04

63 51 0
                                    

" Thank you for this."

Sambit ko sa isang tagahanga na nagbigay sa akin ng letter, agad ko naman itong itinabi sa akin at saka ko na babasahin kapag natapos na ang fan signing na ito, marami ang dumalo at lahat sila ay may iniaabot kapag lalapag na sa amin. Kaya nakakatuwa.

" Keep inspiring us, best leader. You are so brave and awesome for managing the six members." Ngumiti ako sa sinabi niya, hinawakan niya ang kamay ko, at agad siyang umiwas ng tingin, ang iba ay humihingi ng litrato kasama namin, ang iba naman ay hindi na, siguro, mas maganda ng makita nila kami sa personal.

Hindi umabot ng ilang minuto ang kamay niya sa akin dahil baka nahihiya siya, ngumiti naman ako sa naging reaksiyon niya.

" Keep on supporting us also, and love us, thank you so much for coming here and for everything."

Sunod sunod naman ang mga pumupunta sa amin, kapag natapos na sa ibang members ay doon uli sa isa pa. May mga tubig naman kami dito, kaya hindi na pwedeng tumayo. Nakikita kong masaya naman ang iba kong kasama sa mga natatanggap nila mula sa mga tagahanga naming lahat.

" Sir, after this, you are allowed to eat, and after that, we will continue the fan signing." Tumango ako sa sinabi nila, sinabihan din nila ang iba ko pang kasama. Hindi naman pwedeng aalis kami para lang may gawin na kung ano, nakakabastos iyon para sa mga Fans na narito.

Nang makailan naman kami ay agad na kaming pinahinto para makakain, masyado parin silang madami, at napupuno na din ang mga laman ng boxes namin na may pangalan ng bawat members, kaya naman iniaayos nila mismo ang mga laman ng box.

" Thanks for this!" Sabay sabay na pagpapasalamat namin sa mga staffs na naghanda ng pagkain naming pito. Kahit naman ang mga fans ay may pagkain din, kaya hindi sila magugutom sa paghihintay sa amin.

Lahat kami ay kumakain na, pati narin ang mga staff, kailangan pa naming bumalik doon mamaya.

" We are trending on twitter." Sambit ni Theodore habang hawak ang telepono nito. Agad ko ding tinignan ang telepono ko. Nakita ko nga ang mga tweets ng mga fans na narito sila sa aming fan signing at may mga litrato at video kami sa kanila.

" Ang bilis ng mga kamay nila, kanina lang tayo nagumpisa sa signing, may tweets na agad." Hindi makapaniwalang sambit ni Brian. Kahit ako ay napatango sa sinabi niya. Napakabilis nila, kahit na kalalabas lang ng mga inaanunsiyo namin sa aming mga social media accounts ay agad silang nakakasunod.

Ilang minuto lang ay tinawag na kami ulit sa labas para magpakita sa kanila. Tilian ang naabutan namin nang makalabas kami, panibagong batch sila at sila na ang huling batch ngayong araw, sa susunod na linggo pa ulit ang aming fan signing, ito na ang panghuli ngayong linggo na ito.

"O my gosh, Kyle! I can't believe it. I am here infront of you." Umiwas ng tingin ang babae sa akin. Agad naman akong nangiti dahil doon. Ibinigay niya ang kaniyang album, at saka ko hinanap ang aking mukha para doon pumirma, may inilapag siyang paper bag sa aking harapan, sinilip ko ito matapos akong pumirma sa album niya.

" Oh, wow, thank you for this. Thank you also for coming here today." Inilapag ko sa tabi ng box ko ang paper bag na iyon, hinawakan naman ng babae ang aking kamay, hinayaan ko naman siya sa ginawa niya, agad siyang umiwas ng tingin at tumawa ng mahawakan niya ako.

Hinawakan ko ng mas mahigpit ang kaniyang kamay, agad naman siyang yumuko.

" Thank you." Itinuro ng staff ang daan papunta sa susunod na member. Kumaway siya sa akin, kumaway din ako pabalik. Sunod sunod na ulit ang mga pumipila para magpapirma ng albums nila, madalian lang naman kaya lang, kapag gusto naming makilala ang mga fans namin ay kinakausap namin sila at doon kami natatagalan.

" Thank you for this."

" We love you too."

" Take care."

Mga salitang binabanggit ko tuwing aalis na ang mga nakapila sa akin. Nakakatuwang isipin na may ganitong pangyayari, kung saan nakakasalamuha namin ang mga tagahanga namin at mga naniniwala sa amin na kaya namin. Pero nakakalungkot isipin na hindi lahat kayang makapunta, hindi lahat kayang makabili, hindi lahat kaya kaming makita. At kung may kaganapan man na ganito, kaunting minuto lang ang magugugol para magkausap kami, gusto ko mang patagalin ang usapan, hindi naman pwede, may mga nakapila pa. Gusto ko silang makilala pa, at pasalamatan dahil nariyan sila sa tabi namin kaya lang, hindi kinakaya ng oras.

Pero masaya ako dahil nakikita kong may mga tao pala talagang sumusuporta sa aming pito.

" Hello! Today's fan signing event is successful. Thank you for coming, and thank you for your gifts. We are so happy to meet you and talk to you guys." Paguumpisa ko.

Tinignan ko si Brian, siya naman ang magsasalita.

" Yes! The foods are so nice, thank you for that, and also, I really love this toy." Napatawa ang mga nanunuod habang nilalaro ni Brian ang laruan na nasa ulo nito. Agad din akong napayuko dahil sa kahihiyan na ginagawa ng mga kasamahan ko.

Agad na ngumiti si Brian at tumawa nang tumalikod siya matapos niyang magsalita.

" Please, be careful when going home. The weather is cold, wear your jackets, and eat a lot today." Paalala ni Theodore. Ngumiti sila sa sinabi niya.

Sinenyasan kami ng mga staff na bilisan dahil kailangan na naming umalis dahil kailangan pa naming mag rehearse para sa aming sayaw.

" See you next fan signing, Army's. Always remember that we love you, and we care for you, always." Sambit ni Cody.


" Thank you for supporting us, and loving us seven. Support our upcoming events and fan signings." Sambit naman ni Timothy.

Nagpose lang kami ng iilan para sa mga tagahanga na kumukuha ng litrato naming pito. Panay ngiti at pacute ang ginagawa namin sa harapan nila, agad naman silang nagrereact kapag ginagawa namin iyon.

" Thank you guys, we love you."

Naghawakan kaming pito ng aming mga kamay at saka kami sabay sabay na yumuko sa kanila para magpaalam.

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now