01

90 54 1
                                    

" Love!"

Agad ko siyang hinalikan nang magkita kami sa isang lugar malapit sa tinitirhan niya. Kasama ko si Timothy na umalis sa bahay, nagpaalam lang naman kami na may bibilhin saglit, mabuti nalang at naniwala sila sa aming dalawa.

Hawak mo ang kaniyang mg beywang, at saka ko hinalikan ang kaniyang noo.

" I'm sorry. Ngayon lang ako nakawala sa mga staff. Hindi naman pwedeng aalis ako minu minuto, baka makahalata sila sa akin." Paliwanag ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Bussiness Woman si Deianira, kilala din naman siya ng mga tao, kaya lang ay hindi ganoong katulad ng sa amin nila Timothy.

Si Timothy naman ay nasa driver's seat lang at naghihintay na matapos kaming magusap, saka na kami didiretso sa isang grocery store para bumili ng makakain. Naka disguise naman kami kaya  hindi kami makikilala ng mga tao.

" It's fine always, Love. I know you are busy, I saw the news earlier also. Please, take care of youself, okay?" Pagpapaalala niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya. Hinalikan ko ang kaniyang noo hanggang sa magsawa ako. We are married, yes. Hindi nga lang alam ng Manager at ng ibang tauhan sa Building. Nagbayad ako ng pari para ganapin ang kasal. Lahat naman ng miyembro naroon, kaya mayroon akong witness ng aming pagmamahalan.

Hindi ko alam kung paano namin natapos ang seremonya nang walang nanggugulo, siguro ay magaling talaga ang gumawa ng plano para sa kasal ko. Na kahit ang Manager at ibang staffs ay hindi nalaman ang kasal ko, lalo na ang Media.

" How's your day? I told you, don't force yourself from your work, okay? I'll inform you if I have some free time so that you can call me, okay?" Sunod sunod na paalala ko sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit bago niya inilagay ang kaniyang sumbrero pabalik sa ulo nito. May sarili kaming bahay, at mag isa niya lang doon. Siguro sa tamang panahon ay masasabi ko din ito sa ibang tao, sa ngayon, ganito muna kami.

Hinalikan ko na ang labi niya bago niya binuksan ang pintuan ng sasakyan ko.

" I love you, Kyle. See you soon."

" I love you more, Deianira. Take care."

Umalis na siya sa sasakyan. Hinintay muna namin siyang makaalis sa parking lot bago kami. Sana ay ayos lang siya habang nagbabyahe.

" Brian! Ikaw na daw muna ang magpractice. Iyong sayaw lang daw. Hindi ba bukas ay may performance ka?" Sambit ni Nathan kay Brian habang nasa dance room kami, dumiretso kami sa dance room nang makabalik kami galing doon sa pinagkitaan namin ni Deianira.

Tumango naman si Brian at saka siya tumayo at naghanda sa kaniyang pagsasayaw. Ang ibang kasamahan naman namin ay kani kaniyang hawak sa kanilang telepono para kausapin ang mga magulang nila at mga kaibigan. Mabuti nalang at hindi sila nagsasalita tungkol sa nangyari noon. Alam naman nila na masaya ako kay Deianira kaya tinulungan nila ako para sa sekretong kasalan.

Napangiti ako.

" Kamusta si Deianira, Kyle? Wala bang nakasunod sa inyo?" Tanong sa akin ni Cody nang tumabi siya sa akin habang naghihintay na sumayaw si Brian sa harapan namin. Tumango ako at saka ngumiti.

Tinignan niya ako.

" Maayos na maayos. Maganda parin simula noong una. Kaya lang ay hindi kami nagtagal dahil may araw na nang magkita kaming dalawa kanina." Tumango naman siya. Nakatingin siya kay Brian na naghahanda ng sumayaw. Nasa likod niya ang backup dancers niya at panay sila nakakulay itim na damit. Tinali naman ni Brian ang buhok niya ng pataas, dahil may kahabaan na ito.

Pinanood namin si Brian na sumaway, magkakatabi kami sa upuan ng mga natirang kasama ko.

" Kailan mo balak sabihin iyan kina Ivor? Matagal na kayong magkasama ni Deianira. Kahit sana kina Ivor mo muna ssbihin, saka na sa mga Fans, alam mo namang mabibigla sila dahil sa balita mo kapag ginawa mo nga iyon." Akala ko ay tapos na siyang magsalita, hindi pa pala. Tumingin ako ulit sa kaniya. Nagaalala naman ang mga tingin niya sa akin.

His Darkest Secret ( His Darkest Series #1)Where stories live. Discover now