Chapter 3

8 0 0
                                    

Tala's POV

"At ang nanalo ay si Kyla Mercedes!!!" masigabomg palakpakan at hiyawan ang maririnig sa plaza habang kinokoronahan ang nanalo sa patimpalak na ito at iyon ay ang aking matalik na kaibigan. Nakipalakpak ako at kahit antok na antok na ay hinintay kobparin iting matapos sa pakikipagsalimuha sa mga tao sa ibabaw nang stage at nakikuha nang mga litrato, mayroon ring kasama ako ngunit kaunti lamang dahil hindi ako masyadong mahilig kumuha nang litrato.

Mga alas dose nang gabi kami nakauwi at dahil siguro sa sobrang pagod ay nakatulog sa sofa si Kyla kahit hindi pa nito natatanggal ang kolorete nito sa mukha. Napailing na lamang ako kumuha nang basang panyo at pinunasan ang kanyang mukha, hindi ko na siya sinubukan pang dalhin sakanyang kwarto dahil hindi ko siya kayang buhatin , linagyan ko na lamang nang unan ang ilalim nang kanyang ulo at siya ay kinumutan. Pagkatapos ko iyong gawin ay ako naman ang nag ayos nang aking sarili muli akong naligo dahil sa nanlalamig ako at pagkatapos ay ginawa ulit ang mga papel nang pagsusulit nang aking mga estudyante. Tinapos ko lamang ang papel nang isang Grado nang aking mga estudyante kbago nagpasyang matulog, at sa pagpikit nang aking mga mata muling bumalik sa akin ang mga dating alaala. Kung saan kaming dalawa ay masayang nagsasama, palaging magksama, nagmamahalan at rinirespeto ang isa't isa, hanggang sa natpos ang lahat, nawala na parang bula dahil lamang sa isang pagkakamaling kanyang nagawa. Isang pagkakamaling sumira sa aming dalawa at ang naging dahilan kung bakit hindi na ako na niniwala sa pag ibig at kung bakit hindi rin ako matahimik sa mahabang panahon.

Minulat ko ang aking mga mata, naramdaman ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi ngunit sa halip na punasan ay hinayaan ko na lamang ito sa pagpatak. Napalingon ako sa mesa sa gilid nang aking higaan kinuha ang imbitasyon at ito ay pinagmasdan.

'kailangan ko nang closure' yan ang kailangan ko upang maisarado ang kabanata nang buhay ko nang kasama siya. Ang tanong ay kung pupunta ba siya.

"may damit ka na bang gagamitin para sa reunion?" tanong ni Kyla habang pinupunasan ang kanyang basang buhok.

"bakit? ano nga ang tema non?"

"classic vibe daw. Kailangan natin nang gown"

"saan naman tayo kukuha nang gown aber?" linagay ko ang mga plato sa dapat na lagayan at pinunasan ng lababo.

"doon sa palagi kong nirerentahan nang gown tuwing sasali ako sa rampa. Magaganda ang gown doon at napakamura, makakadiscount rin siguro ako dahil regular costumer ako"

"kilangan pa ba talaga no'n?"

"oo naman. Reunion ito friend, maraming magpapasikat at ipagyayabang ang mga achievents nila sa kanilang buhay at magpapakitang gilas gamit ang mga mahalagang kasuotan nila. magkukumpara rin nang mga naging pinagdaanan sa pagtupad nng ating pangarap at kung ano pa." napabuntomg hininga ako sakanyang sinabi.

ayoko talaga ang makipagsalamuha sa ibang tao ngunig hindi ko naman iyon maiiwasan dahil sa propesyon ko, isa akong guro at kailangan kong pakisamahan ang aking mga estudyante at katrabaho.

"sige na nga, kailan ba tayo pupunta dyan sa rerentahan natin nang damit?"

"kailan ka ba walang gagawin?" napaisip ako kung may mga hindii pa ba ako natapos na gawain, kakatapos lang nang exam at kailangan kung gunawa nang bagong lesson plan at mga paraphernalia na gagamitin sa pagtuturo. Ibig sabihin marami akong gagawin.

"malayo ba yan dito sa bahay?"

"diasyado, mga limang kanto siguro bago doon sa rinerentahan ko"

"sige, ngayon nalang tayo pumunta nang hindi na istorbo para sa mga gagawin ko."

"ay bet. sige mag-ayos ka na muna bago tayo lumakad doon, bag of yan daan muna tayo sa talyer ni manong Bert, maayos na daw si Lane" si Lane ang trycecle na pinag ipunan naming dalawa ni Kyla na bilhin para makatipid sa pamasahe tuwing pupunta kami nang paaralan o hindi kaya ay may pupuntahan mami, pareho naman kaming marunong magmaneho nang motor.

