyon sasabihin dahil mahaba habang seremonyas nanaman ang aming pagsasaluhan. Ngunit kilala talaga ako nang aking matalik na kaibigan at mataray akong tinalikuran at pumuntang kusina pero rinig na rinig ko pa rin ang boses niyang tila ba ako ay pinapagalitan.

"Kung hindi ka ba naman kasi kalahating tanga bakit di mo muna tinanong ang mga tanong na bumabagabag diyan sa isipan mo bago ka nakipaghiwalay diba? malay mo at mali ang iyong nakita at may roon siyang rason kung bakit niya iyon nagawa. Pero may rason man o wala, paano mo nga naman malalaman diba? Ni hindi mo nga alam kung kailan kayo muling magkikita o magkikita pa nga ba kayo. Yan! magtiis ka dyan! Magsaya ka at dalhin mo panghabang buhay yang katanungan na hindi alam kung masasagot pa ba. Hinding hindi mo masasara ang kabanata nang buhay mo na kasama siya kung hindi mo na malalaman ang mga sagot sa katanungan mo at ang eksplenasyon niya. Pwera nalang kung muli kayong magkita at handa ka nang buksan yung pag iisip mo, lawakan ang iyong pasensya at handa ka nang makinig sakanya. Yun ay kung muli kayong magkita" hindi ko na pinakingaan ang mahabang litanya nang matalik kong kaibigan at hinayaan nalang siya sa kakadada niya.

Lumabas ito nang kusina dala dala ang isang mangkok na may lamang tinola. Bagong luto ito kaya umuusok pa, tumigil na rin ako sa pagtingin sa labas nang bintana at tumulong sa paghain para sa pagkain namin. Nasa gitna kami nang pag uusap nang may kumatok sa pinto nang bahay.

"ako na ang magbubukas" hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Narinig ko ang munting pag uusap nila. Kilala niya ata ito dahil natagalan sila sa pag- uusap. Bumalik si Kyla sa hapag na may dalawang envelop na dala. Mukhang imbitasyon sa isang pagtitipon.

"sino yun?" tanong ko at humigop nang sabaw nang tinola

"Si Gomez, yung presidente natin nong highschool. oh, eto. sinwerte ka ata at baka muli kayong magkita nang ex mo nang malinawan ka narin dyan sa kung ano anong pinag iisip mo" sabi nito at binato sa gilid ko ang dala niyang imbitasyon at bumalik na sa pagkain. Uminom muna ako nang tubig bago binuksan ang envelope at nakitang kong imbitasyon nga ito para sa reunion nang batch namin nong highschool. Nagdalawang isip ako kung dadalo ba ako o hindi, natatakot na baka magkita kaming dalawa.

"kailangan ko ba talagang pumunta?" mahinang tanong ko at napakagat sa aking ibabang labi

napatigil sa pagkain ang aking matalik na kaibigan at matalim akong tiningnan "wag mo sabihin sa aking hindi ka dadalo huh? sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka. Nang magkaroon rin naman nang kapayapaan yang pag- iisip mo." sabi nito at tumayo dala dala ang plato niyang wala nang laman at ang kanyang baso "Tapos na akong kumain, ikaw na ang maghugas nang plato. Pupunta akong plaza para sa patimpalak na sasalihan ko, at mayroon kaming kunting pagtitipon. Hindi na rin siguro ako makakabalik dahil mag aayos na rin ako. Mamayang gabi nalabg tayo magkita, manood ka at suportahan ako, initendies?" kiming tumango lamang ako sakanya, wala rin naman akong ibang dahilan para hindi pumunta at syempre kahit naman palagi akong binubungangaan nang akong kaibigan ay susuportahan ko pa rin siya. Katulad nang pagsuporta niya sa akin. "mabuti kung ganon. o siya siya mag aayos na ako at ikaw damihan mo pagkain mo, ang payag payat mo baka pagalitan ako ni tita at sabihing hindi kita inaalagaan" paala pa nito at hindi na hinintay pa ang sagot ko bago nag simulang mag ayos nang kanyang sarili. Mga kalahating oras siya nag ayos at umalis rin kaagad sa bahay. Ako naman ay nagsimula nang maghugas nang pinggan. Kunti lang naman ang hinugasan, dalawang pinggan isang mangkok, tatlong kutsara, dalwang tinedor, pitsel, dalawang baso, at ang rice cooker kaya madali lang akong natapos, pagkatapos kong linisin ang kunting dumi sa kusina ay dumiretso ako nang kwarto ko at binuksan ang laptop ko. Isa akong guro nang high school sa malapit na eskwelahan dito sa bahay na renentahan namin ni Kyla. Isang linggong walang pasok ngayon dahil nga piyesta dito sa barangay, ngunit bukas ay kailangan kong pumunta nang paaralan upang tulungan ang aking mga estudyante sa pag ayos nang mga gagamitin nila para sa ptimpalak kalaban ang iba pang mga kabatch at kasama nila sa eskwela. Para iyon sa Miyerkules na  araw, tatlong araw mula ngayon.

Malapit na rin ang pagsusulit nang mga estudyante at kailanga kung gawin ang mga papel para sa kanilang pagsusulit. Nakaramdam ako nang pagkauhaw kaya lumabas ako nang aking kwarto at pumuntang kusina para kumuha nang tubig nang napadaan ako sa pagkainan at nahagip nang tingin ang imbitasyon. Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi rin nagtagal ay pumunta na akong kusina at kumuha nang mineral water, dinaan ko rin ang imbitasyon sa hapag at dinala iyon sa aking kwarto. Nang maupo ako sa swival chair ko ay linapag ko ang imbitasyon sa aking mesa malapit sa laptop ko. Habang gumagawa nang pagsusulit para sa aking estudyante ay hindi ko maiwasang mapatingin sa imbitasyon.

(ToBeContinued)

TraitorWhere stories live. Discover now