Chapter 09

323 21 28
                                    

Tanghali na nang magising ang mga kasama namin. Tinipon agad kaming lahat ni Kio sa sala pagkatapos naming mag-ayos ng mga sarili. Napagdesisyunan ko na nga rin kanina na maligo at magpalit ng damit dahil sa bahid ng dugo sa katawan ko.

"Sino ang mga aalis at sino ang mga mananatili rito?" diretsong tanong niya sa amin.

"Kung saan si Jam, do'n din ako," sagot naman ni Drake, kaya gulat akong napatingin sa kaniya. "Oo na, buntot mo na 'ko, Jam. Pero sobrang gwapo ko rin naman para maging buntot ko lang, aba!"

"Drake," seryosong tawag ko sa kaniya. "Hindi mo naman kailangan na—"

"Kung 'yon ang desisyon niya, Jam, hayaan mo na lang. Malaki naman na 'yang bakulaw na 'yan," iiling-iling naman na wika ni Rachel, kaya mas lalo akong na-pressure.

"May sense of responsibility ba?" natatawang sambit naman ni Drake saka niya ako nginitian. "Sa tabi mo lang ako."

"Paano si Daisy? Paano 'yang kapatid mo, ha? You can't just stay by my side, by a stranger's side, Drake." Umiling ako at napasinghap. "Sense of responsibility ba kamo? Sa kapatid mo 'yan dapat gampanan, hindi ba?"

Natahimik naman siya at napatingin kay Daisy. "Gusto ng kapatid ko ng kalayaan, and I gave it to her. Bakit parang mali 'yong ginawa ko? E, binigay ko lang naman sa kaniya 'yong gusto niya?"

"Kasi iba na ang sitwasyon ngayon," sagot ko, kaya natahimik silang lahat. "Kaya mong manatili sa tabi ko, pero sa tabi ng kapatid mo, hindi? Oh, come on, Drake!"

"Jam," seryosong tawag ni Daisy sa akin, kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi mo naman kailangang pagalitan si Drake. Hindi naman na 'ko bata, e. I can handle myself—"

"No, you can't, Daisy. Kung kaya mo na ang sarili mo, bakit sumama 'yang loob mo noong muntik ka nang maiwan ng kuya mo sa Springdale?"

Napalunok si Daisy at dahan-dahan na umagos ang mga luha niya mula sa mga mata niya. "I wanted him to be free, Jam, kasi alam ko na pagod na siyang alagaan at protektahan ako."

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Drake. "Hindi ba—"

"Gusto ko na maging malaya ka, Drake. Hindi ko sinadya na itulak ka palayo sa 'kin pero kasi, 'yon 'yong nangyari, e. And I am so sorry for pushing you away," paliwanag ni Daisy.

Nagbabadya na ang mga luha niya, kaya napayakap na lang si Luna sa kaniya. "Alam ko rin naman kasi na gusto mo nang maging malaya. 'Yong malaya na hindi mo na kinakailangan na isipin kung saan ako, kung sino 'yong mga kasama ko, kung ayos lang ba ako, kung ligtas ba 'ko. . . Ayaw ko nang maramdaman mo 'yon."

"D-Daisy," nanginginig na sambit ni Drake sa pangalan niya.

"Kung gusto mong manatili sa tabi ni Jam, go on. Hindi kita pipigilan," dagdag ni Daisy. "Kasi ito ang unang beses na nakita kitang desididong sundin ang kung anong gusto ng puso mo."

"Ang corny nama—aurgh!" Gulat at namumutla naman na napatingin si Logan sa akin matapos ko siyang sikuhin sa tagiliran. "That hurts!"

"Bibig mo isusunod ko kung hindi ka pa mananahimik diyan," banta ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mga mata.

"Daisy—"

"Okay lang naman siguro sa 'yo kung gustuhin ko rin na manatili sa tabi mo?" tanong ni Daisy.

Akala ko pa ay may sasabihin si Drake sa kaniya, pero mabilis niya itong hinila at mahigpit na niyakap. Panay pa ang paghalik niya sa ulo ng kapatid niya, kaya napangiti na lang ako. Halos ayaw din kumawala ni Daisy sa yakap at napahagulhol na lang sa dibdib ng kuya niya.

A tear escaped from my eye, and I quickly wiped it away. So this is what a family looks like? At kung nabigyan ng Panginoon ng pamilya ang ibang tao, bakit ako hindi?

Zombies From NowhereWhere stories live. Discover now