"sige" yun nga ang gunawa namin.

"napalitan na ang tire na nabutas, nabihisan na rin ang malapit nang masera na kadena at nalagyan na nang oil, pininturahan na rin namin ang trycilcle ayon sa kulay na gusto niyo. matibay na ito ngayon, parang bago" napatango ako sa kinalabasan nang kulay pink na si Lane, amoy pintura ito dahil nga bago lang na pinturahan, hindi ako mahilig sa pink pero si Kyla oo kaa hinayaan ko nalang siya na papinturahan nng kung anong gusto niya ang trycicle. Sa harapan ay may nakalagay na cursive na 'Tala & Kyla'.

"salamat po manong bert" sabi ko at pinaandar na ang motor, nakaangkas sa likod ko si Kyla.

"walang ano man ineng, punta kayo rito mamaya at may handaadn huh?"

"susubukan po namin mang bert" sabi ko at tinanguan ito.

"grocery tayo pagkatapos nang damit" rinig kong sabi ni Kyla, may malapit kasing palengke at convenience store dito kaya nakakabili kami nang pangangailangan namin.

"dala mo ba ang funds?" tanong ko

"oo. naandito sa bulsa ko, myron ditong 5,000. tatagal nanaman suguro ito nang isa o dalawang buwan"

"itago natin ang kalahati, 2, 500 muna ang gastusin natin. Tayong dalawa lang naman ang nasa bahay at di tayo masyadong kumakain" pumayag siya sa sinabi ko. Tuwing darating ang sweldo ay may wallet kaming linalagyan nang tig- iisang libo o kalahating libo para pang grocery namin, ang sobrang ipon ay napagdesisyunan naming gawin para pang negosyo.

Pareho kaming dalawa na mahilig gumawa nang mga bag, damit at kung ano pa gamit ang yarn at ano oang kpase nang strings, mahilig rin kamong manahi at gumawa nang clay. Hindi pa ganoon karami ang ipon namin kaya kaunting mga gamit lamang ang nagagawa namin. Order lahat nang gawa namin at hindj pweseng i refund maliban nalang kung kami ang malu, salamat naman at marami ring tumatangkilik sa aming negosyo, hindi rin magtatagal at makakapagtayo rin kami nang sariling pundasyon nang aming negosyo.

"Carla, nandito kami para mamili nang gown" bati ni Kyla doon sa baklang mayroon tape measure na nakasabit sa leeg, sa palibot namin ay ang iba't ibang uri nang tapos nang nagawa na gown. Hindi talaga ako marunong sa fashion pero masasabi kong ang gaganda nang mga gown.

"mamili? yung tapos na ba o magpapatahi kayo nang bago?"

"yung tapos na. Malapit na kasi ang event napupuntahan namin at kailangan namin nang magrbobg gown, yung tipong wasak lahat nang ibang babae sa ganda namin pag sinuot namin yung gown pa lang" napailing nalang ako sa sinabi ni Kyla at hinayaan siyang makipag usap kay Carla, ilang beses ko nang nakita si Carla tuwing sumasali nang pageant ang bestfriend kk pero di pa kami nakakapag- usap nang lagpas 2 o tatlong minuto kaswal lamang ang batian naming dalawa.

"ay! marami akong ganyang klaseng gown. Halika! Dex! Ilabas lahat nang gown na nababagay sa magandang dalawang dilag na ito!" nagsimulang gumalaw yung Dex at ang iba pang tauhan dito at linabas ang iba't ibang uri nang gown. Halos malaglag ang panga ko sa dami nang mga ito at sumakit ang ulo ko dahil sa iba't ibang kulay nito.

"halikayo dito, tumayo dito sa harap ko. Hayaan niyo akong magrecommend nang sa tingin ko ay babagay sa inyo" inuna nito si Kyla, inikutan niya si Kyla at tumango tango. Linapitan niya iyong gown na mga design niya at may kinuha na tatlong nakahanger na gown.

Pinahawak iyon ni Carla sa tatlong niyang assistant at hinarap sa amin, kulay itim, pula at violet ang gown na nakalagay sa harap namin.

"iting tatlong gown ang sa tingin kong mas babagay sayo. Pula, itim at purple. Nirerecommend ko na piliin mo ang pula dahil mas nako- compliment nito ang kaputian mo at katulad mo rin daring and fierce" long gown ang tatlong ito, tumango ako sa sinabi nang designer na mas bagay sakanya ang pula, bagay rin naman sa kanya ang itim at purple pero mas nafi- fit kasi ang pula sa character nang kaibigan ko.

(ToBeContinued)

TraitorWhere stories live. Discover now