Chapter 14

344 18 53
                                    

Happy New Year, everyone! This will be the last chapter of Zombies From Nowhere in the year 2023. Happy reading! (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)


Balot na balot ng matinding kalungkutan ang buong bahay nina Raine. Wala ni isang gumalaw, kaya napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Dinampot ko ang puting tela na nakita ko sa sampayan at akmang itatakip na sana 'yon sa katawan ni Ryan, nang bigla na lang hinigit ni Raine ang braso ko.

"No!" malakas na sigaw niya. "My brother is not yet dead! Buhay pa ang Kuya Ryan ko! Kailangan ko lang siyang dalhin sa ospital!"

Bumagsak ako sa sahig matapos niya akong itulak. Wala sa sarili akong napatitig sa sahig. Ni hindi nga ako nakadaing nang tumama ang likod ko sa malamig na pader.

"Raine," mapait naman na tawag ni Daisy sa kaniya. "You should let your kuya go na. Mahihirapan pa 'yan siya kung—"

Marahas naman na umiling si Raine. "Hindi ako iiwan ni kuya! Hindi niya ako iiwan dahil nangako siya sa 'kin! I don't want him to leave me!"

"Oh, shit," mura ni Casper.

Lahat kami ay hindi nakapagsalita nang bigla na lang gumalaw ang braso ni Ryan. Tinukod niya ang kamay niya sa sahig, kaya narinig namin ang pagtunog ng mga buto niya. Mas lalo pa 'yon na lumabas mula sa katawan niya, at hindi na magandang tingnan.

"Kuya?" hindi makapaniwalang bulong ni Raine.

Lalapitan na sana niya ang kapatid niya, pero mabilis ko siyang hinila bago pa man niya 'yon magawa. "Hindi na 'yan ang kuya mo!"

"No! Let go of me! I need to help my bro—" Wala na akong nagawa kundi batukan siya, dahilan para bumagsak siya sa sahig at mawalan ng malay.

"Jam!" gulat naman na hiyaw ni Drake.

All of us were horrified by the sight of Ryan. He slowly stood up, completely unfazed by his wounds. We clearly heard his bones cracking and getting more dislocated.

Dahan-dahan siyang napatingala. He opened his mouth and let out a deafening sound. Napatakip na lang ako sa mga tenga ko, at ganoon din ang iba ko pang mga kasama.

"Shut him up!" Alam ko na sumigaw si Rachel, pero halos hindi ko ito marinig dahil mas nangingibabaw ang nakabibinging angil ni Ryan.

"What the fuck is he doing?" tanong naman ni Drake.

Hindi ko rin alam ang sagot. Ilang beses na rin naman akong nakarinig ng mga angil, pero hindi kagaya nito. Ibang-iba ito sa angil ng mga nakaharap namin.

"This is not looking good!" Roger announced. "We need to go!"

Taranta kong nilapitan si Daisy, at tinulungan siyang itayo ang walang malay na si Raine. Patakbo na sana kami nang bigla na lang siyang napaluhod sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod niya. Tumulo ang luha niya, kaya mabilis ko siyang tinulungan na tumayo ulit.

Nauna nang lumabas ang mga kasama namin. Kami na lang tatlo ang naiwan sa loob. Maiyak-iyak ko siyang iniharap sa akin dahil nagsisimula na ring balutin ng takot ang sistema ko.

"Pull yourself together!" Tinatagan ko ang boses ko, kaya ilang beses siyang tumango at pilit na nilulunok ang iyak niya. "Let's get out of he—"

Tumama ang ulo ko sa sahig nang may bigla na lang humila sa paa ko. My vision started to get blurry again. I struggled to get up because of someone's hand pulling on my feet.

"Jamira!" sigaw ni Roger.

Bumaba ang tingin ko sa paa ko. Nakita ko si Ryan na hawak-hawak iyon. He was about to bite my feet when someone hit him with a vase on his forehead.

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now